Tuesday, April 5, 2011

Dreamer C20

Dreamer

Chapter 20

What Comes After the Next?

Biglang napalingon sila Ken sa labas ng marinig ang kung anumang bagay na kumalansing na iyon. Nakaramdam ng kaba si Ken at hindi niya mawari kung bakit ganuon na lang ang naging panginginig niya.

“Sino ‘yan?” tanong ni Ken.

“Sir Ken!” bati kay Ken ng isang PA. “Simula na po ng last batch ng mag-aaudition.” balita pa nito.

“Salamat!” pasasalamat ni Ken.

Si Ken ang pinakahuling mag-aaudition ng gabing iyon. Kahit na sabihing sikat na siya at isang independent film ang sasamahan niya ay isang malaking bagay pa din ito para sa kanya lalo’t higit ay akda ito ng pinakamamahal niyang si Bien. Isang bagay ang mapasama siya dito nang sa ganuoon ay maging malapit na ulit sa kanya ang binatang manunulat.

“Ken!” gulat na bati ni Jason. “We are so proud na ang isang big star na kagaya mo ay naririto at mag-aaudition.” nakangiting saad pa nito.

“Nasaan si Emil?” simulang tanong ni Ken sa mga nanduon.

“Si Emil ba?” tila paninigurado pa ni Jason. “Nagtext, may emergency lang daw.” saad pa nito.

Nakaramdam ng kalungkutan si Ken sa balitang iyon ni Jason. Inaasahan niya ay muling makikita si Emil at pinaghandaan niya talaga ang audition na iyon, kaya naman kahit nasa kwarto ay todo ensayo siya sa mga linya at sa gagawin niyang monologue.

“Napulot ko nga po itong i.d. niya sa tapat ng pinto niyo.” pagbabalita naman ng P.A. na tumawag sa kanya. “Nagmamadali pa nga pong tumatakbo ng makita ko.” habol pa nito.

Nawala sa tamang ulirat ang isip ni Ken dahil sa sinabing iyon ng PA. Naramdaman niyang siya ang dahilan kung bakit hindi ito nakarating sa auditon at alam na alam niyang nakita nito ang ginawa niyang pag-eensayo kanina at ang ingay na pumutol sa practice nila ay gawa ng taong pinakamamahal.

“Sandali lang pala!” paalam ni Ken. “May nakalimutan lang ako.” saad pa nito saka tumakbo palabas ng audition room.

Tumakbo ng mabilis palabas ng hotel na iyon saka sumakay ng kotse niya. Pinaharurot ang sasakyan na animo’y isang kawatan na hinahabol ng mga pulis. Hindi man alam kung saan pupunta ay mas mahalagang makita niya si Emil kahit libutin niya ang buong Baguio.

“Emil! Saan ka ba nagsusuot?” mahinang usal ni Ken sa sarili.

“Emil bakla! Emil baboy!” tukso kay Emil ng mga kaklase niya.

“Ang taba-taba mo kasi, mukha ka tuloy baboy!” gatong naman ni Ken sa mga nang-iinis sa batang si Emil.

“Baboy! Baboy! Bakla! Bakla!” sigaw pa ng mga ito.

“Oo nga parang bakla si Emil.” lalong panggatong ni Ken sa tuksuhan.

“Isusumbong ko kayo kay ma’am!” sigaw ni Emil saka umiiyak na tumakbo palayo.

Nag-alala si Ken sa nangyaring iyon kaya naman hinabol niya ang kaibigan.

“Bien!” sigaw ni Ken. “Bien!”

Ilang minuto ding naghahanap si Ken subalit walang Bien siyang natagpuan. Wala ng pag-asa si Ken na makikita si Bien at magbabaka-sakaling bumalik na ito sa classroom nila. Habang pabalik ay may narinig siyang mahihinang hikbi. Naramdaman niyang si Bien iyon kaya naman hinanap niya kung saan mula ang ingay.

“Bien!” malungkot na wika ni Ken nang makita si Bien na nakatalungko at humihikbi. “Sorry na!” paumanhin pa ni Ken sa kaibigan.

“Sorryhin mo mukha mo!” pautal-utal na tugon ni Bien.

“Sorry na please!” pakiusap ni Ken. “Kasi naman ikaw eh!” tila sisi pa ni Ken. “Ayaw mo kasing aayusin iyang sarili mo. Ilang beses na kasi kitang pinagsasabihan na umayos ka pero hindi ka naman nakikinig sa akin.” paliwanag pa nito.

“Basta galit ako sa’yo.” sagot ni Bien.

“Sorry na!” giit ni Ken. “Hindi ko na uulitin!” may kasiguraduhan pa nitong saad.

“Talaga?” naniniguradong tanong ni Bien.

“Oo, basta aayusin mo na iyang sarili mo.” nakangiting sagot ni Ken.

Isang ideya ang pumasok sa kukote ni Ken dahil sa alaala ng nakaraan na iyon. Mabilis siyang nag-U-turn at tinahak ang daan pabalik sa hotel at ng madaan siya sa Minesview ay agad siyang huminto at pumasok duon.

Si Emil naman, kahit na giniginaw at nilalamig ay pinilit lumaban sa sama ng panahon. Ilang minuto o oras na din siyang nanduon at ang puso niya ay umaasa sa isang magandang bagay na pwedeng mangyari. Mula sa pagkakatalungko ay dahhhan-dahannn at maingat siyang tumayo. Nanginginig man dahil sa lamig ay buong lakas pa din siyang sumigaw.

“Mahal na mahal kita Ken!!” malakas na malakas niyang sigaw. Buong kalungkutan niyang pagpapahayag sa sariling damdamin saka muli tumulo ang mga luha.

Hindi pa man ay naramdaman na niyang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Isang pamilyar na yakap at pamilyar na init ng katawan na sapat na para talunin ang lamig na hatid ng Baguio. Naramdaman din ni Emil ang paghinga nito malapit sa may tainga niya na nagdulot sa kanya ng kiliti. Ang sakit sa puso niya ay tila ba natutunaw nang tagpong iyon at umaasa na mula ito sa taong nais niyang makasama habang-buhay. Hindi pa man ay wari bang may sinasabi ito na dinaanan sa pagkanta.

“Bakit ba may lungkot sa ‘yong mga mata?

Ako kaya’y ‘di nais makapiling sinta

Hindi mo ba pansin,ako sayo’y may pagtingin

Sana ang tinig ko’y iyong dinggin

Ako ngayo’y hindi mapalagay

Pagkat ang puso ko’y nalulumbay

Sana ay paka-ingatan mo ito

At tandaan mo ang isang pangako.

Pangako, hindi kita iiwan

Pangako, hindi ka pababayaan

Pangako hindi ka na mag-iisa

Pangakong magmula ngayon tayong dalawa

Ang magkasama.”

“Ken?!” naluluhang puno ng kaligayahan niyang paninigurado.

“Mahal na mahal kita Bien!” sagot ni Ken.

Agad namang humarap si Bien at lalong nakaramdam ng kaligayahan ang puso niya sa nakitang si Ken nga ito. Isinandig niya ang ulo sa malapad na dibdib ng mahal niyang si Ken at ang tibok ng puso nito ay nagsilbing musika na pumapawi sa nararamdaman niyang lumbay, sakit, pait at hirap.

Sapat na ang katahimikang iyon para magkaintindihan ang mga puso nilang nabigyan na ngayon ng laya at karapatang mag-sama. Ang lahat ay napawi at ang pangungulila ay nabigyan na ng kasagutan. Ang mahabang panahong paghihintay ni Ken para sa isang Bien ay nandito na at kapiling na niya at ang mahabang panahong paghihintay ni Bien sa pangako ni Ken ay nandito na at sisismulan ng tuparin.

Iniangat ni Bien ang ulo at tumitig sa mga mata ni Ken at nagsalita – “Salamat Ken dahil ang pagmamahal na akala ko ay pangarap na lang ay binigyan mo ngayon ng katuparan.” masaya ang puso at nakangiting turan ni Emil. “Ang pangarap na akala ko ay walang katuparan ngunit heto ka, Kenneth Cris at nagsilbing sagot sa matagal ko nang hinihiling.”

Sumagot lang si Ken ng ngiti, tumingin sa kalaliman ng gabi at tintigan ang mga bituing nasa langit at nagpahayag din ng pasasalamat kay Bien – “Ang gabing ito ang magtatakda para sa isang pangarap na mabibigyan ng katuparan.” saad ni Ken saka tumingin ulit kay Bien. “Ang pangarap na mahalin ang nag-iisang ikaw mo at ang mahalin ako ng bukod tanging Bien Emilio.

Ikinulong ni Ken si Bien sa mga bisig niyang ng mahigpit na mahigpit na sa wari ba ay wala ng bukas at ayaw na niyang pakawalan pa ang binata. Wala silang pakialam sa mga tanog nasa paligid nila at sa kung mayroon mang makakakita sa kanila. Ang pinakamahalaga sa kanila ngayon ay nabigyan nila ng laya ang mga puso para mapili ang tunay nitong nagugustuhan at ang pagkawala nila sa nakasanayan na ng mga taong walang tapang para harapin ang bagon hamon ng pagbabago.

Matapos ang tagpong iyon sa Baguio ay napapayag nila Jason na sina Ken at Emil ang gumanap sa Third Line, Third Row na gagawing pelikula. Agad din naman nilang inamin sa mga magulang ang tunay nilang nararamdaman at namamgitan sa kanila. Sa simula ay may pagtutol subalit dala na din ng natural na pagmamahal ng mga ito at ang pagiging bukas sa mga bagay ay napapayag nila sa kundisyong patunayan ang sarili na tunay at totoong pagmamahal ang nararamdaman nila at ang katapangan nila para ihayag sa buong mundo ang laman ng mga puso nila. Isang hamon na ikinasa sa kanila at kanila namang tinupad.

HULING BUWAN NG ENERO – naging malaking usapan sa buong bansa ang tungkol sa huling pahayag ni Ken na isinulat ni Emil.

“Isang tao na pinangakuan ko ng habang-buhay, ang taong nasa harap ko! Ang taong susulat, sumusulat at sumulat ng kwento ng buhay ko! Ang taong hawak ko ang mga kamay ngayon! Ang taong inaangkin ko at mamahalin habang-buhay! Ang taong nagngangalang Bien Emilio Buenviaje – Angeles ang habang-buhay na ititibok ng puso ni Kenneth Cris Nicolas – Saludar.”

Iyan ang nasa huling bahagi ng artikulong isinulat ni Emil na ngayon nga ay pinakamalaking balita sa buong bansa. Ang araw nga na ito ang unang araw para harapin ni Ken ang unang press conference and interview niya ukol sa kontrobersiyal na nailathala. Ngayon nga ay nakaharap silang dalawa sa mga press at hawak kamay nilang sinusuportahan ang isa’t-isa.

“Ken gaano katotoo ang nasa Metro-Cosmo?” simulang tanong ng isang press kay Ken.

Bago magsalita ay itinaas niya ang kamay kung saan ay hawak niya duon ang kamay ni Bien. “Kung ano ang nakikita ninyo, iyon na iyon.” maikli at nakangiti niyang sagot. “Please allow us to state our sentiments first before asking any questions.” pakiusap pa ni Ken.

Tumahimik ang lahat sa pahayag na iyon ni Ken.

“I, together with my long lost love Bien would like to thank you for attending this press conference. Hindi namin alam kung papaano sisimulan ang kwento o kung papaano magpapaliwanag sa inyo. Iniisip pa nga namin kung talaga bang kailangan pa naming magpaliwanag, but my Bien told me this (saka tumingin muna kay Bien bago magsalita), and I quote, it is necessary for us to explain ourselves in public. Una sa lahat, public figure ka, idolizes by many and follows by many. Kailangan nating malinis ang pangalan mo para maunawaan nila tayo. Aside form that, it is also our task to help people like us para ipaunawa sa mga tao na hindi kasalanan ang sitwasyon natin, na walang masama sa relasyon natin lalo na kung tunay naman ang nararamdaman natin na pagmamahal, end quote. I and Bien are happy with each other; feel satisfied and contented with the love we have and with what we can offer for each. Hindi naman masamang magmahal, hindi naman masamang umibig at lalong hindi masama ang sundin ang isinisigaw ng puso natin. Sa una, may takot, pero iba pala ang pakiramdam pag nakawala ka na sa takot mo. Ibang level of happiness ang mararanasan mo pag hinayaan mo lang ang puso mo. Mahal na mahal ko si Bien at ayokong masayang ang buhay ko na hindi ko siya makakasama. Isa lang ang hinihiling namin sa mga tao, understanding, sana naman maging mulat sila para sa mga uri ng taong kagaya namin, maging mulat sila sa katotohanang nagmamahal din kami at karapatan namin na sundin ang sigaw nang aming damdamin. Masakit at nasasaktan din kami sa mga kumukwestiyon, nagdududa, bumabatikos at minamaliit kami at sa pagsasama namin, tao din kami, nasasaktan, isa lang ang panawagan namin, na sana dumating ang araw na matututo kayong unawain kami.” maikling pahayag ni Ken sa hudyat na para si Emil naman ang maagsalita.

“We are victims!” simula naman ni Emil sa pagpapahayag ng saloobin. “Victims of this society, blinded by false faith and fate, victims of the world’s chained beliefs and shattered anonymity, we are victims not by chance or fate, but victims of unnecessary withholding to what should be left behind, we are victims of civilization’s concealed convictions and by humanity’s folded devotions. Sa wari ko ay madami pa din ang biktimang katulad namin at madami pa din silang takot humarap sa katotohana. Masakit, nahihirapan, natatakot, nasusugatan, nawawala sa katinuan, pinapatay ang sariling kaligayahan, pinapako ang sarili sa krus na gawa ng iba, itinatanggi ang sariling kalayaan, binubulag ang sariling mata, nagpapakabingi at ginagawang tanga ang sarili para lang sa nakakabaliw na paniniwalang kinagisnan at kinalakihan. That’s the feeling before I conceded myself to Ken. Those are feelings na sa tingin ko ay kinakaharap ng maraming kagaya namin na sa simula ay walang lakas ng loob at nawalan na ng tiwala sa salitang pagmamahal.” nakangiting pagwawakas ni Emil.

Matapos makapagsalita ay tumayo na sa upuan ang dalawa at mga kasamahan saka sila inalalayan para makalabas sa hall na iyon. Naiwan ang mga nanduon na walang imik at tahimik. Labis nilang naramdaman ang pagmamahalan ng dalawa at nakikisimpatya na din sila sa dinadanas ng mga ito, maging sa mga katulad nilang nagmamahal lang.

“Galing naman bunso!” naluluhang bati ni Benz sa kapatid na nakasalubong nito sa gilid nang stage.

“Siyempre Kuya! Para sa Ken ko.” sagot ni Emil na buong pagmamahal para kay Ken.

Bago pa man tuluyang makalabas ang grupo ni Ken ay tumanggap muna sila ng masigabong palakpakan mula sa press people. Naramdaman ng press ang sinseridad at ang panggaling ng bawat salita sa puso nila Ken at Bien. Naramdaman ng press kung gaano ang hirap na pinagdadaanan at pinagdaanan nila Ken at Bien. Nakuha nila Ken at Bien ang simpatya ng press dahil bukal sa puso ng mga ito ang mga sinabi nila na nanunuot sa bawat himaymay ng nakakarinig. Narinig din nila ang suporta mula sa mga ito.

“We will never leave you Ken!” sigaw ng isang press.

“Ken and Bien, asahan ninyo ang suporta namin.” sabi pa ng isa.

“Maraming salamat!” sigaw ng pasasalamat ni Ken.

LIMANG BUWAN na nadin ang nakakalipas at sa loob ng panahon na iyon ay hindi na lumalabas pa sa TV o kahit na anong pelikula at magazine si Ken. Nawala na din ang usapan tungkol sa buhay pag-ibig nito at naging tahimik na din ang buhay nila ni Bien. Tumupad si Ken sa usapan at sa lumang bahay nga ng mga Saludar sa Pulilan nanatili at tumira ang dalawa. Nanatili ang suporta sa kanila ng mga magulang at ng mga taong nakakaunawa. Umampon ng dalawang bata at ito ang itinuring na mga anak. Oo, may mga tampuhan, pero para saan ba ang paghihirap nila kung ang isang simpleng tampuhan lang ang sisira sa pagmamahalan nila. Si Ken ay sinisimulang maging isang mahusay na direktor katulad nang ama, ngunit higit pa ay naging isang matagumpay na businessman sa loob ng maikling panahon. Nanatiling writer si Bien sa Metro-Cosmo at sa maikling panahon na iyon ay kinilala nang ibang award-giving body ang mga literary piece niya na naisulat. Tulad dati, si Ken lang ang may karapatang tumawag na Bien sa mahal. Ang dapat na independent film na Third Line, Third Row at napalitan ng Pulang Langit na original story din ni Bien nuong nasa sekundarya. Silang dalawa ang napiling gumanap at ang pelikulang ito ngayon ang pinagkakaguluhan ng mga tao at nakakuha na ng mga citations dahil sa kakaibang tekstura at hagod ng kwento.

Si Benz at Vaughn, ang dalawang ito naman ay nanatiling matatag na nagsasama, masaya sa piling ng bawat isa at laging nagtitiwala at nagmamahal. Nakapagpundar ng sariling bahay at lupa at nakapagtayo ng sariling business. Tinaggap ng kanilang pamilya ang kapalarang mayroon sila at lubos na sumusuporta sa kanila. Nabigyan din ng pagkilala si Benz bilang isang direktor at ngayon nga ay siya ang direktor ng Pulang Langit na pinagbibidahan ng kapatid. Si Vaughn naman pinagbuti ang pamamahala sa theme park na kanilang pag-aari at sinisimulan ng ipatayo ang bagong theme park na ipinapagawa niya sa Bulacan. Tulad nila Ken at Emil ay nag-ampon din ang dalawa ng magiging mga anak nila. Salamat sa kalokohang dahilan ni Emil – “Mag-aampon kami ni Ken para makabawas sa mga ulilang kinalimutan na ng mga magulang nila.”

Si Vince naman ay muling nabuksan ang puso para kay Jona at labis na pagsisisi dahil hindi niya nagawang mapansin ito at naisaisantabi niya ang pagmamahal niya dito dati. Nasa proseso na ang dalawa ng ligawan dahil pakipot pa din si Jona, ngunit nasa balak na nila ang magpakasal pagsapit ng ika-tatlong taon.

Si Julian, oo, masyadong nasaktan sa nangyari, pero may isang tao siyang natagpuan na may kakayahang papaghilumin ang sakit na idinulot ni Benz. Papunta din sana siya ng Baguio para mag-audition subalit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakabangga niya si Josh habang paakyat. Tama, si Josh ang mayabang na aroganteng nag-audition. Nakagaanan niya ng loob ang binata at sa ngayon ay nasa proseso na din ng ligawan.

Walang pangarap na imposible kung susubukan mong kumilos para makamit ito.

Monday, April 4, 2011

"For All We Know"

TITLE:For All We Know
AUTHOR:Unbroken
FB:iheytmahex632@gmail.com
BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Please Follow! :)


NOTE:Another very personal work for me. Comments are highly appreciated. Thank you very much.


Ang lamig ng hangin dito sa parke. Unusual for a scorching summer. Kahit papalubog na ang dilaw na haring araw ay ramdam pa rin natin ang alinsangang dala ng lupa. Nakakairita ang init na dala nito.

Nandito tayo kung saan tayo unang nagkita. Parehong lugar at parehong oras.

“Anong nangyari?” tanong mo.

“Di ko alam.”

Nakaupo ka sa swing,para kang batang tuwang-tuwa sa pagugoy ng swing na kanina mo pa ineenjoy. There I was,standing in front of you,looking while you were acting like 7-year old boy na first time makasakay sa swing. I got fascinated,this was how you exactly looked way back.

“Oh? Bakit titig na titig ka?”

“Huh? Wala.” sagot ko.

I tried lighting a stick of Marlboro Menthol.

“May lighter ka?”

Kinuha mo ang lighter mo at hinagis ito sa akin.

I lit a stick. Puffed. Felt good.

“Di ka ba nangangawit kakatayo dyan?”

“Ayos lang ako.” sagot ko.

Nangangalahati na ako sa sigarilyo.

“Bakit di ka umupo dito sa swing na katabi ko?”

Nostalgic.

Umupo ako sa swing katabi ng sayo gaya ng sabi mo. Yan ang isa sa mga kakaibang bagay sayo. You told sentences,but I've always perceived them as commands. Having said that,I never complained. I just followed.

You removed your eyeglasses na sinasalo ng matangos mong ilong. I can't help but to stare at you. I saw how the sunset kissed your sexy-chocolate brown complexion. It looked so good on you. Kahit noon pa man ay lagi kong sinasabi sayo na okay ang kulay mong yan. Ayaw mo lang maniwala.

“Nakatingin ka na naman.” sabi mo.

“Ganun ka pa din. You're still cocky.” I managed to say atleast.

You exhibited that same old smile. Hypnotic.

“Oo naman. At talagang nireremind mo pa din ako kung gaano ako kaarrogante.”

Tahimik.

“May pilat ka pa rin? Ilang taon na nakalipas di mo pa din napapaderma yan?” sabi mo.

“Walang panahon eh.”

“Ahhhh” You said,sounding that you don't believe me.

“Yeah.”

“Awkward ng feeling.”

“Oo nga.” sagot ko.

“Penge yosi?”

I gave you a stick. Binuksan ko din ang lighter hanggang sa halikan nito ang nguso ng Marlboro.

“Kanina ka pa Yosi ng yosi. That means something.”

“You know what it means?” tanong mo.

“Tensed.” maiksi at nakatingin sa buhangin kong sagot.

“You still know me.”

“Ofcourse.”

Tumayo ka. Lumayo sa swing,bumalik,umupo. Ginawa mo ito ng paulit-ulit. Talaga ngang natetense ka. Kanina pa tayo di nagsasalita,napapanis na ang laway ko. Ang awkward ng pakiramdam.

Bumalik ka sa tabi ko. Inugoy mo ng inugoy ang swing.

“Ilang taon tayong di nagkita?”

Di ako agad sumagot. Inisip ko kung ilang taon ba,narealize kong mahina rin pala talaga ako sa Math.

“Di ko alam. Ilan taon ka na ba?” sagot ko.

“I'm 31 one.”

“Oh,29 ako.”

“Alam kong mas matanda ako sayo. Di mo na kailangang ipagyabang ang edad mo sakin. Besides,tatanda ka rin naman.” sagot mo

“Alam ko. Sinasabi ko lang. The last time we saw each other,17 ako? Then you're 19?”

“Yata?”

“Ewan?”

“Oo. Yun nga yun. Tama. Yun nga!” sabi mo.

Tahimik.

“We were so young then. What happened nung mga taong di tayo magkasama?”

That question made me feel uneasy. Parang biglang hinalukay yung nararamdaman ko? I really hate this feeling.

“Wala.”

“Paanong wala?” usisa mo.

“Ano ba? Wala nga eh. I mean tinapos yung pagaaral ko. After graduation,nagstart agad magtrabaho sa isang magandang company. Ayun,laging busy. Wala din masyadong panahon para sa kung saan-saan.” paliwanag ko.

Bakit ba ako nagpapaliwanag? Ewan ko ba sa sarili ko.

“Ohhh. Bakit naman ganun? All work and no play makes Prince a dull boy.” sabi mo sakin.

“Yeah. Ang boring ng buhay ko for the past years.”

“Don't say that,walang buhay na boring. Tao meron.” sabi mo.

Napaisip ako. Maybe you're right. I just don't find myself interested sa kahit saang activity. I go to the gym,that's it. Di siguro boring ang buhay ko,ako mismo ang boring. Siguro nga. Tama ka. Siguro. Di na rin naman ako nagkainteres kahit kanino after nung sa atin.

“So,after nung satin? Sino mga naging involved sayo?” tanong mo.

Seryoso ang iyong tono.

“I had some flings. Some encounters,some experiences. Unfortunately,walang nagwork. I decided to stay unattached to everyone. Mahirap ng masaktan ulit.” sabi ko.

Tumingin ka sakin,binawi ito at initsa ang yosi papalayo. Muli mong binalik ang mga mata mo sa akin.

“Unattached? Bakit? You built walls. You must have built bridges.”

“Wala lang. I really want it to be that way.” sagot ko.

“Tell me Prince,iniisip mo pa ba ako?”

“Siguro.” plain kong sagot.

“Bakit siguro?” usisa mo

“Di ko alam eh. Siguro iniisip pa kita. Madami akong tanong kung bakit nawala tayong dalawa.”

I paused. Looked at you,trying to sense what you're thinking.

“People of our age,our friends,our closest friends thought we would be really a good pair. Ilang buwan lang,walang kaabog-abog,nawala ka. And you never told me why. Di ko alam kung anong nangyari,saan ako nagkamali and all that. I was just left there,hanging.” dagdag ko.

Lumingon ka sa akin gamit ang iyong nangungusap na mga mata.

“And wasted.” bigla kong sinabi

Pagkasabi ko noon,nakita kong may pinahid ka sa iyong kaliwang mata. I gave you a confused look,you gave me a heartwarming smile that almost took me from my sanity.

“Kung wasted ka ano pa ako?” sagot mo.

“What do you mean?”

“Di lang naman ikaw ang nasaktan sa nangyari. Maging ako.” sagot mo.

“MAS nasaktan ako.” sabi ko na bingyan ng diin ang salitang mas.

“Mas?”

“Oo mas. Marahil nasaktan ka sa paghihiwalay natin. Pero mas masakit para sakin dahil di ko alam ang dahilan. Nagising nalang ako and you don't want to be with me anymore. I asked for your explanation pero you never gave me any. You chose to remain silent.”

“Kailan ba ko nagsalita?” tanong mo sakin,provoking an argument

“Alam ko. Di mo ugaling magsalita,but you could have told me atleast. Sana inisip mo na nung mga panahon na yun,mahal na mahal kita. I respected you during our moments,you could have given me the best kind of respect na dapat kong makuha.”

“Respeto? Naramdaman mo yan sakin. I respected and loved you Prince. For God's sake,alam na alam mo yan at di ka din naman manhid para di mo maramdaman.”

“Alam ko, Pero nung nakipaghiwalay ka? Nasaan ang respeto don? I was yours. I was forced to let you go. You asked me to give up on us. Why? For no reason! Shit Ted! Ano? Nasaan ang respeto don? Respeto bang matatawag yung pagdump m,o sakin nang wala ka man lang dahilan? Ni supporting details wala!” sabi ko habang pinipigil ang galit at luhang gustong bumuhos.

Nanatili kang tahimik. Inalis mo ang iyong eyeglasses at inilagay ito sa case na ginawa ko para sayo isang dekada na ang nakakalipas.

“Prince look,I still use ung case na ginawa mo para sa glasses ko nung college tayo.”

I stared at you. Dumbfounded.

Naramdaman kong gusto mong ilihis ang topic. Nakikita ko sa mukha mo na natetense ka dahil nagcacrack na ang boses ko. Ganyan ka,kapag alam mo ng iiyak ako,pinipilit mo kong patawanin and all that.

Nanahimik akong nakatingin sa buhangin habang dinuduyan ang aking sarili.

“Prince.”

“Bakit Ted?” I said,trying to sound calm.

“Paano kung sabihin ko sayo na hanggang ngayon iniisip pa rin kita?”

“Stop it.” pagpigil ko sayo.

Binaling mo ang ulo mo sa kanan. Tumingin ka sakin. Tumitig ka sakin. The same way you did way back. Sinagot ko ang mga titig mo ng aking mga titig. Mababanaag sa mata mo ang labis na pangungulila. Di ko alam kung anong nakikita mo sa akin ngayon,hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman. Di ko alam kung nasaya ba ako or what.

“No.” mahina mong sagot.

“At bakit hindi?”

“I still think of you Prince. I really do.”

Upon having heard that,tears started flowing endlessly.

“I still think how you laugh. Iniisip ko kung nagriwrinkle pa rin yung area around your lips whenever you smile. I miss how those chinky eyes look whenever I tickle you. I miss you. Alam mo yun? Di mo alam kung gaano ako nangulila sayo.” sabi mo,trying to sound so proud kahit halatang nagcacrack na ang boses

I remained silent.

“Nung nasa Amerika ako,walang oras na di kita inisip. Lagi akong nagdadasal na sana okay ka lang. Lagi kong pinagdadasal na sana wala kang sakit at di ka mapahamak twing magisa ka or kahit may kasama ka. I always pray na sana maging okay ka at mapaayos. Kung alam mo lang kung paano ko nagdasal. Pinagdadasal ko na sana maging masaya ka.”

Pinipigil kong bumigay sa mga naririnig ko.

“Alam mo ba kung anong pinagdadasal ko ng husto?” tanong mo sakin.

“Ano?”

“Pinagdadasal ko na sana.. Sana di mo ko makalimutan.”

Nakita ko ang pagangat ng dibdib mo tanda ng isang malalim na buntong-hininga.

“Pinagdadasal ko na sana wag ka munang makahanap ng iba habang wala ako.”

Napatulala ako sa narinig. Kita ko ang pagpatak ng luha sa iyong mga mata. Ngayon lang kitang nakitang bumigay at napatunayan ko na totoo pala lahat ng sinasabi mo. Di ko na mapigilan,ilang segundo nalang naramdaman kong tumulo na ang luha ko. Pareho tayong nagiiyakan habang pabagal nang pabagal ang galaw ng ating mga duyan.

“Pinagdadasal ko na sana ako pa rin ang mahal mo.”

“Pinagdadasal ko na sana hanggang ngayon ako lang. At sana maging tayo ulit. God knows how hard I prayed for this moment. Alam kong masaya ang Diyos dahil nakausap na kita ulit.”

Hindi ko na mapigil ang sarili ko sa pagiyak habang nakatitig sa iyong mga matang lumuluha rin. You extended your arm para abutin ang akin. Sa mga di malamang kadahilanan,inabot ko ang kamay ko at agad mo itong kinuha at hinawakan. Naiyak ako,sa loob ng ilang mahabang tanong naramdaman ko ulit ang init na dala ng kamay na yon. Yung tamang lambot at kalyo. Di ko maipaliwanag. Hinalikan mo ang aking kamay habang patuloy akong nakatingin sayo.

Inangat mo ang iyong mukha at nagwika.

“Prince,tell me,dininig ba ng Diyos ang mga panalangin ko?”

I smiled.

“Dininig ba ng Diyos ang mga panalangin ko?” tanong mo ulit.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ang alam ko lang ay overwhelmed ako ngayon sa pagmamahal na nararamdaman ko.

“Prince.” sabi mo sabay pisil sa kamay ko bilang pagkuha ng atensyon.

Lumingon ako sayo at di ko na naman napigilang lumuha.

“Sabihin mo if my prayers were answered.” umiiyak mong sabi.

Tumayo ka at hinatak ako papaharap sayo.

“Sumagot ka naman oh.”

“Ano bang tanong?” wala sa sarili kong tanong.

“Sinagot ba ng Diyos ang mga tanong ko?”

Tahimik.

“Oo Ted. I think sinagot ng Diyos lahat ng dasal mo. Safe ako at walang nangyari saking masama. Di din kita nakalimutan.”

“Mahal mo pa ba ako?” tanong mo sakin.

I nodded.

“I think so.”

Ngumiti ka at kinuha mo ang mukha ko to give me a quick kiss.

You stared at me. You looked at me while crying.

“Di mo alam kung gaano katagal kong hinintay na mahalikan kang ulit.”

Di ako makapagsalita.

Patuloy ka sa pagluha.

“Bakit iyak ka ng iyak? Di ka ba masaya na marinig na mahal pa rin kita?” tanong ko.

“Masaya ako. Sobrang saya.”

“Yun naman pala eh. Eh bakit ka pa iyak ng iyak?” tanong ko habang hawak ang iyong dalawang kamay.

Tumitig ka sakin. Mata sa mata. Nagbuntong-hininga ka at nagsalita.

“I went to America nung tayo pa dahil kailangan. I had to undergo medications.”

Nagkakaclue na ako sa pwede ko pang marinig.

“Then?”

“Masaya ako at nakita kita ngayon at nalaman ko na mahal mo pa rin ako.”

Patuloy ang pagpagaspas ng hangin.

“Tulungan mo kong magdasal.”

“Bakit?”

“Ipagdasal natin na mabuhay pa ako ng matagal.”

Napatitig ako sa'yo at nakita kong umiiyak ka ng husto. Pagkarinig ko noon,tumulo ang aking luha. Agad akoing yumakap ng mahigpit at naglock ang ating mga umiiyak na puso.

“Wag mo muna ako iwan. Please. Not now.”

“I'll try.”

At nakita natin ang paglipad ng mga ibon sa orange na kalangitan.

W A K A S

Sunday, April 3, 2011

Earl and the Grumpy Flirt named Ronnie - Chapter 7

Photobucket
Hello there guys! Medyo natatagalan ang posting dahil sa kabusyhan ng lola niyo pero sana you can bear with me.


Mahirap pong pagsabayin ang dalawang bagay. Napatunayan ko ng lubos iyan ngayon. It just so happen na hindi ko pwedeng iwanan ang first love ko. Ang pag-awit.


Congratulations sa mga graduates ng 2011. Lalo na sa sister ko na grumaduate nitong March 30. 


Sana makahanap agad kayo ng trabaho para magamit agad ang inyong mga napag-aralan. Enjoy!!!




Chapter 7 (The New Guy)

Hingal-kabayo si Earl pagkatapos niyang tumakbo ng matulin para makalayo lang kay Ronnie. Hindi niya akalaing sa ganoong sitwasyon sila magkakaharap na dalawa ulit. Naisip niya, pwede naman silang magkita halimbawa sa pathway ng San Bartolome, sa canteen, sa gate ng campus, sa library o kung saan mang lupalop ng mundo na ipapahintulot ang kanilang pagtatagpo para magawa niya ng maayos ang pagpapanggap na hindi ito naaalala ay hindi pa siya napagbigyan. 

Anak naman ng tinamaan ng magaling na buhay ito oh!

Nahahapong napaupo siya sa isang bench na nakapwesto sa tagong bahagi ng soccer field. Secluded ang lugar na iyon at balita niya ay maraming kababalaghan ang nagaganap doon. Ewan niya kung paano siyang napadpad sa lugar na iyon pero malaking pasalamat na rin siya dahil doon.

Naisip niya ang plano nila ng ina na na-share na niya sa kaibigang si Friea. Naiirita siya sa kalokohang pinasok. Kung bakit kasi nakinig pa siya sa nanay niya, ayun tuloy, siya ang nahihirapan.

Mapangatawanan ko kaya ang panibagong kagagahang pinasok ko?

Napabugha siya ng malakas na hangin at wala sa loob na napasandal sa inuupuan. Napatingala siya at nasilaw sa sinag ng panghapong araw. Napapikit siya. 

Parang ang bilis ng araw. Parang kailan lang ay hindi pa sila close ni Ronnie, tapos naging pseudo-boyfriend niya ito for a day, tapos hinabol-habol niya ito ng siyam na araw, tapos ngayon? Hindi niya na ito naaalala at nakikilala?

Nakakaloka!

Ang nanay niya kasi ang naka-isip na makukuha niya ang atensiyon ni Ronnie na hindi siya pinapansin kung magpapanggap siyang hindi ito kilala. Maging ang mga taong involved sa paligid nila na hindi naman niya dati ka-close.

Skeptical siya noong una. Paanong mangyayari iyon? Eh sa mga pelikula lang at telenovela nangyayari ang mga ganoong kaganapan. Pero napahinuhod siya ng ina ng sabihin nito sa kanyang hindi siya papansinin ni Ronnie kung ipagpapatuloy niya ang paghabol dito.

She also said "Men are naturally stupid. Iyong mga tao at bagay na kinasanayan nila ay mas madalas na dinedis-regard lang nila. Pero kapag iniwan na sila ng mga ito o hindi na sila inintindi ay para lang silang babaeng lukaret na hindi titigil hangga't hindi ito nakukuha ulit."

And he thought his mom was right. Pero mukhang nagalit lang sa kanya ng husto si Ronnie dahil sinabi niyang hindi niya kilala ito. Kaya nga napatakbo siya ng wala sa oras sa lugar na iyon eh.

Humugot siya ng malalim na hininga. And slowly, he released it to make his system calm. He did that repetitively and the trick seemed to work. Ang hindi niya lang namalayan ay unti-unti na siyang hinila ng antok at ng payapang pag-iisip.

Nagulat pa siya ng makarinig ng malamyos na tinig na sinasabayan ng mahinang strums ng gitara. The music and the voice was so soft as if it was shy. As if it was afraid to wake him. Whoever is the owner of that voice must be very handsome for he have a good baritone voice. It was so deep. Husky. Soothing his very soul. Parang nais niyang matulog na lang ng husto habang pinapakinggan ito.

Subalit ang tila napakagandang awit at tugtugin na humehele sa kanya at iginigiya siya sa mas payapang panaginip ay biglang naglaho. Parang taong nakaramdam na mayroon ditong nagmamasid. Unti-unti siyang nagmulat ng mata.

Awtomatikong hinanap ang pinanggalingan ng tugtog. Ngunit wala siyang nakita. Napilitan siyang lumingon sa kanyang likuran at doon ay nakita niya ang isang lalaking may hawak ng gitara. 

Naka-leather jacket ito. Malapad ang balikat. Mukhang matipuno. The back of his hair was tousled like he just got out of his bed.

Naka-informal rin ang damit nito sa halip na uniporme. Napatuwid tuloy siya ng upo. Mukhang estudyante ito ng Conservatory of Music. Iyon lang naman ang kurso sa buong San Bartolome na hindi required mag-uniform.

Nagulat pa siya ng magsalita ito habang nakatalikod sa kanya.

"Hi... did I wake you up?" said his baritone voice.

Ha? May mata ba ito sa likod? Paano nito nalaman na nagising siya?

"I'm sorry... Akala ko kasi noong una walang tao. But I when I heard someone snoring, I decided to play a soft song." explain pa rin nito habang nakatalikod.

Bahagya siyang napahiya sa sinabi nito. Narinig pala siya nitong humihilik. Napilitan tuloy siyang magsalita na.

"A-ah... malakas ba?"

The man chuckled.

"No. It was actually fine. Hindi pa ako nakakarinig ng hilik ng pagod na pagod na nursing student."

Namula siyang bigla. Buti na lang nakatalikod ito at hindi nakikita ang reaksiyon niya. Kahit gusto pa sana niyang asarin ito dahil sa pakikipag-usap habang nakatalikod ay di na siya nagtangka pa. Naunahan na siyang ipahiya nito eh.

"M-medyo lang naman. Sana di ka naistorbo sa pag-gitara mo ng dahil sa hilik ko." nilagyan niya ng banayad na sarkasmo ang boses para makabawi kahit paano.

"Hindi naman. Promise. Okay lang talaga." reassuring ang boses nito pero halatang nakangiti base sa timbre niyon.

"Thank God." mahinang bulong niya saka tumayo para pagpagan ang uniporme.

Habang busy siya sa pagpapagpag ng katawan ay namalayan niya na lang na may pares na ng black Nike rubber shoes sa harapan niya. Nang bahagya pa niyang itaas ang paningin ay naloka siya sa description ng lower body nito.

He's wearing an old faded jeans na medyo butas sa bandang tuhod dala na marahil ng madalas na paggamit. It hugged his legs like a second skin at halos mapagod siya sa dahan-dahang pagtaas ng paningin dahil sa iisang kapuri-puring bagay.

Ang binti nito ay tila napakahaba. Earl felt like he was actually surveying this stranger's legs forever. It was an endless pair. At ang bulge. Well, hindi siya binigo. It turned him on. Instantly.

Itinaas niya agad ang mata para hindi masabing tumititig siya sa crotch area ng may crotch area. Nang dumako sa bandang tiyan ang paningin niya ay katulad ng inaasahan, hindi iyon malaki. 

Kahit hindi pa ito nakahubad ay alam na niyang flat iyon. He was welcomed by a muscled chest beneath the black shirt. Likey! At ng dumako siya sa mukha nito ay hindi na siya nakaapuhap ng anumang magandang sasabihin.

He was momentarily at a loss for words. Nakatitig lang siya rito at nabatubalani. Paano ba naman, parang may demigod na nakaharap sa kanya ngayon! At nakangiti sa kanya.

Napansin niya ang mata nito. Wow! Blue!

I was actually pale blue na tila kumikinang sa ilalim ng makulimlim na bahaging iyon ng SBU. He had thick eyelashes and a not so furry eyebrows. Match din ang ilong nitong tama lang ang tangos. Slightly upturned but cute. Pero ang pinaka-nakaagaw ng pansin niya ay ang natural na pagkapula ng labi nito.

Some guys uses lip balm or shiner to maintain their lips moist but Earl can bet his last penny in his pocket that this man doesn't need any of those. 

And he was literally towering him. Ano ba ang height nito?

"I'm Russ." nakangiti itong naglahad ng kamay sa kanya.

Napatitig siya kamay nito. It looked big. Baka mapisa siya ng grip nito.

"Ah-hhh... I'm E-earl." bantulot niyang sabi. Hindi pa rin niya magawang abutin ang kamay nito.

"Nice meeting you Earl." nakalahad pa rin ang kamay nito.

Hindi sa ayaw niyang makipagkamay dito, ang kaso lang, nalilito siya sa nararamdaman niya. Paano nangyaring may atraksiyon siya kaagad na nararamdaman para dito samantalang kay Ronnie ay hindi ganoon ang eksena niya. Saka bakit ngayon niya lang ito nakita rito sa SBU?

"Ah... madumi ba ang kamay ko?" nakangiti nitong tanong kahit bakas ang kaunting pagkapahiya sa mukha.

"Ha? H-hindi sa ganoon." nahihiya niyang tugon dito.

"Eh ano?"

"Ah..."

Sasabihin ba niya?

"Go on..." himok ni Russ sa kanya.

"Ah... kuwan kasi..."

Nakangiti lang itong naghintay ng susunod niyang sasabihin.

Napabuntong-hininga siya.

"Fine. Nalalakihan kasi ako sa kamay mo." pikit-mata niyang sabi.

Wala ang inaasahan niyang halakhak mula rito kaya naman i-n-expect na niyang na-wirduhan ito sa kanya kaya malamang ay nakakunot na ang noo nito. Pero nagkakamali pala siya.

Nakangiti pa rin ito but there was a glint of amusement that flickered in his blue eyes. And the corner of his lips twitched in a facsimile of a suppressed smile. Bigla tuloy siyang na-cute-an na naman dito.

"Itawa mo na iyan. Baka bumaho dito." natatawa nang sambit ni Earl sa bagong kakilala.

Tila iyon lang din ang kinakailangan nitong clue at pinakawalan na nito ang tawang pinipigilan. Natuwa siyang pagmasdan ang mukha nito. Napakaaliwalas. Pinagsawa niya ang sarili sa kakisigan nito. Kahit ngayon lang rumehistro sa kanya ang porma nito.

Rocker?

He loved rock music for he had this huge crush over Bon Jovi. He always make it a point to listen to his favorite rockstar and dream that one day, someone like Bon Jovi would sweep him off his feet.

Could it be that Russ is that guy? 

Ambisyosa!

"Akala ko kapag nakilala na kita ng personal ay okay na sa akin, yun pala, hindi ko akalain na ganito kasaya kapag kasama ka. Swerte ng boyfriend mo sa'yo." wika nito kapagdaka.

Natigilan siya.

Ano daw? Pakiulit nga. Wala bang rewind? Para kasing nabingi lang siya sa sinabi nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

"Pardon?" naguguluhang sabi niya.

Ngumiti si Russ. "I said, its nice to finally meet you Earl."

Again, he was speechless. 

"Finally?" tanong niya.

"I've been in this school for about two months na rin. I just transfered this semester." pag-eesplika ni Russ.

"Two months?" nabibiglang-tanong niya.

"Yep."

"Paanong di kita nakikita rito?"

"Dahil madalas lang naman na dito ako sa spot na ito. Mas trip ko kasing mag-isa. Minsan naman ka-share ko sa spot na ito sila Orly."

Bigla siyang naging alerto. Kung ganoon ay kilala na ito ng captain ng football team. Nasaan kaya siya ng mga oras na naglalagalag ito sa paligid ng SBU.

"Saka isa pa, malayo ang building ng department namin sa Nursing Department kaya hindi tayo nagpapang-abot." sabi pa nito na tila nabasa ang isip niya.

Napatitig siya rito sa sobrang coolness nito sa harap niya. Never pa siyang nakasalamuha ng bagong kakilala na suave lang ang dating. Hindi siya sanay sa casual at relax na ugali nito.

Ayaw mo na sa suplado? Akala ko ba mas gusto mo ng arrogant type na guy?

Agad niyang iwinaksi sa hangin ang patutsada ng kontrabidang bahagi ng isip niya.

"So, sa kamay ko lang ikaw nalalakihan?" tanong nito sa kanya sabay kindat pagkatapos.

Marahan siyang napasinghap sa simpleng flirtation na iyon. Russ is very rugged-looking. May day-old stubbles ito pero sa halip na makasira ay lalong nagpadagdag lang ng appeal nito iyon.

And his suave moves are like that of a rock star. Earl can't help but think that Russ may be his Bon Jovi, personified. Actually, he looked like his favorite rockstar. 

"Bakit may iba pa bang malaki sa'yo?" balik-tukso niya rito. Kampante na kasi siya sa company nito.

"Ah... kung tinagalan mo pa yung titig mo kanina sa akin, baka na-assess mo ng husto kung ano yung mga na-miss mong malalaki rin." Russ said grinning mischievously.

"Pilyo." naiiling na sabi niya.

"Biro lang."

"Ay hindi. Gusto ko nga yung ganyan. Yung mga may malisyang biruan." pilyo ring turan niya.

"Uy, game ako diyan!"

"Sira-ulo."

At tuluyan na niyang tinanggap ang "malaki" nitong kamay ng muli nitong ilahad sa kanya iyon. Parang sakto na naman sa cue, may kumislap na naman na kung ano at sumunod na lang na nakita niya ay ang tumatakbong likod ng kaibigan niyang si Jay.

"Sino iyon?" takang-tanong ni Russ.

"My friend, Jay." palatak niya.

"Bakit siya tumakbo pagkatapos tayong kuhanan?"

"I think I know the answer to that." napapangiwing sabi niya.

"Care to tell me?"

"He's obsessed in making Ronnie Alfonso down at nang hindi ko siya tulungan ay nagalit siya sa akin lalo na ng malaman niyang naging boyfriend ko ito. Feeling niya siguro ay trinaydor ko siya at ang pagkakaibigan namin. Kung alam lang niya." tuloy-tuloy niyang bulalas ng totoong dahilan dito.

Nagtataka din siya kasi it takes time before he could open up sa isang bagong kakilala. But with Russ, mukhang napakadali lang gawin nun. Isang ngiti lang nito, ang gaan na ng pakiramdam niya.

"Ah okay. Mukhang complicated nga iyan. I think you two should talk." sabi lang nito.

"Tell me something I don't know Russ." tila nanghihinang sabi niya.

"Silly. I know you know that already. Pero siguro sa mas madaling panahon bago pa kayo magkasakitan ng loob ng husto."

Napangiti siya sa sinabi ni Russ kaya nilingon niya ito.

"Thanks." aniya.

"You're welcome." nakangiting sabi rin nito.

Napansin niya na kapag ngumingiti ito ay nagiging darker ang kulay ng asul na mata nito. Something he'd never seen before. Actually, to know someone who has blue eyes is already something, but knowing  that those eyes turn a shade darker when he's laughing is another different matter.

Ngunit bago pa niya maisatinig ang nasa isip ay nagsalita na ito.

"So... how's he?"

"Huh?" maang na tanong niya.

"How's your boyfriend? Is he sweet?"

"Ah..." bigla siyang naging conscious.

"Does he make you laugh like we did a while ago?" dugtong pa nito.

"Ah..." wala pa rin siyang masabi.

"Is he faithful?"

Napamaang na siya.

"What's with the questions, Russ?" 

"N-nothing." tila natatauhan ring sabi nito.

Nagtataka man si Earl ay ipinagkibit balikat na lamang niya ang nagaganap. Inalala niya na lang ang unang tanong nito.

"He is your exact opposite, Russ."

Napatingin ito sa kanya.

"He's grumpy and all that." naiiling na sabi niya. Nanatili lang tahimik si Russ sa tapat niya.

"He's a man of many contradiction. Sweet siya ngayon, another minute he's not. Nakakalito. Nakakaloka. Nakakawala ng katinuan ang pabago-bago ng mood ni Ronnie..."

"But?" putol sa kanya ni Russ na nagpa-angat ng tingi niya.

"I can hear a but coming, Earl." pagpapatuloy pa nito.

Napatango siya.

"Yeah..." mahinang sambit niya.

"But... I love him so much. So damn much it hurts."

Nagulat siya ng maramdaman niya ang paglapat ng daliri nito sa mukha niya, pero mas magulat siya ng malamang basa na pala ang pisngi niya ng luha.

Gosh! Ang dyahe. Umiyak siya sa harap ng isang estranghero. 

"Don't cry Earl."

"I'm not." pagkakaila niya. "Umambon lang sa mata ko kaya ganyan. Ay hindi, pawis pala yan. Pawisin kasi ang mata ko."

"You want me to beat that guy?"

Napatingin na naman siya rito at sinalubong siya ng mas matingkad na kulay ng blue eyes nito. Wala sa loob na napahawak siya mukha nito na maagap nitong sinalo sa pag-aakala sigurong sasampalin niya ito.

"Ang mata mo..." namamanghang sabi niya.

"Huh?"

"It went another shade darker. Napansin ko na yan kaninang tumatawa ka. Ngayon mas matingkad na ang pagka-blue niya."

Tila natauhan naman ito. Tuluyan nang na-divert ang kanilang mga isip at emosyon ng dahil sa pagkakapansin niya sa mata nito.

"Ah... iyan ba?" he smiled coyly. Lalo itong naging cute sa paningin niya ng mamula ito.

"Oh my god! You're blushing!" napatakip pa siya sa bibig ng isang kamay sa kabiglaanan.

"Geez! Don't over-react Earl!" natatawang saway nito at lalo pang namula.

"Uy! Binata na siya, nagba-blush na." marahan pa niyang sinundot ito sa tagiliran.

"Whoa!" sigaw nito.

"Ahah! May kiliti ka pala diyan ah."

"Stop it Earl." natatawa pa ring wika nito. "Kung hindi hahalikan kita."

Napatigil siya at tiningnan kung nagbibiro ito. Nakangiti si Russ pero may impresyon ng kaseryosohan ang matang kulay asul. Napangiwi siya bigla.

"Was it a bad idea?" tanong ni Russ.

"What?" takang-tanong niya.

Napabugha ito ng hangin. "Me, kissing you."

Napalunok siyang bigla. Why not? Sigaw ng malanding bahagi ng isip niya.

"Ah... I have a boyfriend Russ."

"So what?" Russ said nonchalantly.

"It's not right." Earl replied indignantly.

"Are you sure he's faithful to you?"

Haller! Pseudo-boyfriend mo lang siya bakla at one day lang kayo. Huwag kang hambisyosa! agaw ng isang tinig sa bahagi ng isip niya.

EH we shared a few kisses naman! singit naman ng isa.

"I would like to believe that it is none of your business Russ." malamig na lang niyang tugon.

Napabugha ulit ito ng hininga.

"I'm sorry. It won't happen again." apologetic na sabi nito sa kanya.

"It's okay." 

Biglang dead-air. Nailang tuloy siya bigla. Magsasalita na sana siya ng may umagaw ng pansin niya. Mula sa kung saan ay may papalapit na bulto ng malaking tao. Kilalang-kilala niya iyon. At base sa hitsura nitong madilim na madilim ang mukha ay hindi maganda ang kalalabasan ng lahat kapag lumapit ito.

Nilingon niya si Russ.

At walang sabi-sabing hinila niya ito para magkaroon ng katuparan ang kanina'y pinagtatalunan nila.

Ang halik.


Itutuloy...