Wednesday, December 5, 2012

4 Minahal ni Bestfriend : Desperado part 10





          Kamusta po sa inyong lahat? ^_^

            Natutuwa po ako sa mga taong sumusupport sa akin sa story na ito. Kaya muli, maraming maraming salamat po. :)

            Pangalawa po ay, gusto ko humingi ng pabor. Hahaha! Pa follow naman po ng blog.. Heheheh. Sige na :P Hahaha!! And nga pala guys, you can add me up on fb pa din. We have a growing community sa fb and I hope ay i-add nyo ko ng mai-add ko din kayo sa ating group. We will be having events soon so sana sumali po kayo. :) Ito po ang link ng aking fb acct. :)  http://www.facebook.com/kenji.bem.oya PAKIUSAP lang po na magpakilala lang kayo upon adding para ma add ko na kayo agad sa group :) Thanks!! So.. ito na!!

              Pangatlo, ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie,  at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, Miggymouse, edpaul098, nico singayan, cef de mesa, SXZMLR, ROBZ, Chad Kurasaki, mckimac, rosalino abendanio, Vince Mirabuenos, cal,  at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.






Pinagbigyan ko ito ngunit isang araw lang. Pagka alis ni Cedric papuntang trabaho ay agad akong sumunod. Alam ko naman kasing pipigilan lang ako nito pag sumabay pa ako kaya pinauna ko na ito. Ngayon ko mas higit kailangan ng trabaho dahil walang wala na ako. Walang pera, walang makakain.

Pagpasok na pagpasok ko ng trabaho ay napatingin ang lahat. Halatang gulat na gulat. Nagtatakbo namang lumapit sa akin si Cedric.

“Diba sabi ko, hwag ka muna pumasok?!”, galit ngunit alalang sabi nito.

“Ced, hindi ako pwedeng tumanganga. Ngayon pa.”

“Pero…”

“Wala ng pero… Andito na rin lang ako.”, matigas kong sabi.

Kinausap ako ng amo naming at sinuguradong handa na ako magtrabaho. I was not. Hindi na ako magsisinungaling. I was not ready to face the world yet. I was still hurting. Pero wala akong choice. I must push forward dahil kailangan.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng dressing room ay agad akong bumalik sa loob. Paglabas mo kasi ay matatanaw mo na ang bar. At sa mga oras na ito ay dapat andun si Nikko. Ngunit ngayon, wala na ito. Pinigil kong huwag umiyak, ngunit sadyang nakatakas ang mga luha. But still, kailangan ko magpakatatag.

Muli akong lumabas at ginawa ang mga dati kong trabaho. Nagpasalamat din ako sa mga kasama ko sa trabaho dahil sa pagpupunan nila sa trabahong ako ang dapat gumawa. Naiintindihan naman daw nila ito. At huwag daw akong mag alala dahil aalalay pa din sila. Nagpasalamat muli ako.

Kahit na sa bawat sandal ay naaalala ko si Nikko sa aking pwesto sa bar ay nagpakatatag ako. May mga sandali na pakiramdam ko ay andyan pa din si Nikko, ngunit sat wing tinitingnan ko ang dating upuan nito ay wala ito doon. This made me sad.

For weeks ay sinubukan kong magpakatatag. Wala na rin akong ibang aasahan talaga kung di ang sarili ko. Andyan man si Cedric ay may sarili itong pamilya na kailangang tustusan. It must be hard for him na malayo sa magulang nito.

My fantasies with Cedric began to fade. He deserves Geoff. At sa mga panahon na ito ay mas lalo ko itong nakilala. I guess hindi ko talaga nakita ang ugali nito because I never gave him the chance for us to be friends. Mabait pala talaga ito. Ngayon ko lang nakita at naramdaman.

Every night after work ay pinagbabalot kami ni Geoff ng pagkain. Kinukuha niya ito sa bola sa mga customers namin. Nakakahiya man, pero wala ng pa pride pride. We were helpless.

Ngunit isang araw habang nasa trabaho ay nakaramdam ako muli ng pangungulila kay Tatang Berto kaya nag paalam muna ako na lalabas sa likod ng bar. Pagkalabas na pagkalabas ko ay nagiiyak na ako agad. Napaupo sa gilid at nagiiyak.

“Oh.”, sabi ng boses. Nakita ko na lang na may panyo sa harap ko. Nilingon ko kung sino ito, si Geoff.

“Ikaw pala. Salamat.”, sabay kuha sa panyo at pinahiran ang mga luha ko.

“Naalala mo sila?”

“Oo eh..”, maluha luha ko pa ring sagot.

Tiningnan ako ni Geoff at binigyan ng dalawang mahinang tapik sa likod ko.

“Huwag ka mag alala. Dito naman ako, eh.”

“Kaya nga nagpapasalamat ako, eh. Dahil andyan kayo ni Cedric para sa akin.”, pagbigay ko ng ngiti.

“Oo..”

“Salamat talaga.”, buong puso kong sinabi. Tumango lang ito at naglakad papunta ulit sa pinto pabalik ng bar.

Ngunit nagulat ako ng bigla itong huminto at tumingin sa akin.

“Cyrus… I meant what I said. Andito lang ako para sayo.”

Tumango ako. Ngunit medyo nawirduhan.

“Yeah, salamat.”

Mas naglakad ito palapit.

“No, hindi mo naiintindihan… Shit!”, nagdadalawang isip na sabi nito.

Nagtaka ako at nagulat. Ano bang sinasabi nya?

“Shit…Shit.. Shit naman…”, paulit ulit na sabi nito. Halos hindi naman ito makatingin sa akin. Nakita ko na lang na napakamot ito sabay hawak sa bibig at tingin sakin.

“Ok ka lang?”, lito kong tanong.

“Shit! Look, ayoko na… Tsk. Pano ba..”

Mas lalo ako naconfuse.

“Ano kasi Cyrus. Takte naman! Ah! Shet!!”, tarantang sabi nito.

Bigla itong humawak sa balikat ko at tininganan ako sa mata sa mata.

“I like you.”, biglang bugsaw nito.  Napakagat naman ito sa labi agad at parang nagsisisi sa sinabi.

Natuala ako.

“Huy!”, pagyanig nito sakin.

“Hah…?”, tanging nasagot ko.

Bumitaw si Geoff sa pagkakahawak sakin. At agad na tumagilid.

“I’ve always did.”, nakokonsensya nitong sabi.

“Teka, are you saying what I think you’re saying?”, gulong gulo kong tanong.

“Oo. Oo, Cyrus. Matagal na kong may gusto sayo.”

Napatulala naman ako. Ano daw?

“Teka, Geoff.. Baka nakakalimutan mong…”, ngunit cinut ako nito.

“Hindi ko nakakalimutan Cy. Alam kong si Cedric ang boyfriend ko. Pero even before na naging kami. I’ve always had my eyes on you.”

Napa atras ako.

“Hoy! Seryoso ka ba?”, pilit kong pagbibiro.

“Tingin mo magbibiro ako ng ganito?!”, seryoso at matigas na sabi nito.

Naramdaman ko na parang naging tuod ako. Hindi makakilos. Gulong gulo.

“Shit!! Dapat kasi noon ko pa sinabi sayo, to!”, pagdadabog ni Geoff.

“Geoff?”, tanging nasabi ko.

Tumingin si Geoff at lumapit.

“Cyrus maniwala ka. I alway liked you. Noon pa.”

“Huh?”

“Alam ko bad timing. Na ngayon ko sinasabi ang lahat ng ito. Pero ng ma;aman ko ang nangyari sainyo. Natakot ako..”

“Ano bang pinagsasabi mo?!”

“Natakot ako kasi kung paano kung ikaw ang namatay sa sunog na yun? Dati nakontento ako na patingin tingin lang sayo. Dahil alam kong andyan ka lang. Peron ng dahil sa sunog, paano kung bigla kang mawala? Paano kung hindi na kita makita? I couldn’t live with that.”, nangingilid luhang pa gamin ni Geoff.

Halos bumaligtad ang utak ko sa narinig. Hindi ma comprehend ng utak ko ang mga nangyayari. Ang gulo! Masyadong magulo!

“Pakinggan mo nga sinasabi mo Geoff! You’re with Cedric!”

“Siya ang gusto mo, diba?!”, pambabara nito sa akin.

“What?!”, depensa ko.

“Alam ko Cyrus. Ramdam ko. Dahil kung anong tingin ang binibigay mo sakanya, ay siyang tingin na ginagawa ko para sayo. Lalo na sat wing magkasama kayo.”

Naramdaman ko na biglang yumakap si Geoff sa akin. Para naman akong biglang naparalisa sa gulat.

“Please.. Cyrus.. Maniwala ka..”, pabulong na sabi nito.

Doon bigla akong nagising. Tinulak ko si Geoff papalayo.

“Magkukunwari akong wala kang sinabi ngayon. Kaya please. At sinasabi ko sayo, huwag na huwag mong sasaktan si Cedric! Dahil sinasabi ko sayo!!”, galit kong sabi.

“Ano?!”, pang gulat din na sabi nito.

“You will lose us both.”




Simula ng araw na yun ay umiwas ako bigla kay Geoff. Ilang bwan akong nagtiis na ganito. Bigla akong parang napaparanoid sat wing andyan din si Cedric. Feeling ko ay nagkakasala ako sa kaibigan ko. At worst, siya pa ang minamahal ko.

Naging madalas din ang pagpunta ni Geoff sa bahay. Para daw kay cedric ang dalaw niya ngunit madalas ko itong nakikitang nakatingin sa akin. Kaya sa twing nasa bahay ito ay lumalabas na lang ako.

Hindi ko alam kung paranoid lang ako or naamoy na ni Cedric ang lahat. Pakiramdam ko kasi ay nagsusupetya na ito. Ang mga tingin, kilos at galaw kasi nito ay parang binabantayan kami. Mapa sa trabaho o bahay man.

Dumating ulit ang araw ng monthsary nila kaya mag isa na lang akong umuwi. Hindi din tulad dati, hindi na nagtetext si Cedric sa akin at kinakamusta ako.

“Paranoid lang ako.”, sabi ko sa sarili ko.

Bat niya pa nga ba ako itetext eh magkasama na kami sa iisang bahay. At monthsary kaya nila ngayon?! Malamang, sweet time nila ngayon.

But still, hindi ko maiwasan na hindi mapraning at mag isip.

Sakto at wala kaming pasok kinabukasan kaya naman nakapagpahinga ako. Inabutan ako ni Geoff ng pagkain bago pa sila umalis. Tatanggihan ko na sana ito ngunit si Cedric na mismo nag abot kaya tinanggap ko na.

Nagising ako kinabukasan ng hapon. Ramdam ko na ang gutom kaya kinuha ko ang pitaka ko. Napabuntong hininga ako. Sakto na lang ang pera ko para pambigay sa share ng renta ko. At pamasahe papunta sa trabaho. Ang natitira sa akin ay pitong piso. Bukas pa din kasi papasok ang sahod namin.

“Shit.”, nasabi ko sa sarili ko.

Lumabas ako ng bahay at nagpunta sa bakery at bumili ng dalawang malaking monay. Sakto, 3.50 ang isa.

Umuwi naman ako at kinain ang isa. Mamaya ko na ang kainin ang isa para sa gabihan. Sigurado namang kakain na yun si Cedric sa labas dahil magkasama sila ni Geoff.

Wala akong magawa kaya nilinis ko na lang ang tinutuluyan namin ni Cedric. Nilabhan ko na lang din ang aming damit. Swerte naman na may sabong panlaba pa kaya din a kailangang bumili.

Natapos ako takip silim na. Wala pa ding Cedric na dumadating. Kahit text man lang din ay wala.
Dahil sa pagod sa paglalaba at linis ay umidlip na muna ako. Nagbabakasakaling pag gising ko ay andyan na si Cedric.

Naalimpungatan ako ng may marinig akong nagbukas ng pinto. Napatingin ako sa cellphone ko, ala una na ng madaling araw. Naramdaman ko na rin ang pagkalam ng sikmura. At ramdam ko rin ang lamig.

“Andyan ka na pala.”, antok ko pang bungad kay Cedric.

“Ang linis, ha.”, pagpuna nito.

“Wala ako kasing magawa kanina, eh.”, ngiti ko.

“Ah.”, simpleng sagot nito.

“Kamusta lakad mo?”, nakangiti kong sabi.

“Ok lang.”

“Aah.”

Pagtayo ay umupo ako sa harap nito. Tumingin ito sa akin sabay ngiti.

“No, actually ayos na ayos nga, eh. Kumain kami sa labas, nanood ng sine, tapos nag motel kami. Grabe, pinagod niya pa talaga ako ng sobra. Pinaghahalikan niya ko, shet! Sarap!”, giliw na giliw nitong kwento sa akin.

“Ayos pala!”, ngiti ko. Ngunit hindi ito ngumiti.

“Nagugutom ako.”, singhal nito.

“Oh, kala ko ba kumain kayo?”, curious kong tanong.

“Oo. Kaso, bago kami naghiwalay, pinagod niya pa din ako, eh. Nanggigil pa.”, ngingisi ngisi nitong sagot.

“Ah.. Ah, eto! Tinapay, oh!”, paganyaya ko.

“Salamat!”, ngiti nito.

Balak ko sana itulog na lang ang gutom. Ngunit ayaw namang pumayag ng sikmura ko. Tiningnan ko na lang si Cedric habang kinakain ang aking malamig na monay.

“Teka, ang lamig.”, paglabas ko at kuha ng kaserola. Nag init ako ng tubig.

Pagpasok ko naman ay nakapambahay na si Cedric at nakaupo sa sahig at mukhang enjoy na enjoy sa pakikipagtext. Umupo naman ako katapat nito hawak ang baso na may mainit na tubig.

“Teka, huwag mong sabihing…”

“Huh?!”

“Huwag mo sabihing hindi ka pa kumakain?!”, gulat at concerned na tanong nito.

“Tapos na!”, pagsisinungaling ko.

“Eh bat may mainit na tubig ka?!”

“Wala. Ano ka ba. Nilalamig lang ako.”, pilit kong ngiti kahit pa kumakalam na talaga ang sikmura ko.

Hindi na ito sumagot at nagtext ito muli.

“Kamusta monthsary ninyo ni Geoff?”, basag ko sa katahimikan.

“Ok nga lang.”, simpleng sagot nito.

“Kwento ka naman. Ang boring eh.”, pagbibigay ko ng biro.

Tumingin lang ito sa akin sandal sabay text ulit.

“Huy… Ano. Kwent..”

“Ano ba gusto mo malaman? Yung date naming o si Geoff?”, malamig at matigas na sabi nito. Nagulat naman ako bigla.

“Huh?!”

“Psssss.”, malamig na sabi nito.

“Kayo. Yun.”, naisagot ko.

“Aah. Ganun ba.”, sarkastikong sagot nito.

“Hmmm, saan kayo nagpunta? Ano pinanood nyong sine? Maganda ba?”, pilit kong pagsisimula ng conversation.

“Ok lang.”, malamig na tugon pa din nito.

“Cedric…”, pagtawag ko.

Hindi ako nito pinansin.

“Cedric.”

Dedma.

“Ced..ric..?”

Tumingin ito sa akin sandal sabay tingin ulit sa cellphone.

“Ce..”

“Yung bayad nga pala sa renta?”, malamig na tugon nito.

“Ay! Oo nga pala. Wait lang.”

Agad akong tumayo at kinuha ang pitaka ko. Nilabas ang perang andito at binilang.

“640, 660…, 680, 700, 750!”,pagbibilang ko. Nakita ko naman ang naiwan sa akin. Bente pesos.

“Ito!”, ngiti kong abot ng 750 na share ko.

“Kulang to, ah. Last month, kulang pa din.”

“Pasensya na.”, nahihiya kong tugon

Tumingin ito sa akin at nakita ang bente natira sa akin.

“Oh, ito.”, abot ko sa huling pera ko.

“Pano ka?”, malamig na tugon nito.

“Okay lang. Sahod na naman mamaya.”, ngiti ko pa din.

“Pano pag di sumahod?”, malamig pa rin nitong sabi.

“Edi… Wala!”, pag ngiti ko.

“Aah. K.”, sabay balik sa pagtetext nito.

“Ah.. Cedric…”

“Hindi pwede, kailangan ibayad natin to.”, direchong sabi nito.

“Hindi naman yon… Alam ko naman din yun.. Magtatanong sana ako…”, ilang kong sagot.

“Ano?”

“G-galit ka ba?”,nahihiya kong tanong.

“Hindi.”, malamig na tugon nito.

Mas lalo kong naramdaman ang lamig at gutom kaya humigop ako ng mainit kong tubig.

“Ah.. Kasi..”, mahihiya kong pangangatwiran.

“Hindi nga ako galit!! Pero kung ipipilit mo, oedi sige, paano nga kung galit ako?!”, masungit na sabi nito.

Nagulat ako at natameme.

“Huh? M-may nag-nagawa ba ko?”, nahihiya kong sagot.

Ngumisi lang ito at umiling.

“Galit ka nga… Ano ba nagawa ko? Kung ano man yun, sorry na…”, pakiusap ko.

“Sayo na yang sorry mo.”

Doon parang nagpintig na ang tenga ko.

“Ano bang problema?!”, pagtatas ko ng boses.

“Ayos ka din, noh! Ikaw pa talaga tong may ganang magtaas ng boses!!”, galit na tugon nito.

“Oo! Kasi hindi ko naman alam kung ano nagawa ko! Pero kung tratuhin mo ko, akala mo ang laki ng kasalanan ko!!”

Binaba agad ni Cedric ang Cellphone at ambang susuntukin ako nito ngunit nagpigil.

“Andun ako! Andun ako nung gabing yun! Rinig na rinig ko lahat! Kitang kita ko ang lahat!!! Kaya wag ka nang magkunwari!!”, galit na galit na sabi ni Cedric.

Natameme ako at di nakapagsalita. Hindi kaya.. Hindi kaya andun sya nung gabing nagtapat sa akin si Geoff? Maari. Maari dahil wala naman ibang dahilan si Cedric para magalit ng ganito.

“Oh ano?! Wala kang masabi?!”, galit nitong sabi.

“Cedric, making ka..”, nahihiya ko biglang sabi.

Ngunit mas lalong nanggigil si Cedric umamba ito muli ng suntok ngunit nakapag pigil ulit.

“Nakuuu!! Kung di lang ako nakapangako kay Mang Berto…!!”, nanggigigil na sabi nito.

Para akong binuhusan ng yelo at nasabugan ng bomba sa narinig. Napaluha na lang ako. Ramdam na ramdam ko ang panliliit ko.

“Kung di ka nakapangako… Ano? Ano Cedric?”, umiiyak kong sabi.

Doon biglang parang nag-iba ang tingin ni Cedric sa akin. Bigla itong kumalma at nawala ang galit.

“Kung di ka nangako, ano? Matagal mo na akong pinabayaan? Ganun ba yun…. Sorry, ha…”, umiiyak at nakokonsensya kong sabi.

“Cyrus…”, kalma nitong sabi. Agad din itong lumapit sa akin.

“Pasensya na talaga Cedric. Pasensya na kung nagiging pabigat pa ko..”

“Wala akong sinabing ganyan..”, konsensya nitong sagot.

“Wala nga siguro. Pero sa sinabi mo ngayon, yun na yun na ang ibig sabihin nun. Pasensya na talaga.”, umiiyak at sobrang hiyang hiya kong sabi.

Mas lalong lumapit si Cedric sa akin at pilit akong niyayakap ngunit sinasalag ko lang.

“Cyrus..”, pagpapatahan nito sa akin.

“No, okay lang. Okay lang ako.”, pilit ko pa ring pagsasalag sa yakap nito.

Ngunit dahil sa gutom at napasma ang pakiramdam ay nawalan na ako ng lakas. Kaya ng pwersahan na akong niyakap nito ay wala na akong nagawa. Hindi ko na nakayanang salagin ito.

“Cy… Cyrus, mainit ka!!”, tarantang sabi ni Cedric. Agad naman nitong hinawakan ang leeg at noo ko. Nakumpirma nga nitong nilalagnat ako.

“Okay lang ako..”, buong lakas kong kawala dito.

“Magsabi ka nga ng totoo, kumain ka ba?!”, alala nitong tanong.

Hindi ako sumagot.

“Huy! Kumain ka ba?!”, pagtaas nito ng boses.

Tumango lang ako.

“YUNG TOTOO!!”

Napaluha ako lalo at umiling.

“Nampotek naman! Sabi na, eh!!”, pasigaw nitong sabi sabay tayo at nagbihis ng shorts na panlabas.

“Dyan ka lang, ha! Hintayin mo ko! Bibili ako ng makakain at gamot mo!”, aligaga nitong sabi.

“Huwag na.”

“Wala akong paki alam kung ayaw mo. Basta bibili ako!”, matigas na sabi nito.

“Huwag na.. Wala na rin akong pera, eh…”

“Ako na ang bibili.”

“Huwag na…”

“Bahala ka. Basta bibili ako!”

“HUWAG NA SABI, EH!!!!”, pagsigaw ko.

“Alam mo, ikaw na nga tong tinutulungan, ikaw pa galit!!”, sigaw din nito.

“Yun na nga, eh!! Kasi intindihin mo nanaman! May utang pa nga ako sa mga nakaraang bwan, diba? Tapos ano?! Ito nanaman?!”

“Nakuha mo pa talagang pairalin yang pride mo, ha!!”

“Pride, Cedric? Wala na ko nun. Ikaw mismo nag alis sakin, eh. Ano pang ibaba ko kung wala na…?”, umiiyak kong sagot.

Lumapit si Cedric at lumuhod para makausap ako ng maayos.

“Sorry na.. Hindi ko naman sinasadya yung sinabi ko. I don’t mean it.”

“Yes you do.. Ramdam na ramdam ko.”, umiiyak kong sabi.

Tumayo si Cedric at binuksan ang pinto.

“Im sorry. Basta, hintayin mo lang ako. Bibili lang ako ng pagkain mo at gamot.”






Cedric…

Konsensyang konsensya akong lumabas ng pinto ng bahay. I wasn’t thinking. Shit!

I was there nung gabing yun. Nagkataong nagyoyosi ako sa labas. Nakita ko si Cyrus na lumabas at nakita kong umiyak ito. Malamang ay naalala nanaman nito ang Tatang Berto nya. Lalapitan ko na sana ito ng biglang lumabas si Geoff at inabutan ng panyo. Hindi ko alam pero hindi ko pinaramdam na andun ako. Nagtago lang ako sa isang gilid at nakinig.

Rinig na rinig ko ang lahat. Narinig ko kung paano inamin ni Geoff ang nararamdaman nito para kay Cyrus. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Hindi ko nakayanan, umalis ako at hindi na pinagpatuloy ang pakikinig.

Simula noong araw na iyon, nagbago ang pakikitungo ko kay Cyrus. Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako nito. Hindi ko makita na ang sinceridad pa ng pagkakaibigan namin. Kasalanan ko ba kung nagseselos ako?

Lumala ng lumala ang pagkaselos ko. Sa twing dadating kasi kami sa trabaho ni Cyrus at makita ko si Geoff ay bungad nito ay ang pangangamusta kay Cyrus. Puro na lang Cyrus. Pati ngayon, nag eeffort pa ito na mambola ng pagkain para sa amin “daw” ni Cyrus. Pero alam kong para kay Cyrus naman talaga iyon. I was just an excuse. Bakit? Hindi naman kasi nya ito ginagawa sa akin noon.

Hanggang kahapon, araw ng monthsary namin ay hindi nakalagpas na hindi itanong sa akin ni Geoff si Cyrus. Nag init ang ulo ko. Pero monthsary naming ngayon. Araw naming to kaya ayaw kong sirain.

Nang matapos ang date naming ay pinagbalot pa ng makakain ni Geoff si Cyrus. Iuwi ko daw ito sakanya dahil baka hindi pa daw ito kumakain. Ang sweet sweet ng pagkakasbi ni Geoff nito. Kitang kita ko sa mga mata nya ito. Pero ngumiti lang ako.

Nang pauwi na ako ay nakaramdam ako ng gutom. Nakita ko ang pagkaing dala ko. At dahil sa sobrang selos ko ay kinain ko na lang ito. Siguro naman, nakakain na yun si Cyrus. Baka nga tulog na yun.

At tama nga ako. Pagdating ko ay tulog na ito. Nagising lang ito ng buksan ko ang pinto. Ngunit pagpasok ko ay kinamusta agad nito ang date namin ni Geoff. Ang date ba talaga ang gusto niyang malaman o si Geoff?

Inabot sa akin ni Cyrus ang pambayad. Kulang nanaman. Nainis ako lalo. Nakita kong nagtira ito para sa sarili. Ngunit nakita niya atang nakatingin ako kaya inabot nya na din ito sa akin. Bahala siya.
Ang kulit! Pag ako tinanong pa nito ulit.. Putragis!!!

Kamuntikan ko ng masuntok si Cyrus sa galit ko. Buti na lang at nakapag pigil ako.

Ngunit pagbitaw ko ng sinabi ko, doon ako parang binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa kabaliwan ko.

Nakita ko si Cyrus, umiiyak sa harap ko. Si Cyrus, na walang ibang iniisip kundi ako. Puro ako. Heto ngayon at nasaktan ko.

Sinubukan kong yakapin ito para makapagsorry, ngunit pilit ako nitong sinasalag. Hanggang mukhang napagod ito at nayakap ko na nga sya.

Ngunit nagulat ako pagyakap ko sakanya. Mainit ito. Hinawakan ko ang leeg at noo, mainit nga! Nilalagnat ito! Bigla kong narinig ang pagkalam ng sikmura nito.

Agad kong tinanong kung kumain nga ba ito dahil nga sa narinig kong kumalam ang sikmura nito.

Tinanong ko ito, hindi sumagot.

Tinanong ko muli, at tumango lang. Pero kitang kita na nagsisinungaling ito. He was never good sa pagtatago sa akin.

Tumaas ang boses ko at pinaamin ito. At kumpirmado, hindi pa nga ito kumakain.

Dali dali akong nagpalit pang labas. Sa pagbibihis ko naman ay nakita ko ang plastic na kaninang may laman na monay na kinain ko. Napatingin ako sa mga plato, walang nagamit, pati na rin sa mga kuchara, walang nagalaw. Napatingin ulit ako sa supot, maliit lang ito. At sa laki ng monay ay maaring 2 o 3 lang ang kasya dito. Naalala ko na walang pera na si Cyrus. Buong bente at walang barya ang natira dapat sakanya kanina. So isa lang ang ibig sabihin, dalawa ang nabili nito. Isa nung binili nya ito ng hapon. Hapon kasi twing hapon lang binebenta ang monay na yun. Malamang ito ang kinain nito at kakainin sana ngayon itong isa pa para ngayong gabi. Pero binigay niya pa rin ito sa akin. Bat di ko ba agad nakita ito ng makita ko syang may hawak na mainit na tubig?

Mangiyak ngiyak kong mabilis na nilakad ang daan hanggang sa tinakbo ko na ito. Sobrang nakokonsensya ako sa mga nangyari. I forgot who Cyrus was in my life. That very day na nagkakilala kami. At ang pakiramdam all throughout.

Halos madaliin ko na ang kahera sa botika para ibigay ang gamot na kailangan ko. Pagkakuha at bayad ko ay nagmamadali akong lumabas para maghanap ng makakain. Kaso dahil anong oras na din ay sarado na ang lahat. Buti na lang at may lugawan akong nakita kaya minadali ko rin ang tinder. Pagkabili ko ay nagtatakbo na ako pabalik sa bahay.

Halos hingal at kapusin na ako ng hininga ng makarating sa bahay. Ramdam ko ang butil ng pawis sa mukha at buong katawan ko. Hindi ko alam pero sobrang kinabahan ako.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay parang gumuho ang mundo ko.

“Cyrus?!”, pagsigaw ng utak ko. Wala. Wala si Cyrus…

           


No comments: