Wednesday, September 28, 2011

Torn Between Two Lovers? xvii

Bawat araw simula nang maging official ang relasyon namin ni Arnel ay labis na nagpapasaya at nagpapakulay sa araw ko. Maging sila Febbie at Xyza ay ganap na napapansin ang kakaibang ligaya na dulot nito sa akin.

“Huy girl, blooming ka. Ano bang meron?” Tanong ni Febbie.

“Huh? Wala naman.” Pagtanggi ko.

“ Hindi nga? Bakit hindi mo sabihin sa amin ang katotohanan? Ano pa’t naging girl friends mo kami kung di mo kami pagkakatiwalaan.”

“Seryoso, wala ito.”

“Hindi ka ata talaga namin mapapagsalita. Anyway, musta na kayo ni Francis?” Tanong ni Xyza.

Bago ako nagsalita ay tiningnan ko muna kung okay na ba ako sa nangyari sa pagitan namin ni Francis. Maging ako ay nagulat dahil wala na akong maramdamang hinanakit. Maaaring nagawa ni Arnel na pahupain ang anumang maling nararamdaman ko kay Francis.

“We’re through.” Simple kong tugon.

Napatango-tango na lang si Xyza waring nahulaan na kung anong nangyari sa amin.

“Anong ibig mong sabihin Dhen?” Takang tanong naman ni Febbie.

“Gaga ka talaga. Ang slow mo, ibig sabihin nun wala nang Francis-Dhen love story!” Nag-roll eyes pa si Xyza matapos magsalita.

“Bakit Dhen? Anong ginawa mo?” At hindi napigilan ni Febbie alugin ako.

“Hey wait!” At inilayo ko si Febbie. “Wala naman akong masyadong ginawa, itinigil ko lang ang pagkahibang ko sa kanya.”

“Ibig sabihin, binasted mo siya?” Ewan ko lang kung nagets na ba ni Febbie.

“Sige sabihin na nating binasted ko siya.”

“Pero bakit? Bakit???” Mukhang tanga nitong sabi sa akin.

“Febbie, OA much!” Sabi ko rito.

“Okay. Seryoso bakit nga?” Ayaw talaga papigil nito.

Kita ko naman kay Xyza ang kagustuhan nitong saktan na si Febbie ngunit nagpipigil ito nang sobra. Ngunit pinili ko na lang na ikuwento ang lahat kay Febbie para matigil na ito. Mula sa pag-aaway naming dalawa nung birthday ng tatay ni Arnel hanggang sa naging sagutan namin ni Jie sa may labas ng CR.

Nagtaka kami ni Xyza nang biglang lumakad palayo si Febbie. Nagulat kami sa sumunod nitong ginawa.

“Huy girl, tama na yan! Tapos na!” Habang inaawat ni Xyza si Febbie.

Kita ko naman na halos maiyak na si Jie matapos itong sugurin at sampalin ni Febbie. Nakaramdam naman ako nang awa rito.

“Jie, you should go now. I’m sorry sa ginawa nang kasama ko sa iyo.” At tumalikod na ito sa amin at lumayo.

“Masyado kang impulsive! Nanunugod ka agad. You should have acted just.” Pangangaral ko rito.

“Ang kapal kasi nang mukha niya eh!” Nanggagalaiti pa rin nitong sumbat.

“Tumigil ka na sabi eh. Sasampalin kita pag di ka huminto.”

Dahil sa sinabi ko ay biglang umayos si Febbie.

“Girl, masakit ang masampal.”

“Exactly my point.”

Tatawa-tawa naman si Xyza habang pinapanuod kami. Patuloy pa rin ako sa pangangaral kay Febbie at tila nag-eenjoy talaga si Xyza sa nakikita niya sa amin. Para namang bata ang hitsura ni Febbie na kinagagalitan ng kuya.

“Ahm Dhen.” Biglang awat ni Xyza.

Napatingin ako rito at nakitang may inginunguso ito sa likuran ko.

Parang nag-slow motion ang lahat sa ginawa kong paglingon. Naka-uniform ng pang-Criminology si Arnel na lalong nagpatikas dito habang lumalapit sa amin.

“Hi hon!” Bati nito sa akin.

Naghatid iyon ng isang libong kilig sa akin. Napanganga naman ang dalawa sa narinig nila.

“Did we just hear you call him hon Arnel?” Tanong ni Febbie.

“Hindi pa ba niya sinasabi sa inyo?” Nasabi nitong nakangiti.

Umiling si Febbie.

“Hmmm, now we know! Kelan pa?” Si Xyza naman ang nagtanong.

“Last week lang.”

“Kaya pala. May dilig na kasi kaya blooming na.” Gatong pa ni Xyza.

“Gago kayo!” Na hindi ko na napigilang mag-blush.

“Naku si Dhen nag-blush!” Pang-aasar pa ni Febbie.

“Tse! Tumigil na kayo!” Saway ko rito.

“Naku, tama na yan. Masyado nang namumula tong mahal ko.” Sabay akbay sa akin.

“Ayyyiiiiieeee!” Sabay pa na reaction ng dalawa.

“Ang sweet niyo naman!” Dagdag pa ni Xyza.

Patuloy lang kami sa pagkukulitan kasama si Arnel nang mapadaan kami sa may canteen. Naisipan naming bumili nang makakain habang nagkukwentuhan. Maya-maya pa ay may lumapit samin na hindi ko inaasahan.

Tiningnan ko lang si Arnel.

“Sige na, talk to him.” May pagpayag na sabi nito.

Lumayo muna ako pansamantala sa kanila. Nasa hotseat si Arnel sa tingin ko dahil dinig kong panay ang tanong nila sa naging development ng status namin.

“Kuya, I’m sorry for all the wrongs I caused you.” May sincerity nitong sabi sa akin.

“Wala na sa akin iyon Francis. I’m just glad that you did kasi mas nalaman ko kung sino ba talaga ang mas gusto ko.” Hindi ako nanunumbat pero yun talaga yung gusto kong sabihin.

“Pinapatawad mo na ako kuya?”

“Matagal na. Let’s just move on, continue with our lives and act as if nothing happened.” Sabi ko rito.

“Sige kuya. Napakabait mo talaga.” Bumakas naman dito yung ngiting bumihag sa puso ko.

“Anyway, how are things between you and Jie?” Pag-iiba ko sa usapan.

“Inaayos na po namin yung nangyaring gusot sa pagkakaibigan namin.”

“That’s good. So this time ba pwede na bang magkaroon ng romance sa inyo?”

“Malabo kuya.”

“Bakit?”

“Hindi ko kasi kayang i-reciprocate yung nararamdaman niya eh. Hanggang best friend lang talaga kaya kong ibigay.”

“Ah I see. Anyway, friends?” Sabay lahad ko nang kamay sa kanya.

Magiliw naman niya itong tinanggap. Nagkakuwentuhan pa kami saglit ng napagdesisyunan nitong magpaalam na.

“Mukhang everything’s flowing smoothly ah.” Nang lumapit ako kay Arnel.

“Yeah right hon. Masarap sa pakiramdam na maayos na lahat ng gusot ko.” Sabi ko rito.

“Glad that you’re happy, at least, we can focus with each other na since all’s well.”

Tumango lang ako rito.

“Aray!” Biglang sabi ni Xyza.

“Oh girl napano ka?” Nag-aalalang tanong ni Febbie. Napatingin naman kami kay Xyza.

“Andami kasing langgam dito. Grabe ang lalaki pa!” Sabi nito.

Hinanap naman ni Febbie yung mga langgam.

“Girl, wala naman akong makita. Niloloko mo lang ata ako eh.” Sambit nito.

Natawa tuloy kami ni Arnel sa ginawa ni Febbie. Kahit kailan talaga si Febbie napaka-slow. Patuloy lang kami sa pagtawa samantalang panay naman ang palo ni Febbie kay Xyza dahil wala naman daw itong nakita.

Sobrang thankful talaga ako sa mga kaibigan kong ito. Balance na balance ang kakiyan ni Xyza, pagiging slow ni Febbie at ang pagiging seryoso at emotero ko. One thing in common samin? Wala.

Days are passing by at okay naman ang naging takbo nang relasyon namin ni Arnel. May ilang tampuhan at hindi pagkakaunawaan ngunit nagagawa naman naming ayusin iyon bago pa man lumala. Hindi rin lumilipas ang isang araw na hindi namin pinag-uusapang maigi yung naging problema.

Isang araw, nag-aya si Arnel ng date. Siyempre agad naman akong pumayag since wala rin naman akong lakad nung araw na pinili niya. Excited ako na parang natatakot kasi baka kung ano na namang kagaguhan ang pasukin namin.

“Saan ba tayo pupunta this time?” Tanong ko.

“Basta.”

“Ayan na naman yang basta mo eh.”

“Wala ka bang tiwala sa akin?”

“Meron kaso nga lang yung last time na pinagkatiwalaan kita eh dinala mo ako sa venue nang reception ng kasal and you pretended na kakilala mo sila.”

Dahil sa sinabi ko ay natawa ito. Halos mamula na ito sa kakatawa.

“Sige tawa ka pa. Kulang pa yan. Laugh your heart out.”

Nang mahimasmasan ito ay saka lang muling nagsalita. “Trust me, hindi ko na ulit gagawin yun.”

“Okay. Sabi mo eh.”

“So, ready?”

“Very much ready.”

“Then, hop in.” Utos nito.

Umangkas na ako agad sa motor niya.

Bago kami tumuloy sa ‘date’ namin, dumaan muna kami sa grocery store para bumili nang pwedeng kainin. Puro finger foods ang pinagkukuha niya.

“Date ba talaga ang trip mo o picnic?” Tanong ko rito.

“Date siyempre.”

“O eh bakit andami mong binibiling curls tsaka biscuits?”

“Basta, stay put ka lang diyan.”

“Okay. Hey wait, kuha lang ako nang softdrinks.”

“Sige, then, kuha ka na rin ng water.”

“Sure.”

Matapos naming mag-grocery eh tumuloy na kami sa pupuntahan namin. Just imagine na habang papunta kami sa lugar na sinasabi niya sakay ng motor, bitbit ko sa isang kamay yung supot na may lamang softdrinks at water at sa kabila naman yung mga curls.

Mukhang nafo-foresee ko na kung saan kami pupunta. Isa ito sa mga famous spots sa lugar namin in which lagi siyang dinadayo tuwing Mahal na Araw.

“Sa shrine tayo punta?”

“Yup.”

“Sige, maganda nga roon.”

“I know tsaka mas makakapag-usap tayo nang wala masyadong nakikialam.”

Ilang minuto pa ang lumipas at andun na kami sa lugar. Pinili namin yung cottage sa may ibaba nang burol. Pagkababa nang mga gamit, agad ko nang tinahak ang daan paakyat sa Stations of the Cross. Napaka-holy nung place kasi kahit saan ka lumingon may makikita kang imahe nang mga tauhan sa bibliya.

Nang marating ko ang tuktok, pumwesto ako sa may malaking statue ni Jesus. Siyempre, konting picture taking. May pagka-vain kasi ako sa pictures kaya naman lagi niya akong kinukuhanan kahit sa paglalakad ko.

Maya-maya pa ay lumapit ito sa akin at niyakap ako mula sa likuran.

“Dhen, sobrang saya ko na finally nakuha na rin kita.”

“Ako rin. Masaya ako kasi hindi ka nagbago sa akin.”

“Ewan ko nga ba eh. Antagal ng panahon na naghintay ako. Andami na ring mga babaeng dumaan sa buhay ko pero hindi ko sukat akalain na ikaw pa rin pala ang itinitibok ng puso ko.”

“Pero Len, bakit nga ba ako ang pinili mo?” Tanong ko rito.

“Siguro, cliché nang maituturing ito pero kasi I can see in you yung mga characters ng taong gusto kong makasama habang buhay.”

“Like?”

“Basta.”

“Bakit nga?” Pangungulit ko.

“Andami mo naman tanong eh. Basta mahal kita yun yung mahalaga.”

Tumahimik na lang ako.

“Eh ako bakit mo ako minahal?” Tanong niya sa akin.

“Siguro kasi ikaw lang yung nag-iisang lalaking nakipagkaibigan sa akin nung first year. Alam mo naman na mga babae ang barkada ko pero pinilit mong makipaglapit sa akin kahit na ilang beses kitang itinulak palayo.”

“Naalala ko yan. I remembered how you yelled at me pag kinukulit kita.”

“Yep, kasi honestly natatakot ako, na baka pag kinaibigan kita at maging close tayo, sa sasabihin ng iba sa atin. Pwede ka kasing biglang lumayo sa akin dahil lalaki ka at ang lalaki ay ayaw sa mga kagaya kong mahinhin.”

“Sa totoo lang naisip ko rin yan.”

“See?” Sabi ko rito.

“Pero I persisted kasi alam kong mabuti kang tao at magiging magkaibigan tayo. Akalain mo bang magiging best friend pala kita.”

“Kaya nga eh. Tapos naalala ko inaway mo yung isang kaklase natin nung sinabihan niya akong bakla. Nakakatuwa kayo noon pero syempre napahiya ako nang sobra.”

“Alam ko yun kaya nga nanligaw ka nang babae noon para patunayan sa kanilang hindi ka bakla.” Sabi nito sa akin.

“Tama.”

“Naging kayo ba ni Jenalyn?”

“Hindi eh. Malaki ang chance ko na maging gf siya sa totoo lang.”

“O anong nangyari?”

“Naalala mo ba nung umiiyak siya after namin mag-usap?”

“Huh? Hindi ko alam yun ah. Kuwento mo nga?”

“Yun nga, after class nung hapon kinausap ko siya. Binibiro pa nga kami nang mga kaibigan niya kasi first time kong ginawa iyong ipaalam siya sa mga kaibigan niya.” Napatahimik ako.

“Then?”

“Nung nagkasarilinan na kami, sinabi ko sa kanyang hindi ko na itutuloy yung panliiligaw ko. Nagulat siya at nagtanong. Ang nasabi ko lang sa kanya gusto ko siya pero mas maiging maging magkaibigan na lang kami. Hindi matanggap ng pride niya yung sinabi ko kaya naman nasampal ako. Umalis siya nang umiiyak.”

“Bakit mo ginawa yun? Maganda rin siya tsaka honestly I’m looking forward na magkakatuluyan kayo. Gulat nga ako na biglaang hindi na kayo nagpapansinan.”

“Yun nga yung dahilan kung bakit ayaw na niya akong kausapin. I insisted na kahit yung friendship na lang yung i-save namin. Sayang kasi yung naipundar na naming pagkakaibigan.”

“Pumayag naman siya?”

“Oo.”

“Bakit mo nga ba hindi itinuloy?”

“Dahil may mahal akong iba.” Sabay harap sa kanya.

“Ako siguro yun nuh?” May pagkamayabang nitong sabi.

“Gaano ka naman nakakasigurong ikaw nga yun?”

“Basta feeling ko lang.”

“Asa ka naman na ikaw yun.”

“Hindi ba ako yun?” Kita ko naman ang paglungkot ng mukha nito.

“Uto ka talaga! O siya tara na medyo gutom na ako.” Pag-aya ko rito.

Ayaw man lang niya kumilos para bumaba. Hinila ko na lang siya para makakilos na pero parang wala na talaga sa mood..

“Pag hindi ka gumalaw diyan makikipaghiwalay ako sa’yo.” Pananakot ko rito.

Parang bigla naman itong natauhan.

“Aba, ang bagal mo dalian mo nga riyan baka mawala yung pagkain natin.” Sabi nitong bigla.

Natawa naman ako sa kanya. Isip-bata pa rin talaga.

Naghabulan kami pababa nang grotto. Kala mo mga batang paslit kami kung umasta. Nariyan yung nagtatayaan kami, o kaya naman ay aastang iaangkas niya ako sa likuran niya.

Nang marating namin yung cottage, agad kaming nagpahinga. Makalipas ang ilang sandali, nagsimula na kaming magmeryenda.

“Hon, huwag mo buksan lahat huh.”

“Sure, hindi ko naman kayang ubusin lahat ito eh.” Sagot ko.

“Maya pala samahan mo ako roon sa kabilang parte.”

“Bakit? Anong mayroon doon?”

“Makikita mo rin mamaya.”

Nakailang kuwentuhan pa kami at lambingan sa cottage nang maisipan na naming puntahan yung sinasabi niyang lugar. Habang tinatahak namin yung madamong daan, hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil baka may ahas na biglang tumuklaw sa amin. Sabi niya naman na wala raw ahas doon kaya huwag akong mag-alala.

Ilang sandali nang paglalakad at natunton na rin namin yung gusto niyang dalawin. Namangha naman ako sa nakita ko. May mga kubo na andudun at may mga settlers. Lahat sila ay nakatingin sa amin.

Lumapit pa kami at bumati sa mga ito. Malugod din naman silang bumati pabalik sa amin at nakakapagtakang kilala nila si Arnel. Napag-alaman ko na madalas silang dalawin ni Len pag may pagkakataon para makipagkuwentuhan at mangumusta.

Maya-maya pa ay inabot na ni Len yung mga dala naming pagkain at inumin sa kanila. Doon ko lang nakita yung soft spot niya na iyon. Nang may pagkakataon, tinanong ko sa kanya kung alam ba nang mga parents niya yung pinaggagagawa niya ngunit hindi raw. Ako pa lang daw ang nakakaalam nun.

Patuloy lang ang kuwentuhan namin ng may biglang nagtext sa kanya. Kita ko naman ang biglaang pagbabago nang itsura nito.

“Len, are you okay?”

“I’m not.” Seryoso nitong tugon.

Dahil sa nalaman ay agad na kaming nagpaalam sa mga ito. Nang makalayo ay kinausap ko itong muli.

“Anong problema?”

“We needed to go back home now.” Ramdam ko naman na mukhang mabigat yung laman nung text sa kanya kaya naman tumango na lang ako.

“Whatever happens, I’ll be here for you.” Pag-alo ko rito.

Sinubukan nitong ipakita sa akin na kaya niya sa pamamagitan ng pagngiti. I gave him a reassuring kiss.

Umangkas na ako sa motor nito pabalik sa kanila. Habang nasa daan ay hindi ko magawang magbukas ng topic. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang mga dapat kong sabihin para mapagaan man lang iyong loob niya. Gusto ko siyang tulungan pero paano?

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay nila. Tahimik sa loob. Nakaramdam ako nang hindi magandang pangyayari habang papalapit kami sa pintuan. Pagpihit pa lang niya nang door knob, kumabog na parang tambol ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

Sumalubong sa amin si tita.

“Andun yung tatay mo sa may kusina. Kanina ka pa hinihintay.” Sabi nito.

“Good evening po tita.” Bati ko rito.

“Good evening din Dhen. Halika samahan mo ako mag-ayos ng mga kahoy sa likod.”

“Sige po. Sunod ako.” Sabi ko kay tita. Hinarap ko ulit si Arnel. “Hon, kaya mo yan. Andito lang ako sa likod mo.”

Tumango lang ito kaya tumuloy na ako sa likuran.

Gusto kong makinig sa magiging pag-uusap nila pero nakakahiya kasi kay tita kaya naman pinili kong huwag muna. Kasalukuyan naming inaayos yung mga nagkalat na kahoy ng makarinig kami nang malakas na kalabog mula sa kusina.

Napahangos kami agad ni tita roon para tingnan ang mga nagaganap. Pagdating namin ay kita ang nakabagsak na upuan na siyang lumikha nang ingay.

“Hindi ko maisip na pumatol ka sa isang bakla! I’m so disappointed in you!” Sabi ni tito kay Arnel.

Kita ko naman ang pagpipigil ni Arnel na sumagot. Nang biglang mapatingin si tito sa akin. Nanlilisik ang mga tingin nito na wari mo’y kikitil ng buhay.

“Bakit mo ginawa sa amin to? Pinagkatiwalaan kita pero anong ginawa mo??? I haven’t seen this coming dahil hindi ko binigyang pansin yung sweetness niyo dahil ang tingin ko mag-best friends lang kayo! Kung nalaman ko lang sa umpisa pa lang, pinigilan na kitang lumapit sa anak ko! ” Paninisi ni tito sa akin.

Hindi ko magawang sumagot dahil nahihiya ako. Lumapit ito sa akin

“Andami nang naging girl friends ni Arnel at lahat iyon ay magaganda, matatalino at galing sa mga respetadong pamilya kaya naman tuwang-tuwa ako sa bawat babaeng dinadala niya. I have high hopes para sa kanya na itataguyod niya ang apelyido namin pero nawala lahat dahil sa kalandian mo!” Patuloy nito.

“Tito, I-I didn’t mean to fall sa anak niyo po. It came unexpectedly.” Mahina kong sagot dito.

“Tangina! Sasabihin mo ngayong unexpectedly? Kahit kailan expected na sa inyo ang manglandi nang mga lalaki. Para ano? Para gawing mga kagaya niyong mga salot sa lipunan!” Humarap ito kay Arnel. “What happened to Jessa? Bigla mo siyang tinapon dahil sa bakla na iyan?”

“Minahal ko si Jessa. Totoo napakaganda niya and she’s the perfect girl at mother ng magiging anak namin pero hindi ko na siya kaya pang lokohin. Marami pang mas babagay sa kanya, higit pa sa akin.” Malumanay na sabi nito.

“You’re a disgrace to the family!” Na may kahalong panduduro kay Arnel.

Hindi ko na napigilan pang mapaiyak. Maging si tita ay pinipigilan na mapaiyak.

“Ako na nagsasabi sa inyo na itigil niyo na ang kalokohan niyo dahil kung hindi mapipilitan akong ipatapon ka sa kapatid ko sa Mindanao.” Sabi nito kay Arnel sa malumanay na boses.

“Hindi mo pwedeng gawin sa akin yan! Matanda na ako! I know now what is best for me at hindi mo ako mapipigilang gawin kung ano yung nakikita kong tama!” Biglang sumbat na nito sa ama.

“Tama? Kailan pa naging tama na ang lalaki ay pumatol sa isang bakla? Sige sabihin mo sa akin!” Nanggagalaiti nitong sumbat kay Arnel.

“Nagiging mali lang ang ito sa mga kagaya mong makitid ang takbo nang utak at walang ibang inalala kundi ang sariling pride at kaligayahan!”

Dahil sa sinabi ni Arnel ay sinugod ito ni tito at sinuntok. Napatumba naman ito sa lakas ng impact. Inawat ni tita si tito samantalang inalalayan ko si Arnel.

“Len tama na.” Pagmamakaawa ko rito.

“No Dhen. Kailangan kong manindigan.”

Tumayo ito.

“You were never a father to me. All this time, iniisip mo na isa kang perpektong ama sa aming mga anak mo pero nagkakamali ka! Hindi ko makitang isa kang ama sa akin!”

Napatakip na lang ng bibig si tita sa sobrang pagkabigla nito sa mga sinabi ni Arnel.

“Wala kang karapatang sabihin na wala akong kuwentang ama! Lahat ginagawa ko para sa pamilyang ito!” Sigaw na sabi ni tito.

“Siguro nga tama ka, ikaw kasi tagabigay ng allowance namin. Sa tingin mo ba yun na yun? Alam mo ba how I felt each time na may mahalagang event sa buhay ko and yet walang tatay na dumadalo? Nasaan ka nang mga panahong iyon? Alam ni mama lahat, lahat ng hinanakit ko sa’yo pero lagi niyang sinasabi na intindihin ka. That’s what I did.”

Moment of silence. Hindi na napigilan ni Arnel na mapaiyak.

“I pursued your dream na maging pulis dahil frustrated police officer ka dahil sa military ka gustong ipasok ni lolo. Alam mo ba lahat ginawa ko para mag-excel sa klase? Pinasok ko rin ang student council para kahit paano ipagmalaki mo ako pero anong natanggap ko sa’yo? Wala! Ni simpleng appreciation hindi mo man lang maibigay! Bakit ka ganun pa? Bakit lahat ng decisions ko kinukontrol mo?”

“Dahil ayokong mapariwara ka! Gusto kong maging successful ka at sumunod sa mga yapak namin ng lolo mo!”

“Hindi yun ang gusto mong mangyari pa. Gusto mong maging kagaya niyo ako ni lolo dahil tinanggihan kayo ni kuya! Alam mo pa dahil sa pagkontrol mo sa mga kilos ko, hindi ako naging masaya kasi ang lagi kong naiisip baka hindi mo magustuhan yung kakalabasan ng mga decisions ko! Lumaki ako na walang sariling desisyon at paninindigan. I was grounded by your rules!”

Nanggagalaiti pa rin si tito sa mga sinasabi ni Arnel sa kanya. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa tagpong iyon. Na-shock si tita sa mga salitang lumabas kay Arnel dahil ito yung unang beses na sumagot ito sa ama.

“Alam mo ba na sa tuwing may family day nung bata pa ako, lagi mong sinasabi na darating ka. Lagi akong nag-eexpect ng presence mo. Isang oras, dalawa, tatlo pero dumating ka ba? Sila mama at kuya lang lagi ang nanduduon. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin sa tuwing makikita ko mga kaklase ko kasama nila mga tatay nila? Alam mo rin ba kung gaano ako mainggit pag masaya sila? Hindi! Kasi busy ka riyan sa trabaho mo! Wala ka nang oras sa akin! Buti pa sila ate at kuya nakaranas na um-attend ka sa events nila! Were you proud of me?” Hindi nito napigilang maibulalas.

Sa tingin ko medyo kumalma na si tito dahil nawala na ang pagkuyom nito sa mga kamao niya.

“I love you pa but its just wrong na pati puso ko kokontrolin mo pa. Sobra na iyon. Sana maging masaya ka na lang sa amin ni Dhen. Kahit ito na lang yung hihingin ko sa’yo.” Malumanay na sabi nito.

Iyon na ang huli niyang nasabi bago umalis sa eksena si tito. Hindi na ito sinundan pa ni tita. Napahagulgol si Arnel ng niyakap ko ito. Sinubukan ko siyang aluin. Hindi ko ine-expect na ganito kabilis yung mga pangyayari sa amin.

Lumapit sa amin si tita. Niyakap niya kami ni Arnel. “Hayaan mo muna tatay mo, he’ll soon realize na may point ka. Just give him time.”

Simula nung araw na iyon, hindi na umuuwi si Arnel sa kanila bagkus sa amin na ito nanirahan pansamantala. Gusto niya sanang mag-rent na lang kahit bedspace pero hindi pumayag si mama at si papa. Kahit papaano mas mapapanatag sila na makitang ligtas si Arnel. Tanggap naman kami sa bahay namin kahit na nung umamin ako eh feeling ko kagaya ni tito si papa pero nagkamali ako. Ang sinabi niya na lang samin ay huwag babuyin yung bahay niya. Masuwerte ako sa papa ko.

Kahit papaano, kita ko naman ang pagsusumikap ni Arnel para ipakita sa pamilya ko na pinaninindigan niya ako. Nakaantabay sa amin ni Arnel ang mga magulang ko. Tinutulungan nila kami sa bawat desisyong gagawin namin.

Isang araw sa school, nakita kong nag-uusap si Arnel at Jessa sa may puno malapit sa may building namin. Mukhang may pinag-uusapan silang seryoso dahil kitang kita ko ang pagpunas ni Jessa sa mga luha nito. Pinabayaan ko na lang muna silang mag-usap.

“Girl, tara meryenda tayo. Nagugutom na ako eh.” Aya ni Febbie.

“Lagi ka namang gutom eh.” Pang-aasar ko.

“Oh well, ganun talaga. Kailangan eh.”

“Saan mo ba dinadala mga pagkain mo eh ang liit mo pa rin naman tsaka hindi ka ganun kataba?” Tanong ni Xyza.

“Alam ko kung saan.” Sabi ko rito sabay tingin sa dibdib nito.

Lumiyad pa si Febbie para bigyang emphasis yung dibdib niya. Nagtawanan na lang kami.

“Dali na, hirap na baka mangayayat pa. Wala nang magkakagusto sa akin.” Sabi nito.

“Desperada?” Usal ni Xyza.

“Palibhasa kasi kayo may mga dilig kaya wala na kayong pakialam sa akin.” Pagdadrama nito.

“Hay naku samahan na nga natin ito baka kung saan pa mapunta kadramahan nito. Mas lalo itong di magugustuhan ng mga lalaki.” Sabi ko.

“Tama ka.” Pag-sangayon ni Xyza.

Naglalakad na kami papunta sa canteen ng may tumawag sa akin. Si Arnel pala kasama si Jessa. Naramdaman ko naman ang mahinang pagsiko ni Xyza sa akin. Tiningnan ko lang ito bago muling hinarap yung dalawa.

“Hon, saan kayo punta?” Tanong nito sa akin.

“Ahm sa canteen. Meryenda lang kasi nagugutom si Febbie eh.” Sabay turo rito.

Tahimik lang si Jessa at kitang kita rito na galing ito sa iyak.

“Ah ganun ba. Sama na kami sa inyo.”

“Hindi ba kami nakakaistorbo?” Hindi maiwasang masabi ni Febbie.

Napatingin kaming lahat kay Febbie at napatahimik.

“Ahm, Dhen. C-can we talk?” Usal ni Jessa.

Kita ko naman ang pagngiti ni Len sa akin. Napatango na lang ako.

“Excuse us guys, una na kayo sa canteen.” Sabi ko sa kanila.

Bago pa umalis si Arnel at sumunod sa dalawa eh bumulong pa ito sa akin ng I love you. Siyempre may dulot iyong kilig sa akin.

“Dhen, I-I’m sorry.” Sambit ni Jessa nang makaalis na yung tatlo.

“Para saan?” Takang tanong ko.

“Kasi, kasi ano…” May hesitations sa tinig nito.

“Sige kaya mo yan.” Pang-eencourage ko rito.

“Ahm, ako kasi nagsabi kay tito nang tungkol sa inyo ni Arnel.” Nakayuko nitong sabi.

Tahimik lang ako. Hindi na ako nagulat pero hindi ko rin maiwasang matuwa sa pagiging tapat niya.

“Nagawa ko lang naman iyon kasi sobrang mahal ko si Arnel. Masyado akong naging selfish. Hindi ko na inisip na pwede ka pa lang mapahamak maging si Arnel sa desisyon ko. Hindi ko ginustong lumayas siya sa kanila.”

“Jessa.” Sabay hawak ko sa balikat niya. Napatingin ito sa akin na may namumuong luha sa mga mata nito. “Kahit na ganun ang ginawa mo sa amin, hindi ko na magawa pang magalit sa’yo. Ayoko na rin kasing magalit pa, dadami lang wrinkles ko.” Sabi ko rito.

Napangiti naman ito sa huli kong sinabi.

“Ayan, dapat ngiti ka lang palagi kasi mas maganda ka pag ganyan. Kung nagkataong straight ako, aagawin kita sa best friend ko.”

“Loka!” Nasambit nito bigla sa akin na nagpatigil sa amin pareho.

Napatawa na lang kami.

“Honestly Jessa, I never expected you na lalapit sa akin at hihingi nang tawad. In the first place, ako pa nga dapat mag-sorry sa’yo kasi dahil sa akin nasira relasyon niyo.”

“Oo nga sinira mo relasyon namin. Kainis ka!” Sabi nito at tinampal pa ako sa balikat.

Mabait pa lang talaga si Jessa kasi nagawa nitong makipag-usap sa akin na kala mo eh walang gulong namagitan sa pagitan namin.

“Pero kamusta naman na ang buhay pag-ibig mo ngayon? May bago na bang nagpapatibok sa puso mo?”

“Maraming nagpaparamdam pero sarado pa kasi ngayon puso ko for applications eh. Still recovering pa kasi.”

“Ah ganun ba? Naku, hangad ko ang kaligayahan mo.”

“Salamat Dhen huh.”

At niyakap ako nito. Gumanti na lang ako nang yakap.

Inaya ko na si Jessa na sumama sa aming magmeryenda sa canteen. Masaya naman kaming nagbabangkaan. Nakiki-sabay na rin paminsan-minsan si Jessa sa mga biruan namin. Nag-aadjust pa kasi siya pero kita mo naman na mas masaya na siya ngayon compared noon.

Matapos ang huling klase naming iyon nung hapon, nakita ko agad si Arnel na naghihintay sa labas ng classroom namin. Nang makita ako nito ay agad na itong nag-ayang umuwi. Siyempre walang nagawa yung dalawa kong kaibigan kasi si Arnel yung batas eh.

Nagkukuwentuhan lang kami sa mga naganap sa amin nung araw na iyon habang naglalakad pauwi nang bahay. Mababakas mo na rin naman ang kasiyahan sa mukha ni Arnel dahil nabawasan na rin siya nang isang tinik sa dibdib. Isa na lang ang alam kong iniinda niya ngayon.

Nagtatawanan pa kami nang pumasok sa loob ng bahay ng kapwa kami biglang natahimik. Hindi ko alam na may bisita pala kami at ang nakakagulat pa ay ang katauhan msimo nang bisita.

“Son?” Tumayo ito pagkakita sa amin.

Napatda ako sa katagang lumabas sa bibig ng bisita namin. Sinipat ko si Arnel at bakas rito ang kaligayahang makita muli ang nakagalit na ama. Napaluha ito. Hinagod ko naman ang likuran nito.

“Pa?” May agam-agam na banggit nito.

Agad naman na nag-reach out si tito kay Arnel. Napatakbo na ito para mayakap ang ama. Labis ang kaligayahang namamahay sa dibdib ko dahil kahit papaano ay nagkaayos na sila. Matapos magyakapan nung dalawa ay kapwa sila napatingin sa akin. Inaya naman ako ni tito na yakapin din siya.

Mas nalubos ang kaligayahan ko nang yakapin si tito. Tama siguro akong sabihin na tinanggap na ni tito ang relasyon namin ng anak niya.

Nang bumitaw ako sa yakap niya ay nagsalita ito.

“Dhen, I’m sorry sa mga masasakit na salita na nasabi ko sa’yo noon.”

“Naiintindihan ko po yun tito. Galit po kasi kayo sa pangyayari kaya hindi niyo na napigilan ang sarili niyo.”

“Oo nga eh. Alam mo ba nung oras na iyon, kung hindi pa kami nagkasagutan nitong anak ko eh hindi ko malalaman na may sama pala ito nang loob sa akin. Wala kasi itong lakas ng loob na sumagot sa akin eh.”

Litanya ni tito habang ginugulo buhok ni Arnel. Natutuwa naman ako sa nakikita ko sa mag-ama. Inutusan niya si Arnel na lumayo muna at mag-uusap daw kami.

“Alam mo ba, na-realize ko noon lahat ng mga pagkukulang ko sa kanya at tama siya hindi ako naging tatay sa kanya kaya naman babawi ako.”

Natuwa ako sa sinabing iyon ni tito.

“Alam mo masakit pa rin sa akin na yung bunso ko eh sa kapwa niya pumatol…” Ramdam ko pa rin na may hinanakit siya sa mga pangyayari. “…pero wala na akong magagawa pa run eh. Siguro, susuportahan ko na lang siya kasi sa tingin ko yun yung nakikita kong paraan para makabawi sa kanya.”

“Tito…”

“Eto lang sana hiling ko sa inyo, huwag niyo sanang papabayaan ang isa’t isa at hanggang maaari intindihin niyo ang pagkukulang niyo. Hangad ko ang kaligayahan niyong dalawa.”

“Tito maraming maraming salamat po! Hindi niyo po alam pero napakasaya kop o na tinanggap niyo na kung anong meron sa amin ni Len. Pinapangako ko po na iintindihin ko siya hanggang kaya ko.”

“Isa pa pala.”

“Ano poi yon tito?”

“Bigyan niyo naman kami nang apo.”

Dahil sa huling sinabi ni tito ay hindi ko maiwasang hindi matawa. Hindi iyon nakalagpas sa pandinig ni Arnel.

“Anong pinag-uusapan niyong dalawa riyan?”

“Wala po.” Tugon ko.

“Anong wala! Sabihin niyo!” May utos na sabi nito.

“Huwag mong sasabihin pinag-usapan natin huh.” Sabi naman ni tito.

“Opo.” Sagot ko.

“Ah ganun, so may secret-secret na. Sige bahala kayo mga buhay niyo.” At tumalikod ito sa amin.

Natawa kami lalo ni tito sa inasta ni Arnel. Pinagsabihan naman ito ni tito.

Nag-bonding ulit yung mag-ama. Nagkuwentuhan sila sa mga bagay-bagay na nakaligtaan ni tito sa buhay ng bunso niya. Nakakatuwang tingnan yung dalawa habang parang bata si Arnel na may actions pa talaga ang pagkukwento. Isa ito sa mga issues ko noon na hindi ko akalaing magkakaroon ng magandang resulta.

Hindi na rin masyadong nagtagal pa si tito sa bahay at nagpaalam na. Hinatid namin ito sa labas. Muli humingi nang tawad sa amin si tito at nagpasalamat na rin.

“Masaya ka ba?” Tanong ko rito nang wala na si tito.

“Oo naman. Sobrang saya!”

“Ako rin masaya ako para sa’yo.”

“Mas masaya ako para sa atin.” At yumakap sa akin.

“Drama mo.”

“Mahal mo naman.”

“Uto!”

Inaya ko na siyang pumasok sa loob.

“Dhen?”

“Hmmm?”

“Ano pinag-usapan niyo ni papa?”

“Wala iyon. Huwag mo masyadong isipin.”

“Dali na, sabihin mo na.”

“Huwag na sabi eh.”

“Hindi mo sasabihin?”

“Hindi.”

“Ganun?”

“Oo.”

“Eh di huwag.” May tampo nitong sabi.

“Uto ka talaga!” Sabay batok ko rito.

Tumakbo ako papasok sa kuwarto at hinabol naman ako nito. Pinaulanan niya ako nang isang libong kiliti. Hindi naman ako makailag. Masaya ako sobra dahil maayos na naming haharapin ang bukas kasama nang isa’t isa at ang mga pamilya naming handa kaming suportahan.

“I love you Dhen!”

“Uto!”



---WAKAS---

Nais kong pasalamatan ang mga taong sumubaybay sa Torn Between Two Lovers? at patuloy na nagbibigay ng mga comments. Alam kong maaaring nagsasawa na kayo sa kakabasa nang batian portions ko pero hinding hindi ako magsasawang pasalamatan kayo at gawin ang bahaging iyon dahil sa pamamagitan niyon ay naipapadama ko sa inyo ang aking kagalakan. Saying thank you is not enough for making this story a success! I love you guys!

Siyempre hindi mawawala ang pagbanggit ko sa mga pangalan niyo.

mom Dalisay
Rovi/Unbroken
Alex Cruz
Ben Pangan
Marlon
Pink 5ive
zekie
marc
nate
Jhae17
Jay (Jcoi)
Superman
ged
ram
Dave17
mark
alfie
Rue (Idol gusto ko yung gawa mo. Sana marami pang ganun)
Coffee Prince
Aerbourne14
Zildjian (Isa ka na sa mga bago kong idol. Grabe ang ganda nang The Right Time mo. Aabangan ko yung next story mo.)
dada (Sana patuloy mong suportahan ang kaibigan nating si Zildjian)
blue
Anonymous
Silent Readers
atbp (Pasensya na po sa mga ibang hindi ko nabanggit ngunit taos-puso pa rin po akong nagpapaalamat sa inyo).

Hanggang sa muli mga kaibigan. Mahal na mahal ko kayo.

Lovelots,

Dhenxo :DD

PS: Ooopppssss, muntik ko nang makalimutan. Sa isang taong nagbibigay ng ganap na kaligayan sa aking buhay. Salamat. Binuhay mo ang passion ko sa pagsusulat. Mag-iisang taon na ang story na ito ngunit dahil sa motivations mo ay nagawa ko siyang tapusin. Zeke, mahal na mahal kita. Ingatan mo lagi sarili mo and I'll see you soon. I'll wait for you.

Monday, September 26, 2011

Memoirs of a Gay-sha: Chapter 4

Photobucket

By:  Ace

--------------------------
CHAPTER FOUR
--------------------------



Now what? A fire drill, for real? or one of those earthquake drills? Am I gonna panic and run around? Because that would be my natural instinct instead of forming neat lines outside and evacuating towards the fields. As if anyone will remain calm if the building is shaking or on fire. 

Once again my powers of observation continue to serve me well.
So Its lunch time, but before my lame meal. The speaker system required us to pray first. So many rituals why can't we just pray in the privacy of our own tables.
Do we really have to stand and stay still. blah blah blah. amen.


Ok so which canteen do I pick, I'm not that hungry maybe I should just look around and explore this place. It is pretty big. But at the back of my head I just wanted to sleep. maybe at the library, I'm fking lazy. 

But human curiosity is just more powerful. So I went around, it took me twenty minutes to take a tour of the place. I just realized how big the campus was and how many the fields were.

I didn't know they still had an extra field at the back. What is this place. Its really like a jungle with basketball courts and soccer fields, volleyball courts, a gym, even a studio for practicing dance or karate and all that. I think they're focusing more on sports. Which isn't that bad for me, It may not seem like it. I love soccer. But thats another story. 

Back to roaming around. I found little huts at the back part of the gym, well more like gazebos. It had a lot of space, like a hang out where people can just sit down around each other. It was a place that looked like, where tweetums would go and express themselves. Which was already happening, I didn't care who they were. They just sat beside each other sharing lunch sometimes feeding each other. I felt pangs of envy. Wait, I'm supposed to be some sort of socially awkward person. Why would I even want to do that. I have my own hands, I can feed myself. 

Mental note to self, "this school is making me feel odd."

Looks like I still have fifteen minutes left for lunch. 

I have a habit of eating lunch in ten minutes or less and then spend the remaining time sleeping or reading. I have my priorities wrong. The point is, I eat really fast. 
I decided not to eat my lunch. I still had biscuits with me. 

I went up to the floor where my room was located. I imagined myself, everyday carrying my heavy books. 

I'm going to have osteoporosis before I finish high school. We had to line up, every time we needed to enter the room. More time wasted, trying to keep boys stand still in straight lines. 

We were permitted inside by this fifty something guy who was our math teacher. Out of all the subjects in the world, I hated math. The subject hates me equally as well. It will be made more unbearable by some boring old guy with glasses. Who has clearly taught the same thing for the past twenty something years of his teaching life. 

He made a seat plan for us, we had to write our names on it. Makes it easier to remember all of us.

So we passed around the paper, Dantalian had to write his name before he passed the seat plan to me. I couldn't help but notice his name "Khristofer  D'Antaliogne." In a neat cursive.

Well that explains a lot. His body build, his height, the song. How I thought I spelled his name right. 

His baby white skin. His awkward nuances in speaking. Stunning yet soft features. But that doesn't explain why he can't look straight at other people. 

I wrote my name in extra small letters just to annoy the old guy. So that he'd have a hard time reading my name and look for other people to call once classes started getting serious. Passed it on to the next person. 

Mr.Math was as boring as he looked. Nothing other than that happened. No introductions at least.

We had other teachers come in, but I didn't care too much about them. Nothing special happened other than the standard meet and greet. The usual this-is-what-i-will-blabber-about-in-the-next-months-speech.

We still had an hour and thirty minutes before we officially ended our classes. 
Then I heard the familiar clacking of heels.

Everyone roll out the red carpet! Her royal highness is coming.

I could feel our room becoming colder. All the noise and brouhaha became nonexistent.  All the happiness inside the room was drained...
Maybe I was wrong, a Deatheater was approaching.

"So how was everyone's first day?" Was her opening spiel.

"Does she even care? Or is that some sort of rhetorical question?"
No one even answered. Its better to keep quite and let the storm pass.
I thought, "Everything was fine until you came in" 

She continued. 

"Since I still have other more important things to attend to, I'll leave you here. I will come back later and assign the cleaners. Do not talk too much, If ever I hear any report from the class monitor that any of you are being noisy more than necessary. You will have the privilege of cleaning the room everyday."

She left. Everything returned to normal inside, everyone was back to talking.


I always thought that boys weren't that talkative. I for one didn't talk much. Not that I have nothing interesting to stay, just that they won't understand once I start talking. More like discussing, well to be even more precise I make one sided conversations. Everything I say is important so they better listen.

I still kept ignoring the "guy" beside me. 

So I focused my attention elsewhere at the side characters. I took a look at my classmates one by one. 

I was trying to group all of them into all sorts of categories. 

I tried to identify the smart types first, usually my source of assignments and high scores. I could only see two definitely smart looking guys. What a short supply. Maybe its better if I work harder this time, or sit closer to them. The second option seemed more possible.

Next, attractiveness. The top of my list was the guy beside me. There were twelve more that had above average looks. Most of them foreign looking. Didn't care too much about them or the guy next to me.

Then there was the bully looking brute type. Only one. He looked rather ugly not really damn ugly but he looked unpleasant. Fits his character just right. Scruffy looking hair, rugged looking uniform, faded pants. Lips that looked a bit discolored. Smoker. The average looking fat guy. Someone who grew laterally. 

I just felt how lively this class was, there were a lot of jokers mixed in the group. You could tell they were having fun, people gathered around to hear them talk. There were people running around inside the room. There were guys playing nonchalantly on their gameboys and what not. This is crazy. First day of class and everything is this chaotic. Not that I didn't expect it to be like this especially if its an all boys school.

It seemed like the people who remained still in the room was only me, plus the other guy beside me who was sleeping. 

I didn't notice someone approach me from the side....

To be continued...

Saturday, September 24, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 13)

            Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.

            Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)

            Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
             PEBA ENTRY - PANTALAN
             http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html


            Pangalawa, ILIKE ang PAGE:
             PEBA FB PAGE
             http://www.facebook.com/PEBAWARDS

             Pangatlo, paki LIKE and COMMENT sa PIC:
             PEBA PIC ENTRY
             http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=1&theater

             Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)







             Hi po sa lahat.. :) Ahm, maaga ko natapos ang chapter na to kasi medyo nakaluwag sa time. Muli, ay nagpapasalamat po ako sa lahat lahat ng taong sumusupport sa kwentong ito.. Hindi nyo po alam kung gaano kasarap sa pakiramdam naming mga wrtiter na nababasa ang mga comments ninyo.. Sana po ay patuloy nyo po kaming suportahan :)

            Thank you pong muli kaila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! :) , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! ), 07, JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, nick.aclinen, Jhay L, dada, Cyrus Perez, Mars, Zekie!! , wastedpup, wisdom, jex, -SLUSHE_LOVE-, pisceskid06, Ernes aka Jun, ZILJIAN, Dave17, Ako si 3rd, pink 5ive, ram, alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din.. at lalo na po kay “JEH”, sa bago kong kumapre na si “yos” (pare ko!! Apir!!!!), “Jayfinpa”, “Brent Lex” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. At sa mga Anonymous at silent readers ng story thanks po talga sa inyo.. Maraming maraming salamat po talaga.

            Gusto ko din po magpasalamat sa aking “bembem” na walang sawang sumusuporta at nagbibigay pagmamahal sa akin. Salamat sa lahat ng tiwala na binigay mo sa akin. Alam ko andyan ka for me plagi.. And for that, I;m very very thankful. :) Love lots!! :)

            For thos na gusto mag add sa fb, most especially kay emray08, dizzy18ocho@yahoo.com. yan po :) pero may konti lang po sana akong favor.. upon request po, sana mag leave po kayo ng message kung sino kayo para malaman ko po. di po kasi ako basta nag aadd pag di ko po kakilala or di nagpapakilala.. THANKS PO!!

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!!!!!!

            ENJOY!!!!!!!






            “TAYO??!! What do you mean tayo…..?”, gulat at curious nyang tanong.

            Hindi ko alam ang sasabihin. Parang bigla akong na mental block, walang akong masabing rason bat nga ba yun ang sinabi ko. Parang ang awkward ata ng sinabi ko. Patay! Namula akong bigla.

            Bigla kong naaalala ang sinabi sakin ni Jenny sa taxi ng pupuntahan namin si Philip nung nagwala ito sa isang bar. “Masyado kayong duwag aminin mga nararamdaman nyo. At ano ang ending?! Edi kayo kayo ang nagkakasakitan imbis na get over your stupidty and just do what you have to do!” –parang unti unti ko na atang naiintindihan ang sinabi ni Jenny na yun. Pero sadyang palpak talaga ako.

            “Ah.. ah, ah eh.. Tayo! Ma-masaya tayyyoo! Ayun! Kasi masaya tayo at okay na ang mga problema natin.”, nakangiwi kong sinabi.

            SHIT! SHIT! SHIT! Ano bang pinagsasabi ko?! Di naman talaga yun ang gusto ko sabihin. Kakainis. Tanga mo talaga Jerry!! BWISIT!! Medyo nadismaya ako sa sarili at sa reaksyon ng mukha nya ay parang ganun din. DAMN! PALPAK!!

            “Ahh.. Oo nga.. Happy tayo.. yehey.”, medyo sarkastikong sagot ni Art.

            Nang matapos kaming kumain ay nagdesisyon na kaming umuwi. Akala ko magiging okay na si Art dahil sabi nya dahil lang sa gutom kaya medyo matamlay sya. Pero ang dami na nga naming nakain pero parang may bumabagabag pa rin sakanya. Di ko man alam, pero ramdam na ramdam ko. Medyo di ko tuloy maiwasang hindi kabahan lalo.

            Nakarating na kami sa bahay at agad dumirecho sa kwarto. Nauna akong naligo at pagkatapos ay sya naman. Hindi pa gaano kalalim ang gabi at kahit pa medyo pagod ay hindi pa din kami inaantok kaya naisipan ko magsalang ng dvd.

            Habang nanonood ay di ko maiwasang hindi mapatitig at sulyap sulyapan si Art habang nanonood. Hindi pa din kasi nawawala ang ichura nito na parang may malalim na iniisip. Nababahala na talaga ako ng sobra! As in di na ko mapakali! Maya maya pa ay napansin ko na namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. At syempre ano gusto nyong isipin ko at maramdaman ko?! Aba syempre, edi nataranta ako!!

            “Huy bes, ano ba kasi problema? Sabihin mo na kasi sakin.. Wag mo sabihin saking wala dahil di ka naman iiyak ng walang dahilan.. unless nababaliw ka nalang!, pilit kong biro pero halatang may pagaalala sa boses ko. Mali, talagang nagaalala ako. Hindi ko lang alam kung ano ba kasing gagawing approach. At ayun, mula sa pagkakatutok sa tv ay tumingin ito sakin.

            “J-Jerry.. pwede ko bang hawakan ang kamay mo?”, naluluha nyang sinabi.

            Hindi na ako sumagot pa o kahit tumungo man lang. Agad kong kinuha ang kamay nya at nilusot ang bawat daliri ko sa pagitan ng kanya. Humigpit bigla ang pagkakahawak nya. Hindi naman ako pumalag. Kinakabahan na talaga ako.

            “Jerry, bes, masayang masaya ako ngayon. Akala ko kasi di na babalik ang dating ikaw. All this time, naguiguilty ako dahil alam kong isa ko sa rason ng biglaang pagbabago mo nung nakaraan linggo. Kaya pilit kitang inintindi. Kahit pa nasasaktan na ko dahil alam ko lahat ng excuses na binibigay mo sakin ay pawang kasinungalingan lang. Pilit ko inintindi dahil ganun din ang ginawa mo para sakin nung panahong ako ang may kailangan ng pang unawa. Jerry, namis ko lahat ng ito. Namis kita at akala ko’y mamimiss ko pa rin lahat ng ito.”

            Habang pinapakinggang sya at tinitingnan sya sa kanyang pagiyak ay naguilty naman ako. Naalala ko lahat ng pangaral ni Kuya George at tama lahat ng sinabi nya. I’m starting to become like Philip was. Nakikita ko kay Art ang sitwasyon ko dati nung ako naman ang nasasaktan. Alam ko ang pakiramdam na un, kaya nalungkot ako ng lubusan. Magkahalong awa, lungkot at pagsisi ang nararamdaman ko noon kaya niyakap ko sya. Mahigpit na mahigpit. Yung tipong akala mo huling yakap na namin. Ang yakap na parang walang bukas.

            Yumakap na rin sya sa akin, di tulad ng yakap ko ng mahigpit ay sakanya ay sakto lang. Umiiyak sya sa balikat ko at ako namay sakanya. Punong puno ng emosyon ang yakapang yun. Pambihira, nakakatawang isipin dahil tama si Jenny, Gawain nga ba ng lalake ang magyakapan at mag iyakan. Pero wala na akong paki alam. Mahalaga sakin si Art. Kaya ayaw ko na rin sya saktan.

            “Bes, mamimiss kita…..”, hikbi hikbi nyang sinabi. Mas lalo tuloy akong napayakap.

            “Sorry talaga Art. Promise, babawi ako..”, umiiyak ko ring tugon.

            “Bes, mamimiss talaga kita..”, hikbi hikbi pa rin nyang sinabi.

            “Wag ka na magalala. Simula ngayon, di mo na ko mamimis. Balik na tayo sa dati. Yung masaya.”, naiiyak ko paring tugon sakanya.

            “Bes, totoo, mamimiss talaga kita………”, nahihirapan nyang sinabi malamang dahil sa pagkakaiyak. Kaya mas hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap. Sobrang nagsisisi na talaga ako. Di ko alam na ganyan nap ala katindi ang nararamdaman nya.

            “Bes, ano ka ba, di mo na nga ko sabi mamimis kasi andito na ako ulit oh!! Tama na please.. Huhuhuhuhu…”, sinabi ko sakanya habang mas hinigpitan ang yakap at iyak pa rin ng iyak.

            “Bes, mamimiss talaga kita… Try mo kaya wag ako yakapin ng sobrang higpit. Di na ko makahinga ee.. Papatayin mo ba ko?”, pilit nyang sinabi. Kaya pala niya ko mamimis, di na pla sya makahinga at baka mategi sya.

            “Alam mo ikaw! Nakukuha mo pang magbiro!!”, iyak tawa kong sinabi habang nagpupunas ng luha. Pagtapos nya din mag ayos ng mukha ay nakita ko ang agarang pagliwanang ng mukha nya. Wala na ang kaninang malungkot na ekspresyon ng kanyang mukha.

            “Palitan mo nga yang dvd na yan! Walang kalatoy latoy tong pinapanood natin! Magsalang ka na uli ng horror!”, ngiti nyang sinabi. Binatawan nya na ang kamay ko para mapalitan ko ang dvd ngunit hindi ako bumitaw. Ngumiti ako sakanya at hinila ko sya at sabay naming pinalitan ang dvd. Ewan ko, pero ayoko bitawan ang kamay nya. May nagsasabi sa utak ko na wag kong pakakawalan ang kamay na yun. Kaya hinawakan ko lang yun. Sa kahabaan ng pelikula ay magkahawak kamay pa rin kami. Horror ang pinapanood namin pero kinikilig ako for some reason. Weird nga ee.. Sino ba naman kasi ang kikiligin pag horror ang pinapanood.

            Nang matapos ang pelikula ay niyaya ko na syang matulog, gusto ko kasi, lumabas kami ulit bukas. Kaya niyaya ko na syang humiga sa aking kama. Nakatagilid kaming parehas at nakaharap sa isat isa habang magkahawak pa rin ang kamay. Ang tanging ilaw ay ang ilaw ng poste sa labas na medyo malayo sa amin kay medyo madilim. Pero enough lang para maaninag ang mukha ng isa’t isa. Matagal na titigan. Hindi din ako makatulog at alam kong ganun din sya. Parang ayaw ko na matulog at titigan nalang sya. Gusto ko lang sya pagmasdan ng buong gabi. For whatever reason? Wala akong paki!

            Maya maya ay hinawakan ng kamay nya ang aking mukha. Noo, kilay, mata, pisngi, patilya, bagang, lips, baba at pabalik balik. Dahan dahan at banayad ang pagkakahaplos nya. Hindi ako gumalaw. Hinayaan ko lang sya sa ginagawa nya hanggang sa nagsalita sya.

            “Jerry……”

            “Hhhmmmm?”

            “Pwede ba kitang halika…. hmmppp”

            Hindi pa nya tinatapos ang sinabi ay hinalikan ko na sya. Hindi ko alam pero yung ang sinabi ng utak ko. Yun ang nararamdaman ko na gusto kong gawin. Kahit pa medyo naguguluhan din ako kung bakit ko nga ba ginawa yun ay hindi ko na inisip pa. FOR THE FIRST TIME!!! Ako naman ang nangnakaw ng halik. Nang maramdaman nya ang labi ko ay gumanti ito agad ng halik. Maalab yun, mapusok at punong puno ng damdamin. Banayad, swabe, saktong sakto. Mainit, masarap. Yan ang nararamdaman ko sa pagkakatagpo ng aming mga labi. Matagal ang halikan na yun. Ramdam ko ang bawat pag galaw ng labi nya. Ang sarap sa pakiramdam. Maya maya ay pumatong ito sakin para mas makapaghalikan kami ng maayos.

            Gumapang ang isang kamay nya sa aking tagiliran habang ang isa ay nasa aking mukha. Hindi rin ako nagpatalo. Kung saan saan na humawak ang aking kamay, sa likod nya, sa batok, sa buhok, sa pwetan, sa legs, at kung san pa ang abutin ang aking kamay. Tila ay uhaw na uhaw kami sa isat isa. Nakakaramdam ako ng matinding init at sensasyon sa aming ginagawa. Hindi na ako nakapagpigil ng pag ungol ng bigla nya akong hinalikan sa leeg, at sa likod ng tenga. Unang karanasan ko na mahalikan sa mga parteng yun ng isang kapwa lalake. Napakasarap, ang galing nyang humalik. Nararamdan ko na nagwawala na ang aking alaga at gustong gusto ng kumawala. Ganun din ang sakanya. Ramdam ko ang kanyang naninigas na alaga dahil idinidiin nya ito sa akin. Na mas lalo ko pang kinaungol. Halos masiraan ako ng bait sa ginagawa nyang yun. Shit! Ang sarap.

            Biglang bumaba sa pagkakahalik sakin at sinumula akong hubaran ng tshirt ni Art, pero iba ang naging reaksyon ko. Takot. Hindi ko pa ata kaya gawin yun. Hindi ko pa kayang makipagtalik sa kapwa ko lalake. At teka, bat nga ba ko napapayag in the first place? Naguluhan ako bigla at agad agad nawala ang init na naramdaman ko. Bigla ko syang naitulak ng konti na medyo kinagulat nya.

            “Art, sorry. Di ko ata kaya.”, Sinabi ko sakanya habang napaupo ako.

            “Naiintindihan ko….”

            Bigla kami parang nagkahiyaan dalawa. Hindi ko nanaman alam kung pano mag rereact. Hindi alam ang sasabihin. Pero ayaw ko din madisappoint si Art, kaya lumapit ako sakanya at hinalikan sya sa labi.

            “For now, gusto ko ito na lang muna. May mga bagay na hindi pa rin malinaw sakin. Sana maintindihan mo.”, sinabi ko ng kumalas ako sa pagkakahalik. Hindi nagsalita si Art pero tumugon ito sa pamamagitan ng paghalik din sakin. Ihiniga nya ulit ako at hinalikan. Naramdaman ko nanaman ang banayad nyang halik. Pero mas malumanay, punong puno ng passion. Hanggang maya maya ay nalasahan ko, medyo maalat. Luha! Alam kong luha yun. Malamang yun na lang ang way nya sa pagsorry at pagsang ayon sakin. Ako man ay napaluha na rin. Naghahalikan habang umiiyak.

            Humiga na uli si Art sa tabi ko at kinuha ang ulo ko at inunan sa kanyang braso at niyakap ako ng mapakahigpit. Gumanti ako ng yakap. Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam ng pagkakayakap. Malungkot na masaya ang aura ng kwarto. Halo halong emosyon. Pero sa isip ko, gusto ko lang sya yakapin ng mahigpit na mahigpit. Sabi ng utak ko, yakapin lang sya. At di ko din naman binigo ang sinabi ng utak ko, niyakap ko lang sya buong magdamag, Ang yakap na tila huling yakap na sa higpit.
           
Pinagsaluhan namin ang gabi ng buong damdamin. Hanggang sa nakatulog na lang ako. Alam kong may ngiti ako sa labi ng nakatulog dahil ang sarap ng pagkakayakap sakin ni Art.

            Nang magising ako ay may sikat na ng araw. Di ko alam kung anong oras na pero sigurado akong hindi pa ganun ka late. Agad akong bumangon at nagpunta sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Ngunit sa gitna ng aking pagsisipilyo ko ay naalala ko ang nangyari kagabi samin ni Art. Ang mga halik nya…. Teka! Asan nga ba si Art?!

            Agad kong binilisan ang pagsisipilyo at agad lumabas ng banyo.

            “Art? Art? Art!!!!”, palit ulit kong sinigaw sa loob ng bahay, Pinuntahan ko ang bawat kwarto, sa sala, sa banyo, sa kusina. Ngunit wala. Wala si Art!! Shit!! ART! Asan ka ba?! Where the hell are you?!

            Agad akong bumalik sa kwarto at hinanap ang cellphone ko para tawagan si Art. Pero nang tingnan ko ang cellphone ko ay may txt ako galing kay Jenny.

            “Job well done! Dito lang ako. Call me.”

            Hindi ko magets ang ibig sabihin ng txt ni Jenny na yun kaya dinedma ko nalang muna. Agad kong tinawagan ang cellphone ni Art, pero shit, out of coverage area daw. Paulit ulit kong tinawagan pero wala tlga. Hanggang nakita ko ang cellphone ni Art na nasa tabi ng unan ko. Naka off. Naguguluhan ako dahil asan nga ba si Art? Nagiisip ako kung bakit nga ba umalis si Art ng di man lang nagpapaalam. Or baka naman paranoid lang ako at baka naman may binili lang sa tindahan kaya humiga nlng muna ako sa kama. Bigla namang nabaling ang tingin ko sa lamesa sa kwarto at may napansin na may dalawang papel dun na maayos na nakatupi. Agad akong tumayo at kinuha ang papel at binulatlat ito

            Ito ang nilalaman ng sulat.



            Bes,

                        Good Morning!! Hahahaha! Imagining mo nalang kung pano ko sinasabi yan sayo araw araw. :) Pasensya ka na ha hindi na kita ginising. Sarap mo kasi.. I mean ang sarap ng pagtulog mo ee.. Hehehehe.

            Masaya ako kahapon. Sobra. Lalo na nung surpresahin mo ko sa bahay. Paggising na pagising ko at pagkababa ko ay agad kong naamoy ang paboritong adobo mo. Kaya naman nagtataka ko ng sinabi ni mommy na sya daw nagluto. E sa amoy pa lang, alam ko ikaw na! Hahahaha! Nadisappoint nga ako nung sinabi ni mommy na sya daw ang nagluto pero agad din nawala ng bigla kang lumitaw galing sa cr! Hahahaha! Sa dami ba naman ng pagtataguan mo, sa cr pa talaga ha. Hahahaha! Sobrang saya ko sa date natin kahapon. Yung bestfriend date na sinasabi mo. Pasensya ka na pala at medyo malungkot ako kahapon.

 Pero ngayon, masayang masaya na ako. Masaya kasi nagbalik ka na sa dati. Hindi na magiging mahirap pa para sakin ang mga susunod na araw dahil alam kong okay na tayo. Thank you sa lahat! Mamimiss kita…. :’(

                                                                                                                        -Art





            Pagkatapos basahin ang unang sulat ay medyo naguluhan ako sa dulong part. Ano ibig sabihin nya sa mamimiss nya ko? Kaya binasa ko pa ang isang sulat. Nakalagay ang date nito nung isang araw. Meaning, ang araw bago ako nagpunta ako kaila Art. Ang gabi na nakapagusap kami ni Kuya George, at ang araw na nagtxt sakin si Jenny. Kinabahan ako ng matindi. Hindi ako mapakali. Agad kong binasa ang isa pang sulat.



            Jerry,


                        Kamusta na? Sana ay okay ka lage. Sa totoo lang, di ko alam pano sisimulan lahat sabihin sayo. Una sa lahat, alam mo sobrang naguiguilty ako dahil kung di dahil sa akin, edi sana hindi ka nagkakaganyan. Hindi ka magbabago. Hindi masisira ang pagkakaibigan nyo ni Philip. Ang pagkakaibigan natin. Pero ayan, nasira na. Kung sana mas naging matapang lang ako at di ka niyakap nung gabing yun, edi sana, ok lahat. Kung maibabalik ko lang, itatama ko ang mali para sayo. Nahihirapan kasi akong nakikita kang nagkakaganyan. Mas masakit sakin lahat Jerry….

            Pangalawa, dalawang araw mula ngayon, ay aalis ako pabalik ng America kasama sila Kuya at Mama. Napagdesisyunan naming ito dahil nahihirapan na rin ako sa kalagayan natin.  Alam ko medyo confused ka. Pero ako, hindi. Balak ko sana sabihin sayo to ng personal kaso di naman kita mahagilap. Ibibigay ko sana ito ngayon kaso sabi mo may pupuntahan ka at di mo kayang makipagkita sakin. Gusto ko sana sabihin sayo na aalis na ko. Kaso hindi ko alam kung pano dahil hindi rin naman kita maabutan sa inyo at di ka rin nagrereply sa mga text ko. Hindi kita sinisisi, pero nanghihinayang ako dahil baka hindi pa kita makasama bago ako umalis. :(

            Panghuli……. Jerry, ngayon ko aaminin sayo ang lahat lahat. Hindi ko nrin kasi kaya pang itago ang nararamdaman ko, Ive been hiding this for far too long.. Jerry.. mahal kita…. Mahal na mahal.. nung una pa lang ay minahal na kita. Simula nung unang magkalapit tayo, ang paghihiwalay nyo ni Grace. Sobrang apektado ako ng hindi ka pumapasok sa school. Nung una ay confused pa din ako dahil dati, alam ko din sa sarili ko na lalake ako. Pero di ko din lam bakit. Basta nagising na lang ako isang araw at naamin ko sa sarili na mahal nga kita. Pasensya ka na ha. Pero yun kasi ang totoo. May aaminin din ako sayo… Natatandaan mo ba nung pinapunta mo ko sa inyo at tinanong ako kung bakit ka nilalayuan pag lumalapit ka kay Philip? Diba sabi ko, may kundisyon ako? Ang totoo, natatandaan ko ang lahat lahat. Ang totoong nangyari.. Ang pagkakahalik ko sayo. Lahat yun, natatandaan ko. Kaso pagkahalik ko sayo ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin sayo dahil sa takot at kahihiyan na pwede idulot nun. At worst, baka layuan mo ko kaya nagkunwari ako na biglang natulog. At isa pa Jerry,nagseselos ako kay Philip. Alam ko kasi, kahit di man nya aminin, ay alam kong mahal ka din nya tulad ng pagmamahal ko sayo. Kaya nga ba pilit kong kinukuha ang atensyon mo sakanya. Pasensya ka na talaga, pero minamahal lang kita. Sana ngayon sa pag alis ko ay wag mo kong kakalimutan. Babalik ako Jerry, kailangan ko lang buoin ang sarili ko. Pero sana tandaan mo, na mahal na mahal na mahal kita…… I love you..

            I hope youre not crying right now. Wala ako dyan para punasan ang mga luha mo. Though I hope you are kasi it would mean na malungkot ka sa pag alis ko. That thought is enough for me para malaman na spesyal din ako sayo.

            I love you Jerry and I’m sorry……


                                                                                                                        “Art”

P.S

Sana mas nauna mo binasa ang isa kong sulat bago ito. Pasensya ka na kung di ko pa rin sinabi sayo ng personal na aalis ako. Hindi ko kasi kayang sirain ang mga ngiting nakita ko sayo. Pero tulad ng sabi ko sayo ng paulit ulit kagabi. Mamimis kita… Sobra sobra Jerry.. mahal na mahal kita……





            Habang binabasa ko ang kanyang sulat ay tuloy tuloy ang agos ng luha ko. Ang sama sama ng loob ko. Ito na ata so far ang pinakamasakit. Balak kong surpresahin si Art pero tila ako ang nasurpresa. Napakasakit talaga. Gusto kong magwala pero ni hindi ako makatayo.

            Walang ibang nasa isip ko kundi ang lahat ng masasaya at magagandang alala ala naming ni Art ang tumatakbo sa aking imahinasyon. Simula nung magkakilala kami, ang pagbati nya sa akin sa umaga ng masigasig at anergetic na “Good Morning”, ang pangungulit nya pagkaupo ko palang, ang mga jokes nya na di pumapalyang magpatawa kahit pa kanino, ang pagkasweet nya sakin, ang mga yakap at lambing nya, ang unang halik, ang pagintindi at di nya pang iwan sakin, ang date namin, at ang nangyari samin kagabi.. Lahat. Paikot ikot at paulit ulit na bumabalik sa aking alaala.. Masarap isipin, pero masakit sa pakiramdam na ngayon wala na ang lahat ng ito.

 Pero teka! Baka hindi pa nakakaalis si Art sakanila! Baka may chance pa akong makita sya bago man lang sya umalis! Kaya dali dali kong inipon ang lakas at tumayo at nagtatakbo palabas ng bahay at sumakay agad ng tricycle papunta kaila Art.

            “Art, kailangan mo ng malaman na…..”

Friday, September 23, 2011

DAglat Presents: TEE LA OK II part 5 (last)


Ikalimang Bahagi: /ee-ka-lee-mang/ - /ba-ha-gee/

Number 5

2PM sa usapan nila Gabby at Harold –

“May ano at pinapunta mo ako dito?” tanong ni Harold kay Gabby.

“Coz I really miss you. I am afraid that I will die if I wont see you today.” sagot ni Gabby.

“Tinotopak ka na naman!” sagot ni Harold. “Sabi ko sa’yo huwag masyadong titira ng goma kasi nakakasira ng ulo iyon.” biro pa nito.

“Hay!” napabuntong-hininga muna ang binata. “If it’s a joke better change it. Masyadong gasgas na and wala ng appeal.” sarkastikong tugon naman ni Gabby.

“Pamatay trip ka!” inis na tugon ni Harold. “Effort ang pagpunta ko dito tapos gaganyanin mo lang ako.” reklamo pa nito.

Walang kaabog-abog at –

“Is that enough payment for your effort coming here?” tanong ni Gabby kay Harold matapos ang isang mapagmahal na halik.

Napangiti lang si Harold bilang pagsagot sa tanong ni Gabby.

“Come on! Bilisan na natin.” aya pa ni Gabby kay Harold saka hinatak sa kamay ang binata.

“Saan naman tayo pupunta?” tanong ni Harold.

“In heaven!” sagot ni Gabby na may pilyong ngiti.

“Saan nga!” saka nagmatigas si Harold at huminto sa paglakad na wari bang naiinis kay Gabby.

“Don’t’ you trust me?” madiin at sarkastikong tanong ni Gabby kay Harold.

“Hindi naman sa ganuon…” tutol sana ni Harold.

“Then why are you acting like that?” tanong pa ni Gabby.

“Bakit? Kailan naging masama ang mag-inarte?” tanong ni Harold.

“Ngayon!” madiing sagot ni Gabby. “Because you’re consuming lots of our valuable time.” dugtong pa nito saka muling hinatak si Harold.

“Kung hindi lang kita mahal malamang naupakan na kita.” sagot naman ni Harold.

“Sorry na lang sa’yo kasi mahal mo ako.” sagot ni Gabby saka nginitian si Harold.

“Oo mahal kita kahit matindi ang topak mo sa ulo.” sagot ni Harold.

Pamilyar ang lugar na iyon para kay Harold. Ito ang lugar kung saan kung saan naganap ang ikalawang banggaan nila at sa unang pagkakaton ay naramdaman niya ang panliliit mula sa iba.

“Miss please shows us the best and latest men’s outfit.” may yabang na utos ni Gabby sa sales lady.

“Angas ng dating ah.” bulong ni Harold kay Gabby.

“Ganito lang siguro pag mayaman.” sagot ni Gabby.

“Mayabang na mayaman.” sagot ni Harold saka patiuna sa paglakad.

“Aba’t!” madiing tutol ni Gabby saka hinabol sa lakad si Harold.

“Ano bang ginagawa ulit natin dito?” tanong ni Harold.

“You’re not slow right?” sarkastikong tanong ni Gabby. “Can’t you recognize the logic why we’re here?” sunod nitong tanong.

“Tsk!” napapalatak naman si Harold.

“Very obvious that we will buy you new clothes.” sagot ni Gabby. “Huwag ka ngang tanga!” singit pa nito.

“Sinong tanga?” kontra ni Harold.

“Ikaw!” sagot ni Gabby.

“Ayan!” sambit ni Harold saka sinipa sa tuhod si Gabby.

“Arayy!” napasigaw si Gabby sa sakit. “You’re so barbaric!” dugtong pa nito.

“Sinong barbaric?” tanong ni Harold. “Gusto mo pantayin natin ang sakit?” tanong pa nito.

“Wala akong sinabi.” pagbawi ni Gabby. “Sobrang makapanakit!” bulong pa nito sa hangin.

“May sinasabi ka?” tanong ni Harold.

“Wala!” tanggi ni Gabby.

Maya-maya pa at –

“Harold please fit this one.” suhestiyon ni Gabby kay Harold saka abot ng damit.

“Bakit?” nagtatanong na sagot ni Harold.

“We’re going to a party this evening and as my boyfriend, you’re my date.” diretsong turan ni Gabby na walang pakialam sa mga nakaplaigid sa kanila.

“Ingay mo.” nahiyang wika ni Harold na sa totoo lang ay nakaramdam ng kakaibang kiliti at tuwa dahil sa nakikita niyang ipinagmamalaki siya ni Gabby.

“Can you make it any faster?” tanong ni Gabby.

“Alam mo namang may allergy ako sa mamahaling damit di ba?” kontra ni Harold.

“Hay!” napabuntong-hiningang turan ni Gabby. “Your silly principles again.” sabi pa nito.

“Tama!” sagot ni Harold. “Principles of truly dignified and noble men!” paglilinaw pa nito.

“Anyhows, isukat mo na iyan.” pamimilit ni Gabby.

“Alam mo naman di ba na hindi kaya ng konsensya kong magsuot ng damit na 10K para lang sa pamporma ko.” malambing na tugon ni Harold.

“Rold, listen to me!” wika ni Gabby. “This does not mean na gawin mong responsibility ang pagsusuot nitong mga ganitong damit. What I intent to, ipakita mo sa lahat ng nangmamaliit sa’yo na you can be better than them and you are indeed better than them. Show them na sa presyo lang ng damit sila nakakataas sa’yo, pero pag ikaw ang binihisan ng mamahalin, magmumukha silang lahat ng trapo na pamunas. Give them slaps on their faces by being the person they never thought you can be.” paliwanag pa ni Gabby.

“Pero Gabby!” malamlam na pagtutol ni Harold.

“Do it for me!” pamimilit pa ni Gabby saka hinawakan sa kamay si Harold at itinapat iyon sa dibdib niya. Tinitigan sa mata at buong pagsusumamong nakikiusap sa binata.

“Okay!” tanging nasabi ni Harold saka nag-iwan ng isang matipid na ngiti.

Matapos makapamili ng damit at makapagpagupit ay handa na si Harold para maging date ni Gabby sa sinasabing party na iyon ni Gabby.

Sa party –

“Gabby!” gulat na bati ng mama ni Gabby sa kanya. “Why did you bring that boy here? He’s not invited.” tanong pa nito.

“He’s my guest so please respect him.” pakiusap ni Gabby sa ina.

“He’s not welcome and will never be welcomed.” madiing at pigil na sabi ng ginang. “Kahit na pagbihisin mo ng ginto iyang lalaki na iyan, mukha pa din siyang pulubing namamalimos at basura ng mundo.” dugtong pa nito.

“Stop it ma!” matigas na pakiusap ni Gabby.

“But son.” kontra naman ng ginang.

“Let’s go Harold!” aya ni Gabby saka inakbayan ang binata.

Sa kalagitnaan ng party –

“Nahihiya na ako Gabby!” bulong ni Harold kay Gabby.

“Why?” nagtatakang tanong ni Gabby.

“Feeling ko kanina pa ako tinitingnan ng mga tao dito. Parang hindi ako welcome or what na kinikilatis nila ako.” sagot ni Harold.

“Very natural, be glad that we’re the center of this party. First, you are with me. You know so much how popular I am in the business world. Grandson of Philippine’s richest man, handsome bachelor and most of all, having an IQ of 150.” tugon ni Gabby.

“Yabang mo talaga!” asar na wika ni Harold. “Akala mo ba ikaw lang ang may IQ ng above average? 135 kaya IQ ko.” sagot pa nito.

“I’m not finish.” tutol ni Gabby. “Look around, you’re the second handsome and cute here next to mine.” dugtong pa nito.

“Yabang mo talaga kahit kailan.” sabi pa ni Harold. “Lakas ng topak mo.” komento pa nito.

Biglang hinatak ni Gabby si Harold –

“Anung ginagawa natin dito?” nakaramdam ng kabang tanong ni Harold.

“Di ba sabi mo may topak ako?” tanong ni Gabby saka humarap sa mga tao –

“May I have your attention please!” sigaw ni Gabby. “Please bring your wines.” utos pa nito saka lumuhod sa harap ni Harold.

Agad na pumalibot ang press people sa gitna at pinaikutan ang dalawa habang kumukuha ng larawan. Walang pakialam si Gabby sa mga ito dahil mas mahalaga sa kanya ang gagawin –

“Harold! Please accept me as your lifetime partner.” pakiusap ni Gabby nang buong sinseridad.

“What are you doing?” tanong ni Harold.

“Hay!” muling napabuntong-hininga si Gabby. “Panira ka ng moment! Huwag kang tanga please!” madiin ngunit mahinang sagot ni Gabby.

Batid ni Gabby na may mga kumukuha sa kanila ng larawan at ang gagawin niya ay kakalat na sa buong bansa ngunit wala siyang pakialam sa mga ito. Mas may halaga sa kanya ang ipagmalaki sa mundo na may nag-iisang Harold na sa buhya niya. Naniniwala siyang hindi mahalaga ang sekswalidad para magampanan niya ang trabaho bilang isang businessman. Hindi din siya natatakot na baka mawalan sila ng investors dahil panatag siya at tiwala sa mga napatunayan na sa industriya. Napahanga niya ang buong business world sa ginawang pagsasalba sa tatlong negosyo ng lolo niyang papalugi na at kung papaano niya ito na-triple sa loob lang ng dalawang taon.

Pakiramdam naman ni Harold ay napakainit nang buong kapaligiran. Naiilang siya sa mga matang nakatitig sa kanya. May kung ano sa puso niya ang nagtatanong kung handa nab a siya sa ganitong sitwasyon ngunit mas higit ang saya niyang sa waks ay ipapakilala siya ni Gabby sa buong mundo bilang taong mahal nito.

“My little and brightest star from the north,

My tender smooth road returing back forth,

My mightiest prince to save my downfall,

My loving missing piece to support my call.

I’m knocking on thy heart to shelter my sweetness,

I’m climbing on thy vein to rescue my selflessness,

I’m walking on thy tongue to utter only attractiveness,

I’m holding on thy hand to touch my being of humanness.

Harold! Listen to my word, my music and my sound!

Any moment I can be anyone and but I am only one,

To love you forever and seething the wind’s rope,

I will and will never be fired out of bliss to cope.” saad ni Gabby saka inilabas mula sa bulsa ang pares ng singsing.

“Harold! Listen to my heart!” nakangiting sambit pa ni Gabby.

Walang kamalay-malay si Harold na ang mga luha na pala niya ang sumasagot sa tanong ni Gabby. Luha ng kakaibang ligaya dahil sa unang pagkakataon at sa hindi inaasahang pagkakataon ay magaganap ang isang bagay na hindi niya inakalang mangyayari sa buhay niya -

“My heart responded and I know your heart knows the answer.” nakangiting tugon ni Harold.

“Harold!” sabi ni Gabby saka tumayo at niyakap si Harold.

Ang mga nakapalibot na press ay todo kuha ng larawan sa kanila.

“Cheers for them!” sigaw ng isang bisita.

“Cheers for Gabby’s courage!” sabi pa ng isa.

“Cheers for Gabby’s bravery!” sabi naman ng isa.

“Cheers for me and Harold!” sabi naman ni Gabby na natutuwa sa nakitang reaksyong ng karamihan.

“Cheers!” tugon ng mga ito.

Samantalang dahil sa ayaw masabihan ng mama ni Gabby na isang kontrabida ay nanggigigil itong nakatayo sa isang sulok habang minamasdan ang ginagawa ni Gabby. Sa sobrang panggigigil ay nabasag sa kamay nito ang hawak na kopita.

“Everybody can go now! The party is over!” pagpapahinto ng ginang sa kasiyahan ng umpukan.

“Ma?” tanong ni Gabby.

“Let’s talk Gabby!” madiing utos nito sa anak.

“I’m sorry madam!” paumanhin ni Harold na natatakot para kay Gabby at sa ginawa nitong kahangalan.

“Shut up trash boy!” sigaw ng mama ni Gabby.

“Harold let’s stay here!” anyaya naman ng isang bisita kay Harold.

“Ace, ikaw na muna ang bahala kay Harold.” habilin ni Gabby sa kaibigan.

“Sure Gabby!” sagot ni Ace saka inalalayan papasok sa loob para itago sa press si Harold. “Don’t’ worry Harold! Gabby knows what he’s doing.” pagpapakalma pa nito sa binata.

Ang usapan ng mag-ina –

“Are you really out of your mind?” simulang tanong ng ginang.

“Maybe.” tugon ni Gabby.

Isang malutong na sampal ang ginawad ng ginang sa anak.

“Do you feel good?” tanong ni Gabby.

At isa pang sampal ang muling dumapi sa pisngi niya.

Ngunit isang Gabby na nakangiti pa din ang pilit na pinapakita ng binata.

“Can’t you see ma, I’m happy, I feel satisfied, contented and very blessed.” nakangiting tugon ni Gabby.

“Wake up Gabby! Wake up from your fantasy!” sabi ng nanggigil ngunit may pigil na luhang ginang.

“Ma! Kung panaginip man lahat to, I won’t wake up! Basta, just to ensure my forever with Harold.” sabi ni Gabby.

“But Gabby! Sige, I know, gumawa ka ng isang napakalaking kahihiyahan na ilantad sa buong mundo ang pagiging bakla mo and with what you did, hindi mo na pwedeng bawiin pa kung anuman ang nagawa mo. But please, humanap ka naman ng isang matino at galing sa disenteng pamilya.” paliwanag ng ginang.

“You said it right ma! I declare how proud I am to be gay and how proud I am to be with Harold. There’s no reason at all para humanap ng iba. Can’t you see the logic ma?” balik na sagot ni Gabby.

“Damn!” wika ng ginang saka muling sinampal ang anak. “You’re not open-minded Gabby! Ikaw ang hindi makakuha ng logic! Humanap ka ng taong babagay sa’yo! Iyong ka-uri mo! Iyong katulad mo!” sabi at paliwanag nito na labis na naggigigil.

“Ikaw ma ang hindi open minded!” giit ni Gabby. “At first, only the gender classifies human!” simula ng paliwanag ni Gabby. “Walang social classes, stratifications and whatsoever mahirap and mayaman concept. Lalaki at babae lang ang uri sa lipunan. Logically, Harold and I we’re compatible as response with your statement humanap ako ng kauri ko.” wika ni Gabby.

“You’re getting to the limit Gabby!” sabi ng ginang. “Ang mga uri ni Harold ay mga uring hindi babagay sa’yo! Ang uri ni Harold na patapon at dapat inaalila lang ng uri mo!” kontra ng ginang.

“Ganyan ka na ba talaga ma mag-isip?” tanong ni Gabby. “Talaga bang ang mga mayayaman lang ang tinuturing ninyong tao? Samantalang ang iba, ang tingin ninyo ay mga hayop?” tanong pa nito. “I’m glad ma at habang mas maaga, I am able to know that even namumuhay man silang mga hayop, pero mas tao pa sila kung ihahalintulad sa inyo.” paratang ni Gabby.

Isang malutong na sampal ulit ang ginawad ng ginang sa binata.

“Humanda ka Gabby! Habang ipagpapatuloy mo itong kalokohan mo, you’re now not connected to the family.” banta ng ginang. “Hahayaan kitang humiga sa putik at kumain ng alikabok at darating ang araw na isusumpa mong kinalaban mo ako dahil sa Harold na iyan.” banta pa ng ginang.

“Ma!” kontra ni Gabby.

“Mamili ka! Ako, kasama ang mga luho mo at ang buong pamilya o si Harold?” tanong ng ginang.

“You should not take the whole family here! Kayo lang ang may ayaw sa ganitong set-up!” kontra ni Gabby.

“Mamili ka!” madiing giit ng ginang.

Samantalang si Harold naman –

“How do you feel?” tanong ng isang reporter.

“Gaano na kayo katagal ni Gabby?” tanong naman ng isa.

“Paano kayo nagkakilala?” tanong naman ng isa.

“Hey guys! Please layuan na ninyo si Harold.” sabi ni Ace habang hinahawi ang mga tao.

Sa loob –

“Are you okay?” tanong ni Ace kay Harold.

Isang matipid na ngiti lang ang sinagot ni Harold.

“Don’t worry about Gabby! Kaya na niya ang sarili niya.” nakangiting tugon ni Ace. “Bilib ako kay Gabby! He deserves a gun salute dahil sa ginawa niya. He’s brave to do such thing. I can say, seryoso nga si Gabby sa’yo.” kwento pa nito.

Nanatiling tahimik lang si Harold.

“Magsalita ka naman.” pamimilit ni Ace.

Wala pa ding imik si Harold. Pakiwari niya matapos ang isang masayang kaganapan sa buhay niya, ngayon naman ay isang malaking unos ang dapat niyang suungin. Hindi niya maunawaan kung bakit kumakabog ang dibdib niya.

“Alam mo, lalo kong hinangaan si Gabby. Sa totoo lang kasi, katulad din niya ako. I have someone here in my heart kaso natatakot akong ipagtapat sa kanya ang lahat. Masalimuot kasi ang kwento namin.” kwento naman ni Ace na tila ba pinipilit ibahin ang mood ni Harold.

Wari bang walang naririnig si Harold at pumatak na lang ang mga purong luha mula sa mata ng binata.

“Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Ace. “Sabi ko naman sa’yo ayos lang si Gabby.” paninigurado pa nito.

Biglang napatingin sa baba si Harold. “Iyong sapatos ko kasi, nawawala.” pagsisinungaling ng binata.

“Sapatos lang pala!” pilit na tawang sabi ni Ace. “Akala ko naman kung ano.” dugtong pa nito ngunit batid niyang hindi iyon ang totong dahilan ng luha ng binata.

“Kasi sa halaga ng sapatos na iyon kaya ko ng pakainin ang limang pamilyang nasa below poverty level ng isang lingo.” sagot ni Harold.

“Hay!” napabuntong-hininga si Ace. “Alam ko na kung saan napulot ni Gabby iyang mga ganyang hirit!” saad ni Ace saka tumayo. “Dito ka lang, ako nang hahanap.” pagboboluntaryo pa nito.

“Ako na lang.” sagot ni Harold saka tumayo at hinawakan si Ace.

“Sure ka ba?” tanong ni Ace.

“Kayo ko na’to. Wala na naman sigurong press sa labas.” sagot ni Harold saka lumabas.

Napadaan sa isang kwarto si Harold na medyo nakabukas ang pintuan. Naulinigan niyang may nag-uusap duon. Pamilyar sa kanya ang dalawang tinig na angtatalo. May kung ano sa kanya na nagtutulak para pakinggan ang usapan ng dalawa. Kinakabahan, nanginginig at nanghihina ang mga tuhod – lalo niyang nilapitan ang pintuan at binigyan ng konsentrasyon ang usapan.

“Humanda ka Gabby! Habang ipagpapatuloy mo itong kalokohan mo, you’re now not connected to the family.” banta ng ginang. “Hahayaan kitang humiga sa putik at kumain ng alikabok at darating ang araw na isusumpa mong kinalaban mo ako dahil sa Harold na iyan.” banta pa ng ginang.

“Ma!” kontra ni Gabby.

“Mamili ka! Ako, kasama ang mga luho mo at ang buong pamilya o si Harold?” tanong ng ginang.

“You should not take the whle family here! Kayo lang ang may ayaw sa ganitong set-up!” kontra ni Gabby.

“Mamili ka!” madiing giit ng ginang.

“Please don’t do this to me! Ayaw kong mamili! I don’t want to loose all the things I earned and I deserve!” kontra ni Gabby.

“Alam mo naman pala eh! So, you must choose now! Know your place!” giit ng ginang.

“Ma!” tutol ni Gabby na tila naghihina sa narinig.

“Mamili ka Gabby! Sa langit o sa impyerno!” madiin nitong utos.

Samantalang habang nasa labas si Harold ay dinig na dinig niya ang usapan. Lalong naging masagana ang luhang dumadaloy sa kanyang mga mata. Lalong naging mabilis ang pintig ng kanyanhg puso. Umaasa siya na siya ang pipiliin ni Gabby.

“Sa langit ma!” sagot ni Gabby.

Napangiti naman ang ginang sa sagot na iyon ng anak. Samantalang nadurog na tila pamintang pino ang puso ni Harold. Ayaw niya ang naging sagot ni Gabby. Isang mabilis! Mabilis na mabilis tumakbo si Gabby palayo na tila ba wala ng bukas. Mabigat na mabigat ang dala ng kanyang puso at sa wari ba’y nasasakal siya at nahihirapang huminga.

“Cinderella story is the greatest fantasy of Grimm’s and Disney’s! Nagba-brain-wash lang sila at nagbibigasy ng false hope sa mga tao!” bulong ni Harold sa sarili habang tumatakbo.

“Yeta! Ang tanga mo Harold!” sisi niya sa sarili saka huminto. “Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!” malakas niyang hiyaw sa kalagitnaang ng dilim.

Hinubad niya ang isang paa ng sapatos na nakasuot saka inihagis papunta sa lugar na pinaggalingan.

“Pag nagka-rebolusyon ipapauna ko kayong sunugin!” naiiyak na sabi ni Harold. “Wala akong ititira sa inyo mga mayayaman kayo!” nag-aalab sa kalungkutang wika ni Harold.

“Gabby! Sabi ko na nga ba, paasa ka lang din! Masyado akong naniwala sa’yo, akala ko talaga kaya mo akong ipaglaban.” saad ni Harold. “Gabby! Malaking isyu ba na mahirap ako at mayaman ka? Shit! Tanga! Oo Harold, malaking isyu nga iyon. Taragis! Sana nuon pa lang minulat ko na ang mata kong wishful thinking ang pangarapin ka. Dapat talaga hindi ako bumigay! Dapat talaga hindi ako nagpakaloko! Ang landi mo kasi Gabby! Sobra kang umakit. Ako naman si tanga, dahil akala ko kaya mo akong ipaglaban, ayon, nakipaglandian din sa’yo, at wala pang isang linggo iiyakan na pala kita. Shit! Two days lang pala akong magiging masaya dahil ang two decades na kasunod, iiyakan kita sa tuwing maaalala kong minahal kita. Yetang buhay yan!” pangiti-ngiti at pinipilit ni Harold na pasayahin ang sarili. Wala siyang panahong mag-emo o magmukmok.

Samantalang si Gabby –

“Very good son! Sabi ko na nga ba at hindi mo kayang ipagpalit ang lahat para sa hampas-lupang iyon.” sagot ng ginang.

“You’re wrong ma!” sagot ni Gabby. “Langit ang pipiliin ko hindi dahil sa luho at yaman pero dahil sa makakasama ko ang taong pinakakamahal ko.” saad pa nito.

“Gabby!” nabiglang sabi ng ginang. “Talagang itatakwil mo kami na pamilya mo para sa lalaking iyon.” saad pa nito.

“Hindi ko kayo itinatakwil ma! Kayo ang nagtatakwil sa akin.” sagot ni Gabby saka humakbang patalikod.

“Huwag mo akong hamunin Gabby!” sabi ng ginang ngunit patuloy lang si Gabby sa paglabas.

Nakasalubong naman ni Gabby si Ace pagkalabas nito –

“Nasaan na si Harold?” tanong ni Gabby dito.

“I thought kasama mo na siya. Kanina pa kasi siya nakalabas.” sagot ni Ace.

“Huh?” naguguluhang tanong ni Gabby.

“See, ayun lang pala iyong hinahanap niyang sapatos.” sagot ni Ace saka kinuha ang isang paa ng sapatos.

“Sige, hanapin ko na lang si Harold.” sagot ni Gabby saka lumakad na palayo kay Ace.

“Nasaan kaya iyong kumag na yun?” tanong ni Gabby sa sarili saka napabuntong-hininga.

“Harold is the star with unrevealed glam,

Like pearl hiding inside a mysterious clam,

Rough seawater in sunset until sunrise calm,

You swam my life and never go out in balm.” napapangiting wika ni Gabby sa sarili.

“Si Harold ba yun?” tanong ni Gabby sa sarili habang inaaninag ang lalaking nakaupo sa may dulo ng mga bulaklak.

Dahan-dahang lumakad si Gabby at napulot din niya ang isang paa ng sapatos ni Harold. “Lokong Harold talaga! Sabi siya ng sabing kayang magpakain ng mahihirap ang presyo ng sapatos na’to tapos itatapon lang niya.” napapalatak na wika ni Gabby habang lumalakad papunta sa direksyon ni Harold.

Samantalang si Harold –

“Makaalis na nga at baka palayasin pa ako ni Gabby dito. Ayokong umabot pa sa ganun.” wika ni Harold nang biglang may yumakap sa kanya.

“Bakit naman kita palalayasin?” tanong ni Gabby.

“Gabby!” muling umagos ang mga luha sa mata ng binata. hindi niya inaasahang muling malalasap ang yakap ng binata at malalanghap ang amoy nito.

“Ako nga mahal kong Harold!” sagot ni Gabby.

Isang mainit na yakap na sapat na para muling maramdaman ni Harold ang pagkapanatag at pakiramdam ng kaligtasan sa mga bisig na iyon.

“I love you.” wika ni Gabby.

Nakiliti si Harold sa sinabing iyon ni Gabby. Ang mainit nitong hininga na dumaan sa tenga niya habang inuusal ang salita ng pagmamahal.

“I love you?” tanong ni Harold.

“Oo Harold! I love you! I really love you.” sagot ni Gabby saka hinalik-halikan ang batok ni Harold.

“Hindi ka ba nagkakamali?” tanong ulit ni Harold na lalong naging ragasa ang mga luha.

“Bakit naman ako magkakamali?” tanong ni Gabby na lalong hinigpitan ang pagkakayakap.

“Mahal mo talaga ako?” tanong ni Harold.

“Oo naman! Mahal na mahal at ikaw ang buhay ko.” sagot pa nito.

“Gabby!” saad ni Harold na lalong nakaramdam ng sakit. Hinihintay na lang niyang sabihin ni Gabby sa kanya ang naging uspaan nilang mag-ina at kung papaano siya ipinagpalit nito sa kanyang luho.

“Harold! Simula ngayon, hindi na tayo magkakahiwalay.” sambit ni Gabby.

“Huh?!” naguguluhang tanong ni Harold.

“Ikaw ang langit ko Harold at ayokong mabuhay na hindi kita kasama.” dugtong pa ni Gabby.

Napalundag naman ang puso ni Harold sa tuwa. Hindi siya sigurado kung seryoso si Gabby pero alam niyang nagbubunyi ang buo niyang katauhan dahil sa narinig.

“Sigurado ka?” tanong ni Harold.

“Bakit ba kanina ka pa nagdududa? Kaduda-duda ba mga sinasabi ko?” tanong ni Gabby.

Mga hikbi lang ang sagot ni Harold.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ni Gabby saka iniharap sa kanya si Harold.

“Wala lang.” sagot ng binatang si Harold.

“Pwede bang wala lang?” tugon ni Gabby saka pinahid ang mga luhang nasa pisngi ng binata.

“Gabby!” saad ni Harold saka niyakap ang kasintahan. Alam na niya sa sarili kung sino ang pinili ni Gabby at isang katangahan ang maling pagkakaintindi niya sa sinabi nito.

“Hay! Madudumihan ang damit ko.” reklamo ni Gabby.

“Wala ka talagang sweetness sa katawan!” natatawang turan ni Harold.

“Harold!” nakangiting tugon ni Gabby saka niyakap din si Harold.

Pagkabitiw nila sa yakap na iyon ay pinaupo ni Gabby si Harold samantalang siya ay lumuhod sa harap nito. Pinulot ang sapatos na naiwan ni Harold at ang tinapon nito sa ka isinuot sa binata.

“Sa susunod iingatan mo na ang sapatos mo o kung anumang bagay na mayroon ka. Kasi malamang sa oo, marami ang wala ng mga ganyang bagay.” paalala ni Gabby.

“Opo!” sagot ni Harold.

“Siguro nga totoo si Cinderella at ako iyon. Iyon nga lang, si Cinderella, nabuhay na mayaman at tanggap ng buong kaharian, samantalang ako, itinakwil ng pamilya ang Prince Charming ko at mabubuhay kaming naghihirap. Hindi ako makapaniwalang kaya ni Gabby na ipagpalit ang lahat para makasama ako. Ito na yata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko sa loob ng limang taon.” wika ni Harold sa sarili.

“Salamat Gabby!” pasalamat ni Harold kay Gabby.

“Walang anuman! Para sa mahal ko gagawin ko ang lahat.” sagot nito.