Kamusta po muli sa lahat? ^_^
Ayan, hala!! Una sa lahat po, magsosorry po muna ako sa lahat dahil alam ko (NANAMAN!!) ang tagal bago nanaman ako nakapagpost. Sobrang sorry dahil super busy ako nitong huling araw.. Power hectic po talaga ang sched kaya pagpasensyahan nyo na po..
Pangalawa po, Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)
Pangatlo, Kung mapapansin nyo po ay nagrereply po ako sa mga comments nyo po. Kaya pwede nyo din po ako makausap sa comment box. Or again, pwede nyo po ako i-add sa fb account ko po. dizzy18ocho@yahoo.com. :) konting favor nga lang po, pag add nyo po ay paki send lang ako ng message po. Thanks.
Oh sya!! Eto na, ang daldal ko nanaman na!!
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.
Teka, tama ba tong nakikita ko?
“Andre…?!”, pagkamangha ko ng maaninang kong si Andre ang gumising sa akin.
“Yeah, ako nga.”
“Teka, anong ginagawa mo dito? Nasa bahay ka, este nakaila Larc ka diba? Akala ko ba overnight yun?”, laking pagtataka ko.
“It should be me asking you kung anong ginagawa mo dito. At bakit dito ka natutulog? Akala ko ba uuwi ka na?”, pagiinteroga nya.
Napaisip ako. Hindi ko alam kung anong isasagot.
“Ha, ah eh. Kasi.. Ano.. Naisipan ko dumaan dito para magpahangin. Eh di ko namalayan nakatulog na ako.”, pagkukunwaring depensa ko.
“Oh really?”, sarkastikong sagot naman nya. Para namang nagpintig ang tenga ko sa narinig.
“Oo! Really! Pwede ba Andre! Wala ako sa mood para sa mga panlalait mo. Uuwi na ko!!”, sabay tayo at lakad palayo. Nakakabwisit! Sa lahat ba naman ng taong makikita ko, si Andre pa! At sa ganitong sitwasyon pa!!
“I know you live there…”, biglang sambit ni Andre. Napatigil naman ako sa paglalakad. At napalingon muli sakanya.
“Ano bang sinasabi mo? I don’t live there. Hindi ba, sabi ko, tinext lang ako para magluto dahil dadating nga daw kayo.”, pagdedepensa ko muli.
“It was all a lie, was it?”, seryosong sabi nya.
“Hindi ah! Katunayan nyan, pauwi na nga ko sa bahay ko. Ano ka ba! Huwag ka ngang imbento dyan…!”, pagkukunwari ko pa rin. Kinakabahan ako. Paano nya nalaman na doon ako nakatira? Tinago ko naman lahat ng gamit ko.
“Tigilan mo na ang pagkukunwari. Alam kong doon ka nakatira.”, matigas nyang sabi.
“Tumigil ka na nga sas kabaliwan mo. Uuwi na ako. Umuwi ka na rin Andre.”, matigas ko ding sabi sabay lakad palayo. Naramdaman ko namang may mga kamay na pumigil sa balikat ko. Napatingin muli ako kay Andre.
“It’s okay…”, mahinahong sabi nya. Wala na kong nagawa. Napatingin na lang ako sa lupa. Muli, pumatak ang luha ko. Niyaya nya kong umupo sa isa sa mga bench para makapag usap. Hindi ko alam ang sasabihin.
“Una sa lahat, gusto kong magsorry sayo. I realized I was mean to you.”, sincere nyang sinabi. Naramdaman ko ang naman din ang sincerity sa boses nya.
“You realized that just now ?”, sarkastiko kong sagot.
“Oo na. Huwag mo na ipamukha. Nagsososry na nga po, eh.”, pahiya nyang sabi. Nanibago ako. Hindi naman ito ang Andre na nakilala ko. Usually ay nilalait ako ng kumag na to. Naawa naman ako sa ichura nya.
“Kalimutan mo na yun. Wala rin naman din sakin na yun.”, pag ngiti ko.
“Salamat, ha. At pasensya ulit.”, sagot naman nya.
Napatahimik ako. Napa-isip. Ano nga palang ginagawa nya dito? Paano nya nalaman na nandito ako? At bakit wala sya kaila Larc? At paano nya nalaman na dun ako nakatira?
“Andre… Ahm.. Paano mo pala.. I mean… Paano mo…”, utal utal kong sabi. Ni hindi ko alam pano tatapusin ang tanong ko.
“Paano ko nalaman na doon ka nakatira? Yun ba?”, seryoso nyang sagot.
Napatango lang ako. Nag-aabang sa isasagot nya.
“Nung naghahain ka kasi, napansin ko na tig dalawang gamit lang ang nakalabas. Dalawang plato, baso, kutchara at tinidor. Naglabas ka pa mula sa cabinet ng mga bagong plato para ipagamit sa iba. Nakakita rin ako ng dalawang pares ng tsinelas sa may pintuan at dalawang deodorant at sipilyo sa banyo. At tsaka nakita ko yung sapatos na ginagamit mo pang pasok sa skwelahan.”, pagpapaliwanag nya. Hindi naman ako makasagot.
Matagal akong nanahimik. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako dahil nabuko ako o nahihiya ako dahil sa alam nya ang nangyari. Nakatingin lamang ako sa sahig.
“Huwag ka mag-alala, hindi ko sasabihin kahit kanino.”, bigla nyang sambit.
“Salamat.”, tanging naisagot ko.
“Pero bakit? Bakit mo ginawa at sinabi yun?”, biglang tanong ni Andre.
Naramdaman ko nanaman ang pamumuo ng luha ko. Hindi ko na rin ito napigilan at isa isang nakatakas ito sa mata ko. Agad ko namang pinunasan ito at tumingin kay Andre at nagpilit na nagbigay ng isang ngiti. Pero muling dumaloy ang mga luha ko. Hindi ko alam ang isasagot. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam.
“Sa totoo lang… Hindi ko din alam…”, doon, tuloy tuloy at hinayaan ko ng bumuhos ang luha ko. Naramdaman ko naman ang isang kamay ni Andre na humahaplos sa likod ko.
Maya maya ay inalis na din nya ang kamay nya. Bigla din syang nanahimik. Ako naman ay patuly pa rin sa pagiyak.
“I actually have an idea kung anong nangyayari. Andun ako ng marinig mo ang usapan ng barkada nung bday ni Gino. And I saw ou running after nung nagusap usap kami sa gym after ball practive. I figured nab aka narinig mo ang usapan. Kaya nga… Kaya nga.. Kaya nga gusto ko talagang magsorry sa inasal ko. Dahil despite knowing all that, I was still mean to you. Alam at nakita ko ang pinagdadaanan mo sa school. Nakita ko din kung paano mo unti unting iniwas ang sarili mo.”, malungkot na sabi ni Andre. Sa narinig ko ay mas lalo akong napaiyak.
“I’m really, really sorry.”, dagdag ni Andre.
“Kaya umalis ako kaila Larc. I can’t help but feel guilty. Pero I must say na tunay kang kaibigan sa ginawa mo. I just don’t understand bat mo ginawa yun.”, dagdag muli ni Andre.
Nagpunas ako ng mga luha. Pagod na rin akong umiyak.
“We’ve been friends for over a decade now. I was his bestfriend since grade 1 pa lang kami. Ang laki ng naitulong nya sa akin. He’s a good guy. Nagkataon lang na…”, napatigil ako. Hindi ko alam paano itutuloy ang sasabihin ko.
“Do you want to know why I was mean to you?”, biglang tanong nya.
“Why?”
“Because you’re the kind of friend I never had.”, malungkot na sabi ni Andre.
“I grew up getting everything I ever wanted. Lahat ng luho ko, nakukuha ko. Pero my parents were too busy for me. My siblings think I’m not that good enough. And friends? They only stick up with me because I’m rich and popular. I got sick once. Na-hospital ako. Sadly, none of my so-called “friends” came to visit me. I was in the hospital for 2 weeks. Kaya nung sinabihan mo ko na hindi lahat ng tao kasi katulad ko na nakukuha ang lahat ng gusto. Doon ko narealize na I never had what I really wanted. Lahat ng meron ako ay panakip butas lang para ipakita na masaya ako.”, malungkot na tugon ni Andre.
Nashock ako sa sinabi ni Andre. I never thought he felt that way. I mean, he is rich and popular sa school. I never thought na having a friend would be his problem. Cmon!! Sino ba naman kasing magaakala?
“I’m sorry. I didn’t know.”, paghingi ko ng tawad.
“Kaya nga asar na asar ako sayo. Kapos ka, pero you seem happier than me. Inggit na inggit ako kasi, hindi mo man nakukuha ang luho mo, pero you have the only thing that I ever wanted – a friend.”
“Yeah, a friend na hindi ko alam kung yun pa ba ang tingin sa akin.”, malungkot na tugon ko.
Napatahimik muli kaming dalawa. Nagmuni muni. Nag-isip.
Naisip ko, Andre isn’t the person I thought he was. Ano nga ba ang mas nakakalungkot? Ang mag-isa ka totally, o ang napapalibutan ka ng maraming tao pero ramdam na ramdam mo na nag-iisa ka?
Biglang tumayo si Andre at nag-unat.
“Nagutom ako. Ang hirap mo kaya hanapin. Libre ka naman! Kain tayo!”, masayang paanyaya ni Andre.
“Hanapin?”, pagtataka ko.
“Yeah, I felt guilty sa mga nangyari and I can’t stand the idea of what you did kaya hinanap kita. And that’s it. No more questions. No more why and how. Period. Now let’s eat.”
“Andre naman. Alam mo namang…”
“Oh, don’t worry kumakain ako ng street food, noh. Ayun! Fishball!”, sabay lakad ni Andre papunta kay manong fishball. Napangiti na lang ako.
Natawa ako dahil he actually eats this kind of food. Akala ko kasi mga tulad nya, hindi kumakain sa mga ganto. I mean, hindi sa mga gantong place. Nang makabili ng pagkain ay muli kaming umupo sa isa sa mga bench. Napatingin ako kay Andre. Parang takang taka naman sya.
“Oh, bakit? Kumakain ako nito! Huwag kang manibago dyan. We were ordinary citizen once. Bata pa ako nun. I mean not really poor, pero we lived in a common house, eat common food once din. Kaya di bago ang pagkain na to sakin. Masipag lang ang parents ko kaya nagiba ang direksyon ng buhay namin. Nagkataon lang na naginarte ang mga kapatid ko nung mas umangat kami sa buhay.”
Natawa lang ako at nakinig. Para namang nairita sya dahil tahimik lang ako.
“Ano bang problema mo?”, medyo asar nyang tanong.
“You wanna be friends?”, seryosong tanong ko.
“Seryoso ka? After lahat ng pagtrato ko sayo?”, malungkot na tugon nya.
“Oo naman. Kaya nga friend diba?”,nakangiting tugon ko.
Ngumiti sya. Yung parang ngiti ng isang bata na nagbukas ng regalo kapag pasko.
“Salamat.”, seryosong sagot ni Andre.
“Sure!”, maligalig kong sagot sabay kain ng fishball.
“Pero di dahil friends na tayo ay di na kita aasarin, ha! Makulit kasi talaga ako at mapagbiro. Pero atleast ngayon, ang kaibahan, alam mong biro lang talaga yun!”, sabay dagdag ni Andre at pakawala ng isang matunog na tawa.
“Whatever.”, tugon ko sabay tawa din.
Nang matapos ng makakain ay tiningnan ko ang cellphone ko. Magaalas dos na ng madaling araw. Nakita ko rin ang santambak na missed calls at text galing kay Larc. BInasa ko ang mga text. Puro “asan ka na? Saang hotel ka ng masundo kita bukas.” Medyo nalungkot naman ako. Kaya muli akong nanahimik.
“Oh, natahimik ka?”, tanong ni Andre.
“Huh. Wala. Pagod lang siguro. Anong oras na din kasi. Ikaw, umuwi ka na. At malamang pagod ka na rin. At baka hinahanap ka na sa inyo. Huwag mo na ako alalahanin. Okay na ko. Maghihintay na lang ako mag-umaga.”
“Huh?! Hindi pa ko pagod.”, pagdedepensa ni Andre.
“Hindi daw… Eh kanina ka pa hikab ng hikab dyan!”, pagbibiro ko.
“Oh edi uwi na tayo. You can crash at my place tonight.”, nakangiting anyaya ni Andre.
“Nako, huwag na! Nakakahiya naman. Okay lang ako.”, pagtanggi ko.
“I insist. Tara na.”, pagpipilit nya.
“Ayoko nga.”, pagtanggi ko muli.
“Sige na. Bawi ko na rin sa libre mo.”
“Huwag mo na isipin yun. Sinamahan mo naman ako dito, eh. Sige na, uwi na.”
“Eh paano ka dito? Sumama ka na.”
“Ayaw. Huwag na.”
“Bakit ba ayaw mo?”
“Eh kasi baka paglinisin mo lang ako sa inyo noh. At gawin mo kong ALALAY!”, pang aasar ko sabay tawa ng malakas.
“Aba! Aba! Gumaganti ka ah. Huwag ka magalala, may tagalinis na kami. Hahahaha! Tara na, sumama ka na.”, pagtawa nya sabay akbay sakin at pwersahang lakad papunta sa kotse nya.
Habang nasa loob ng sasakyan ay tahimik lang kami ni Andre. Halatang pagod na ang isa’t isa. Pero habang nagddrive sya ay tumingin ako sakanya.
“Salamat.”, seryoso kong sambit. Tumingiin lang sya at ngumiti.
Dahil dis oras na rin ng gabi ay mabilis kaming nakarating sa bahay nila Andre. Napakalaki nito at halatang pang mayaman. Parang bahay nila Larc sa probinsya. Gate pa lang ng bahay nila ay sumisigaw na na mayaman ang nakatira sa loob. Agaw pansin din ang mga kotseng nakaparada. Idagdag mo pa ang napakagandang garden na may landscape at magarbong swimming pool.
“Wow!”, tangging nasabi ko.
“I know.”, pagmamayabang ni Andre.
Malamang dahil sa pagod ay pagkapasok naming ng bahay at pagpasok sa kwarto ni Andre ay agad itong nakatulog. Ako naman ay nakahiga lang at nakahawak sa cellphone ko. Isa isang binuksan ang mga message ni Larc. Pero hindi ako nagreply pa. Naramdaman ko nanaman ang sakit dahil naimagine ko annaman ang ichura ni Larc habang inaabot nya sakin ang pera. Gustuhin ko mang umiyak muli ay wala ng lumalabas na luha sa mga mata ko. Pagod na ako. I need to rest. Pinikit ko ang aking mga mata at natulog dala dala ang bigat ng nararamdaman.
Kahit pa pagod ay maaga akong nagising. Unang pumasok sa isip ko ay ang almusal ni Larc. Kaya agad agad kong minulat ang aking mga mata upang bumangon. Pero pagmulat ko ay nakita ko si Andre sa tabi ko. Naalala kong wala nga pala ako sa bahay ni Larc. Andito nga pala ako kaila Andre.
Pumikit akong muli. Umagang umaga ay nalungkot akong agad dahil kahit pa sa kabila ng nangyari ay naiisip ko pa rin ang pagluto ng almusal ni Larc. Alam ko kasi na sa kabila ng nangyari, mahal ko pa din sya bilang isang kaibigan at higit pa sa isang kaibigan.
Pero is it still worth it? Siya na ang sumuko sakin. And he did it the worst way one could ever do. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin.
Pumikit muli ako at natulog. Ayoko muna mag-isip. I just want to rest for now.
“Ryan.. Ryan.. gising ka na ba?”, pag gising sakin ng isang boses.
“Ano ba Larc! Inaantok pa ko. 5 mins!”, pagsagot ko.
“Huh?! Hoy! Hindi ako si Larc!”, tugonng boses. Pero ramdam ang inis dito.
Pumikit muli ako. Naramdaman kong tinalikuran ako ng gumigising sakin.
“Gising na po ang ALALAY.”, sabay kalabit kay Andre.
Nakita kong nakasimangot ng humarap muli sakin si Andre pero biglang napalitan ng gulat ng makita nya akong nakangiti. Kapansin pansin ang pamumula ng mukha nya.
“Oh, bat ka namumula?”, pang iinis ko. Naramdaman ko naman ang biglaang paghampas ng unan sa ulo ko.
“Aray!! Bat mo ko hinampas?!”, pangiinis ko sabay tawa.
“Ako ang nangaasar dito, hindi ikaw!”, sabay tawa na tipong nangaasar ni Andre.
“Talaga? Eh bat parang ikaw ang naaasar?”, sagot ko naman na nang iinis din.
“Ewan ko sayo! Tara! Kain na tayo! Mag-aalas tres na po kaya ng hapon. Kanina pa nga vibrate ng vibrate yang phone mo!”, sambit ni Andre.
Agad akong napatayo at kinuha ang cellphone ko. Nakita ko annaman ang sangkaterbang miscalls at texts galing kay Larc.
“Asan ka na? Saang hotel ka? Sunduin kita.”
“Asan ka?”
“Please Ryan. Sagutin mo naman ako.”
“Umuwi ka na. Please. Pag-usapan natin to.”, puro halos ganyan ang mga nilalaman ng text ni Larc.
“I need to go home.”, sambit k okay Andre.
“I know. Pero kumain ka muna. Ihahatid kita.”, tanging sagot nya.
Nang makatapos kumain ay naligo muna ako at pagtapos ay hinatid na nga ako ni Andre hanggang sa building ng condo ni Larc. Hindi naman ako mapakali sa loob ng sasakyan ni Andre dahil sa matinding kaba.
“Just call me or text me kung kailanganin mo ko.”, pagsisigurado ni Andre bago pa man din ako bumaba ng sasakyan nya.
I didn’t feel like going gome. Hindi ko alam paano haharapin si Larc. Hindi dahil nahihiya ako sakanya, pero dahil sa sama pa din ng loob na nararamdaman ko. Nasa harap na ko ng building ng condo ni Larc, but then I took a turn.. I walked away.
Kung ano anong tumatakbo sa isip ko. Mga scenarios na pwede mangyari kapag umuwi na ako at harapin sya. I looked at my phone. Mag aala sais na. May battery pa naman dahil naki charge ako kaila Andre. Buti na lang at may dala akong charger.
I walked the familiar roads and streets. Nagiisip isip. Muni-muni. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko kapag nag usap na kami ni Larc. Masama pa rin ang loob ko. Baka may masabi akong hindi maganda.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa ko. I know na si Larc yun. But still, chineck ko. Nagkamali ako. It was a text message from Andre.
“Hey. Kamusta dyan? Areyou ok?”
“Uy. Di pa ko pumapasok sa loob. I figured na di pa din malamig ang ulo ko.”
“Huh?! Edi dapat hindi ka muna umuwi. Babalik ako, gusto mo?”
“No. Uuwi din ako maya maya. Gusto ko lang magpahangin muna. Pero salamat na rin.”
“Ok. Sbi mo eh. Pero text me if anything comes up.”
Hindi na ako nagreply. Usto ko muna i-enjoy ang moment na mag-isa ako. Naglakad lakad ako. Hanggang sa makaprating sa isang simbahan. Pumasok ako.
Wala masyadong tao sa loob ng simbahan. Merong mga iilan na nagdarasal, nakaupo lang. At meron namang tulala lang na nakatingin sa Krus. Umupo ako sa isa sa mga upuan. Pumikit. Nagdasal.
Ano bang nangyari? Why did it come to this? Paulit ulit na tanong na sinisigaw ng utak ko. We used to be the perfect tagteam. Us, being bestfriends. I never asked for too much, gginusto ko lang na ipaglaban ako bilang kaibigan nya. Pero was that really not too much? Siguro naman hindi. Hindi ko naman hiniling na ipagsigawan nya ko sa buong mundo na bestfriend nya ako, pero para maging iba sya sa akin sa harap ng ibang tao? Masakit. At mas masakit dahil mahal ko sya. At ngayon, dahil sa pagmamahal nay un ay nasasaktan ako. Matagal na akong nagsasakripisyo. Pero hanggang kelan ako magiging ganto? Ni sa biro ay hindi ko naisipang sabihin sakanya ang nararamdaman ko. Ok na yung alam kong mahal ko sya. Pero ngayon, feeling ko, nasa hangganan na ako. Sa lahat ng naitulong nya, siguro naman, naibalik ko na din yun. Hindi ko sinusumbat, o tinitimbang, pero panahon na para isipin ko ang sarili ko.
Hindi ko namalayan ang oras. Para na lang akong biglang nagising sa pagmumuni ko. Nakita ko sa phone ko, lampas alas otso na ng gabi. Napakarami na ring miscalls at text muli galing kay Larc.
Eto na. It’s time for me to go home.
Naglakad ako pabalik ng building kung nasaan ang condo ni Larc. Kinakabahan ako, pero mas klaro na ang pagiisip ko. May sagot na rin ako sa bawat itatanong nya. Hindi ko alam ang magiging outcome ng paguusap namin, pero I have to make my stand. Ive been playing this game for far too long. Nakakapagod. Nakakapagod hindi dahil ayoko ng maging kaibigan nya. Hindi rin dahil sa pagkukunwaring okay lang ako. Nakakapagod kasi… masakit na…
Naglakad ako papasok ng building at sumakay ng elevator. Parang nag slow motion ang lahat. Parang it was the longest 5 minutes of my life. Kanina, I felt prepared para harapin sya. Pero ngayon, parang blanko utak ko. Pero I have to do deal with it sooner or later. So here goes nothing…
Pinihit ko ang door knob ng pintuan. Binuksan ko dahan dahan ang pintuan ng bahay. Pumasok ako at naghubad ng sapatos. Nilibot ko ang mata ko sa loob ng unit ni Larc. Nakita ko syang nakaupo sa lamesa sa kusina. Halata ang pagod at puyat sa mga mata nya. Gusto ko maawa. Pero ayaw ng isip at puso ko. I was tired myself.
Immediately, ng mapansin nya na akong pumasok. Tumayo sya. Ayoko tingnan sya. Sinubukan ko huwag sya pansinin. Naglakad lang ako papunta sa kabilang kwarto. Natigilan lang ako ng magsalita sya. His voice was cracking.
“Ryan…”
No comments:
Post a Comment