Tuesday, May 10, 2011

Earl and the Grumpy Flirt named Ronnie - Chapter 8

Photobucket

Hello there... Hindi na ako magpapaliwanag sa barangay pero kung may naghintay ng istoryang ito, well and good. Iisa lang ang paliwanag ko, BUSY ako at ngayon lang nag-edit. Salamat sa malamig na panahon. I love you guys. And I love you John Eric Ang.



Chapter 8 (Tug-O-War)


Isang malakas na kamay ang humila sa kanya mula sa ginagawang pakikipaghalikan kay Russ. Nagmistula tuloy siyang isang papel na hinila nito mula sa pad paper na nananahimik sa isang tabi. Halos literal siyang mapasigaw sa sakit. Naiinis na nilingon niya ang "istorbo" sa kissing scene niya.


"What is your problem?" sigaw niya kay Ronnie. Itinulak pa niya ito ng ganap siyang mabitiwan nito.


But Earl felt that he was pushing a solid wall.


Hinihingal sa galit na tinitigan niya ito. Mamamatay muna siya bago niya pakawalan ang pagkakataon na mapamukhaan ito. Tutal naman, umaarte na rin lang siya, lulubos-lubosin na niya. 


"Sino ka ba ha? Bakit ka ba nanghihila?!" aniyang pilit pina-iiral ang galit sa puso para dito.


Pero tila nanlamig siya ng mapagmasdan siya ng mga mata ni Ronnie.


Alam niya kung gaano ito kasuplado, kasungit at kung anu-ano pa, pero walang nakapagprepara sa kanya para sa nakakapangilabot na titig nito. Ronnie was raving mad. Literal na nakikita niya ang panggigigil na ginagawa nito at ang pagpipigil ng galit. At lahat ng iyon ay intended para sa kanya.


Napalunok siya sa takot pero hindi nagpahalata.


"I-i a-asked you a q-question." tapang-tapangan niyang sambit.


Naglapat ng isang linya ang labi ni Ronnie. Tila tinitimbang kung ano ang mga dapat na sabihin. Punong-puno naman ng antisipasyon ang sistema niya.


"Hanggang kailan mo pangangatawanan ang ginagawa mong iyan, Earl?"


Tila siya pinompiyang ng ilang libong beses sa tenga dahil sa sobrang kaba. Ibang-iba ang aura ni Ronnie sa paningin niya. Hindi siya makapaniwalang kaharap niya ito at hindi naniniwalang wala siyang naaalala tungkol dito or ito mismo.


"H-ha?" Parang engot lang na sabi niya.


"Stop this Earl. And don't you dare take me for a fool." dumadagundong na sabi pa ni Ronnie.


"I-i d-don't understand w-what you're s-saying..."


Damn! Paano maniniwala ito kung nag-i-stutter ka sa harap niya?


"I know what you're doing Earl. Hindi iyan bebenta sa akin." anito saka siya mahigpit na hinawakan nito sa balikat.


Pumiksi siya. "A-ano ba?"


"Pare, bitiwan mo siya." anang isang matatag na boses.


Si Russ!


"And who are you?" maaskad na sabi ni Ronnie sa nagsalita.


Nilingon niya ang kanina'y kahalikang si Russ na ngayon ay prenteng nakapamulsa pa habang nakatayo sa harapan nilang dalawa. Cool and suave. Pero naroon ang alertness sa mata. 


Napatingin siya kay Ronnie. Mas mataas ito kay Russ pero mga isang pulgada lang. Mas bulky ang katawan ni Ronnie pero hindi rin papahuli ang built ng simpatikong si Russ. Sa pagitan ng dalawang gwapong nilalang, nagmistula siyang unano dahil sobrang tatangkad ng mga tinamaan ng magaling.


Charing! Nakuha mo na ngang i-assess ang built ng dalawa, ngayon ka pa nagkaroon ng time para mangamba para sa kaligtasan mo?


"I'm the guy who's kissing him a while ago. Ikaw? Sino ka?" cool na cool pang sabi nito.


Naramdaman niya ang mas humigpit na kamay ni Ronnie sa balikat niya.


Oh no! Please! Huwag ka ng sumagot pa Russ. Ako ng bahala rito. Piping sigaw niya sa isip. Ipinahatid na lang niya sa pamamagitan ng tingin ang warning na iyon kay Russ pero mukhang desidido na ang damuho na inisin ang galit ng si Ronnie.


"Ako lang naman ang boyfriend ni Earl. At hindi kayo naghahalikan kanina. Wala akong nakita. Huwag kang sinungaling pare. Halika na." mahabang sabi ni Ronnie sabay hila ulit sa kanya. This time, sa kamay na.


"A-aray!" nangingiwing sambit niya.


"Let go of Earl, pare. Nasasaktan siya o. Huwag ka ngang insensitive. Ganyang klaseng boyfriend ka ba?" singit na naman ni Russ.


"Russ please..." pagmamakaawa na niya rito para tumigil lang ito.


Tiningnan siya ni Russ, pero sa kamalas-malasan ng taon ay ngumiti lang ito sa kanya. As if assuring him everything will be fine.


Napabugha na lang siya ng hangin sa desperasyon.


"Huwag kang makulit pare. Baka masaktan ka lang." banta na ni Ronnie.


"Matatakot na ba ako?" si Russ.


"Hinahamon mo talaga ako no?"


"Halata na ba pare?"


"Aba't..."


Akmang susugod na si Ronnie kay Russ ng pigilan niya ang dalawang ito. Pumagitna pa talaga siya at ginamit ang buong lakas para mapigilan ng husto ang paggigirian ng dalawang takaw-away na gwapito ng San Bartolome.


"Tama na!" sigaw niya.


Napatigil naman ang mga siga sa ginawa niya. Gigil na hinarap niya si Ronnie.


"Ikaw. Kung hindi ka titigil sa panggugulo sa akin ay tatamaan ka na talaga sa aking sira-ulo ka. Ano bang ipinagpuputok ng butse mo ah? Nagpapangap na nga akong hindi ka kilala, hindi ka naaalala, pero ikaw pa itong lapit ng lapit. Di ba sabi mo, ayaw mo na akong makita? You specifically asked me not to disturb you anymore, eh bakit ka nanggugulo ngayon dito?" mahabang histerya niya with matching pupok pa ng dibdib nito na tila hindi naman nito iniinda. 


Bagkus, nahuli pa niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito na tila ba isang pigil na ngiti.


Ngiti? I must be hallucinating.


"See? Alam kong nagpapanggap ka lang. Halika na. Umalis na tayo dito." wika ni Ronnie sabay hila ulit sa kamay niya.


Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig ng dahil doon. Iyon lang iyon? Para patunayan lang na nagpapanggap siya? Kaya ito nanggugulo? 


Dahil sa naisip ay kumulo na naman ang dugo niya at hindi na napigilang hampasin ito ng bag na dala.


"Walang-hiya ka!"


"Aray!" sabi lang ni Ronnie saka hinimas ang nasaktang ulo na tinamaan niya.


"Bagay lang sa'yo yan. Ano ngayon ang gusto mong palabasin? Na sobrang gwapo mo dahil napatunayan mong nagawa kong magpanggap na walang naaalala or hindi ka nakikilala para lang maiwasan ka? O ano masaya ka na?" nananakit ang mata at lalamunang sabi niya.


"Ano? Dagdag na naman sa napakalaki mong ego na may isang taong kayang pagmukhaing tanga ang sarili sa paghabol at pag-iwas sa'yo? Masaya ka na Ronnie? Ang b-babaw mo!" 


Napapiyok na siya sa huling sinabi niya. Hinayaan ng tumulo ang pinipigilang luha.


"Sana masaya ka na Ronnie. Kasi ako, pagod na. Pagod na pagod na kakaisip ng paraan para makuha yung atensiyon mo nitong nakalipas na mga araw. Tapos ngayong nakapagdesisyon akong huwag ka ng gambalain, saka ka e-entra na naman. Ano bang gusto mo? Eh halos ilubog ko na nga ang sarili ko putik ng kahihiyan ng dahil sa'yo. Huwag ka namang sadista. Wala naman akong kasalanan sa'yong malaki eh. Tama na please."


Tuluyan na siyang humagulgol. Lahat ng naipon na sakit ng nakalipas na panahon, mula sa paghabol niya rito hanggang sa araw na ito na iniiwasan niya ito ay tila dam na nabuksan. Hindi na kinaya ng puso niya ang magtimpi para hindi ito sumbatan. Napa-upo pa siya sa lupa at dedma sa uniporme niyang marurumihan ng dahil doon.


"Huwag ka ng umiyak."


Tiningnan niya ang nagsalitang si Ronnie. Wala siyang makitang emosyon sa mukha nito kundi kalamigan. He tiptoed and leveled his face to his. Naramdaman niya ang masuyong paghawi ng kamay nito sa kanyang buhok na tumabing sa kanyang mukha.


"I said don't cry."


Napaismid siya. Kapal ng face nitong magsalita ng ganoon. Nasasaktan na siya ng husto ayaw pa nitong umiyak siya? Kaloka.


"Don't cry Earl, lalo pa kung ng dahil sa akin."


Natigilan siya.


"R-ronnie..."


"Huwag na huwag mong hahayaan na saktan ka ng taong mahal mo. Kasi masasanay sila. Kapag nasanay sila, hindi na nila alam i-break iyon. Kaya saktan mo rin ako Earl. Para quits na tayo. Pagkatapos nun, hindi na kita guguluhin. I'm sorry for the trouble I caused."


Nanlamig siya ng husto sa sinabi nito. Gusto nitong saktan rin niya ito para lang quits na sila. Ganoon na lang ba iyon? Kapag nasaktan ka, gumanti ka lang? That way ba makakamit mo yung ginhawa na pwede mong makuha kasi nasaktan ka? He looked at him incredulously.


"I don't get you Ronnie Alfonso." aniya.


"You don't have to." 


Tumayo na ito. Hindi na siya pinag-abalahang itayo.


"Ganoon lang iyon? Pagkatapos mo siyang saktan, saka mo siya iiwanan?" boses ni Russ na naroroon pa pala at malamang ay nasaksihan ang outburst niya bilang drama princess.


Gosh!


"I don't need your opinion Russ."


Hala? Magkakilala sila?


Russ smirked from Ronnie's answer. "So very you Ronnie. Nakaka-iritang kaya mong gawan ng the repeat ang isang eksenang nagawa mo na two years ago."


Gosh! Magkakilala nga silang dalawa. At mukhang may ibang eksenang nagaganap. 


Napatayo siya.


"M-magkakilala kayo?"


Nilinga siya ni Russ. "Yes Earl. Ronnie's my son-of-a-bith-Ex."


"And you are my ever-bitter-ex Russ."


"Na nararanasan mo na ngayon Ronnie. Kay Monty, right?" mas may asin na balik ni Russ dito.


OMG! Grabeng revelation na ito. Pero bakit nagtanungan pa ang mga ito ng kung sino ang mga ito kanina. Ano yun? Trip lang?


"T-teka. Pa-paanong nangyari iyon kung di naman kayo magkakilala kanina?"


Tumawa ng pagak si Russ. "Drama lang. I guess, pare-parehas tayong umaarte kanina. Galing no?"


Naaasar na nagwalk-out siya. Akala niya pa naman, seryoso ang angilan kanina, iyon pala, may kakaibang trip din ang mga ito. Para siyang napaglaruan ng husto. Ni Ronnie, ni Russ at ng mundo. Sobra na. Di na niya kaya.


"Mga baliw! Maka-alis na nga rito." asar na sabi niya.


Pero bago pa siya maka-alis ay nahila na siya ni Russ sa kamay.


"Halika na, alis na tayo Earl."


Napapantastikuhan siyang tumingin dito. Talaga palang malakas ang trip nito eh.


"Ayos ka lang Russ?" naiiritang sabi niya.


"I'm fine baby. Since you kissed me." 


Napipilan naman siya. Oo nga pala, kahalikan niya ito kanina.


"What are you doing? Bitiwan mo ang kamay ni Earl." kunot-noo namang sabi ni Ronnie sabay hila sa kabilang kamay niya.


Hay! Kailan ba matatapos ito?


"Aalis na kami rito, mabaho na kasi ang hangin dito." pang-aasar ni Russ.


"Kami din ni Earl. Kaya bitiwan mo na siya. Babaho ang kamay niya." balik-asar ni Ronnie rito.


"Ano ba kayong dalawa?" nalolokang sabi ni Earl.


"Oo nga. Ano ba kayong dalawa ni Earl ha?" si Russ kay Ronnie.


"Boyfriend niya ako." tumataginting na sabi ng huli.


"You're not my boyfriend." gigil na sambit ni Earl kay Ronnie.


Hindi niya inaasahan ang ikinilos ni Russ. Humarang ito at pinigilan sa dibdib si Ronnie ng magtangka itong lumapit ng husto sa kanya.


"Earl said that you're not his boyfriend so leave him alone."


Kinabahan siya sa tensiyon. Ronnie looked at Russ's hand before turning his attention to his defender. Natatarantang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Seryoso ang mukha ng dalawa bagama't nakangiti si Russ ng muling magsalita.


"I'll court Earl, Ronnie. And I will never make him cry like you did." deklara nito. "At wala kang magagawa."


"Let's see." mapanganib na sagot ni Ronnie.


"Talaga. So just back off. Huwag mong pag-initin ang ulo ko." si Russ.


"Huwag mo ring pag-initin ang ulo ko." gigil na sabi ni Ronnie. Malapit na itong humulagpos.


Tension was very obvious between the two men. Kaya naman naki-alam na siya. "Teka, teka. Bitiwan niyo nga muna ako. Nahihirapan na ako rito eh."


"O, bitiw daw Ronnie." nang-aasar pa rin na sabi ni Russ.


"Ikaw ang bumitiw Russ. Epal ka lang dito."


Pero walang nagbigay sa mga ito. Sa halip, lalo pang naghigpitan ang mga kamay ng mga ito sa mga braso niya. Russ looked very determined not to let him go. Ronnie looked very pissed off.


"Know what guys? Kahit pa gusto kong i-enjoy ang eksena rito at mag-feeling prinsesa na pinag-aagawan eh nagsisimula na akong mairita ng husto." asar niyang sabi. Sinubukan niya ulit na kumawala pero wala talagang gustong magbigay sa mga ito. "Fine, sige. Ganito na lang tayo maghapon ha? Pero pakainin niyo ako at paupuin niyo rin kasi nangangawit na ako eh. Ano? Bet? Ayan, pagsawaan niyo ang mga braso ko."


"What's happening here?"


Napalingon siya sa baritonong boses na kay Orly Diamond pala. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa pagta-tug-o-war nila Russ at Ronnie sa kanyang braso.


"Earl?" 


Napabugha siya ng hangin pagkakita sa Captain Ball ng Football Team. "Hindi ko rin alam ang problema ng mga ito. Hindi rin naman sila nakikinig kapag sinasabi kong pakawalan ako eh, kaya hayan, pinababayaan ko na sila."


Nagpalipat-lipat ang tingin ni Orly sa dalawang lalaki. Kapagkuwan ay napabuntong-hininga ito. "Okay, let's go Russ. Hayaan mo na silang dalawa."


"Pero liligawan ko si Earl."


"Liligawan? Paano si Freia?"


"Sinong Freia?"


Biglang lumabas sa kung saan ang kaibigan niyang si Freia na umuusok ang ilong sa galit. "Hoy Russel Punzalan! Akala mo siguro eh matatakasan mo ako no? Kahit saan ka pumunta hindi ka makakaligtas sa akin. Hindi ka makakalusot sa akin, unggoy ka! Walang-hiya kang lalaki ka. Pinaghintay mo ako ng matagal sa canteen yun pala nandito ka lang at nakikipagbnong-braso sa kung si-... Earl? Ronnie?" natitigilang sabi nito.


"H-hi friend!" nahihiyang sabi niya.


"What's going on here? Bitiwan mo siya." tinampal nito ang kamay ni Russ.


"Shoo! Go away! Sino ka ba?"


Sasagutin sana niya ang kaibigan na okay lang siya ng bigla nitong hilahin sa tenga si Russ dahilan para mapabitiw ito sa kanya at tuluyang napalayo sa kanya. Napahinga na lang siya ng maluwag. Isa na alng ang problema niya. Si Ronnie.


"Get off me." piksi niya. 


Akala niya ay mahihirapan pa siya na maki-usap dito pero binitiwan na siya nito agad para lang mapasinghap lang ng malakas dahil hinawakan ulit nito ang mga braso niyang namumula na agad.


"R-ronnie..."


"Okay lang ba ito? Namumula na oh." anitong tsine-check ang braso niya.


Napatango lang siya.


"Good. Huwag kang magpapaligaw kay Russ. Babaho ang kamay mo." 


Napataas ang kilay niya. "What? At bakit naman kita susundin? Wala naman tayong relasyon ah?"


"Meron." Sabi nito sabay pisil pa sa pisngi niya.


"Aherm!" si Orly. "Batsi na ako insan." saka ito umalis ng mabilis.


"May usapan tayo Earl. I'm your pretend boyfriend. I hope you won't forget that."


"O-of course not!" he said stammering. What the hell? This isn't good! Bakit ba kasi may papisil-pisil pa itong nalalaman. Kinikilig tuloy ako. Lumayo siya ng bahagya dito. "But I thought..." Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil lumapit ito.


"You thought what?"


"I-i t-thought.." kandabulol pa rin siya. "I-i... a-anong ginagawa mo?"


"Anong ginagawa ko?" Ronnie parroted.


His face was only inches away. Hindi siya makahinga sa sobrang kaba. Naaamoy ni Earl ang napakabangong hininga ni Ronnie that he could almost breathe into it. Nabibingi na siya sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya na hindi na niya ipagtataka kung marinig man nito iyon.


Napatikhim siya. Kailangan niyang gumawa ng distraction kung hindi ay mawawala na naman siya sa sarili. Pilit niyang ipinapaalala sa sarili ang mga sakit na naranasan niya rito. Because the moment na mahalikan siya ulit nito, siguradong lahat ng iyon ay mawawala na sa isip niya. Ganoon siya kasigurado na maitatapon lang sa hangin lahat ng tampo niya rito.


Pero hindi siya pinakingan ng langit. The moment na napakurap siya, that's when Ronnie claimed his mouth and held captive not only his lips, but also his heart and soul. 


You're a dead man Earl!


Itutuloy...

20 comments:

chack said...

Mami D. ang ganda nya.. sna po may kasunod na po cia.. ipost mo n po.. pati po ung next chapter ng Tres Adonis.. thanks po...

chack said...

Ang haba ng hair ni Earl.. haizt.. How i wish may magganyan skin n pinagaagawan.. kakaiinggit... Cheers mami D.

DALISAY said...

Ay chack, hindi akin ang Tres Adonis. kay kapatid na Jaime iyon. Huwag kang mag-alala, i-message ko siya. Now na. Salamat ng marami!!!

ChAn_ErAnDiO said...

may gash....naku nman...pagawayan ba naman si EARL...haba ng hair....pro naks.....ronnie...iba na yan..di na yan pretend...bka tunay na inlove kna kay EARL...at ikaw nman EARL....ang kimikimi mo....Di daw mahal...sus....kitang kita na..!!!

Miss D...yan ako ang pinakaunang ng comment....
galing mo parin.....sunod po ASAP....hahaha...

DALISAY said...

Salamat Chan. Tutok lang sa istoryang ito. :-)

Anonymous said...

kelan mo ko mama D. isasali sa mga Kwento mo?! HAHAHA.. khit kontrabida keri na! :))

-Nat B.!!!

DALISAY said...

Sa TFE pa ni Jerick di ba? ikaw ang love interest niya. :-)

Nat Breean said...

hahahah.. i like.

woohoo..

Jerick my labs! hahahah

i cant wait!!!

Anonymous said...

"Ronnie's my son-of-a-bith-Ex."
"And you are my ever-bitter-ex Russ."

Ho may gas! Wat da pak is dat? HAHAHA. Bonggang bongga naman ang comeback ng series na ito.

One word: FABULOUS!

Migs said...

Nagpamiss ka lang ano?! haha! galing galing awesome love triangle! ^_^v

Anonymous said...

Another manifestation of Dalisay's "swag".
Hindi ka talaga nauubusan ng Aces...very creative yong twist ng story mo...palagi kang may pasabog...As usual "SALUDO" pa rin ako sa iyo! Keep it up Dalisay! keep it up IDOL!........Archimedes!

Nat Breean said...

yung Tres Adonis kaya kelan i-a-update?

DALISAY said...

@Russ: Salamat dear sa comment na fabulous. ahihihi...

@Migs: Mother, sobrang na-miss mo ba ako? choz! Ganyan talaga kapag may pinaghuhugutan. ahihihi

@Archimedes: Salamat sa napakagandang komento. Keep on visiting and reading lang po dito sa blog ko. :-)

Love you all guys!!!

Anonymous said...

sa wakas my update na.. nice.. tnx..
>>jun

DALISAY said...

Thanks Jun... tagal na nito, di ko pa masundan dahil tinotopak ang connection ko. Haaayyyy!!!

Brye Servi said...

haaay pag ibig.
ang sarap ulamin.
ni Russ.
charot.
hahaha!

next chapter please? :DD

DALISAY said...

Thanks Chef Brye :-)

Anonymous said...

bakit di na po ito nasundan? kaganda pa naman po ng story na to ... sana sundan nyo na po ..tnx po

IamRavenGonzales said...

Hi Ms. Dalisay, you really have the knack of a very good storyteller. You’re a genius! I really love the way you narrate the story, it’s like I can relate to every scenario and I feel like I’m one the characters. When I’m reading this I can’t help but literally roll because of so much laughing and get teary eyed whenever there’s a sad part. I love the story and I hope more exciting twist and turns, more KILIG moments. Please post the next chapter, I’m excited much!! :)

DALISAY said...

Thanks Raven, I'm not a genius in story-telling. Maybe just plain romantic. Ahihihi... I've posted Chapter 9. Sana magustuhan mo rin.