Sunday, January 2, 2011

Forbidden Kiss - C3

3 of 20
--------------------
Forbidden Kiss
Chapter 3
Biyahe Papuntang Pangarap
--------------------

“Sir Adrian!” gulat na bati ni LJ kay Adrian at taranta dahil sa ingay na ginawa ng kanyang Ate Jhell.

“Good Morning LJ” nakangiting bati ni Adrian “kamusta ka na?”

“Pasok po muna kayo” nahihiyang paanyaya ni LJ “pagpasensyahan na po ninyo si Ate Jhell, ganuon lang po talaga iyon.” pahabol pa nito.

“Wala iyon” sagot naman ni Adrian.

Hindi pa man nagtatagal ay unti-unting nagkakatao sa labas ng bahay nila LJ at sumisilip-silip pa sa loob ng bahay.

“Sir Adrian” si LJ ulit “nahihiya po talaga ako sa inyo. Talagang ganyan lang po ang mga kamag-anak ko.” wika pa nito.

“Sinabi ngang wala iyon” sagot ni Adrian – “pesteng kamag-anak naman ‘to, paano ako didiskarte, mga nakabantay” bulong ni Adrian sa sarili.

“Wala pala iyan” sabi ng isa “walang dila.” tila nang-uuyam nitong turan sa naging sanhi nang tawanan.

“Magsalita ka naman!” sigaw pa ng isa.

“Ah LJ” bulong ni Adrian kay LJ “talaga bang ganito dito?” tanong pa ni Adrian.

“Opo Sir” sagot ni LJ “pagpasensyahan n’yo na lang po sila.”

“Tabi-tabi, tumabi kayo” sigaw ng isang pamilyar na boses “papasok si the best pinsan.” wika pa nito.

----------------------------------------------------

“Hay Ate Jhell, kahit kelan ka talaga” wika ni Micco.

“Wag ka nang magreklamo” kontra naman ni Jhell at patuloy pa din nitong kinakaladkad si Micco.

“Mabubusog ba ako pag nakita ko ‘yang lalaki na yan?” sabi ni Micco.

“Siyempre naman pinsan” sagot ni Jhell “at maglalaway ka pa” kasunod ang mahinang tawa.

“Tabi-tabi, tumabi kayo” sigaw ni Jhell “papasok si the best pinsan” wika pa nito habang hinahawi ang mga kamag-anak nilang nasa harap ng bahay nila LJ.

Pagkapasok sa loob – “ikaw” halos sabay na naibulalas nila Micco at Adrian.

Handa namang pakitunguhan ng maayos ni Micco ang lalaking magaspang ang ugali kahit na nga ba naiinis siya dito, kaya naman pinilit niyang pakalmahin ang sarili at ayusin ang timbre nang kanyang boses – “Micco” pakilala nito.

Sa kabilang banda naman ay biglang umakyat sa ulo ang dugo ni Adrian at nakita na naman niya ang lalaking tatanga-tanga. “Pagka naman minamalas ka” sarkastikong saad ni Adrian “Micco pala pangalan mo.” – “Pangalan ng tatanga-tanga” mahina nitong usal.

Nagpanting ang mga tenga ni Micco sa narinig mula dito – “Aba’t ikaw na magaspang ang ugali ka” simula ni Micco. “Kay yabang mo wah” sabi ni Micco. “Kala mo kung sinong Pontio Pilato kung umasta!” sarkastiko na din ang tinig ni Micco.

“Magkakilala kayo?” awat sa kanila ni LJ.

“Hindi” sabay nilang sagot.

“Huh, away na ‘yan” sigaw ng mga usiserong kamag-anak.

“Pustahan tayo” sabi ng isa “talo si Micco diyan” kasunod ang isang mapang-asar na tawa.

“Lampa naman kasi si Micco” pang-aasar pa ng isa “hindi marunong sumuntok iyan” dugtong pa nito.

Biglang nakaramdam ng hiya si Micco at naalalang hindi nga pala siya marunong sumuntok – “Mga kamag-anak ko ba talaga kayo?” sigaw ni Micco sa mga usiserong nasa labas.

Bigla din namang napangiti si Adrian sa sinabing ito ng mga kamag-anak ni Micco – “Lakas ng loob maghamon ng away bakla naman pala. Puro yabang lang pala ito.”

“Tigil na yan Micco” awat kay Micco ng Kuya Glenn niya.

“At ikaw naman, huwag masyadong mayabang” sabi ni Glenn kay Adrian.

Sasagot pa sana si Adrian subalit si LJ na ang pumigil sa kanya.

“Para kayong mga bata” pangaral ni Jhell nang makitang kalmado na ang dalawa.

“Pasensya na Ate LJ, Ate Jhell at Kuya Glenn” paghingi ng dispensa ni Micco “buti na lang wala sila Tita dito nakakahiya at may nakapasok na magaspang ang ugali” tirada ni Micco.

“Aba’t” singhal ni Adrian.

“Micco, tumigil ka na” madiing awat ni Glenn.

“Una na po ako” paalam ni Micco sabay labas ng pinto.

“Micco, sandali lang” habol sa kanya ni Ate Jhell niya.

“Sige LJ, nagulo pa tuloy kita. Una na ako, nakakahiya na sa sobrang abala.” mahinahong wika ni Adrian.

“Sige po Sir mag-iingat kayo” paalam ni LJ.

Sa bahay nila Micco.

“Pinsan” sabi ni Jhell “pasensya na” sabi nito kay Micco.

“Ano ka ba Ate Jhell, ayos lang iyon.” nakangiting wika ni Micco.

“Hindi ka galit?” tanong pa nito.

“Bakit naman ako magagalit? Sanayan lang yan” sabi pa ni Micco “lagi mo naman akong pinapahamak.” habol ni Micco kasunod ang isang matamis na ngiti.

“Ikaw talaga Micco” sabay batok ni Jhell kay Micco “kaya ka the best pinsan.”

“Sa talaga naman, kaya nga pag nakikita kita kinakabahan na ako” kasunod ang isang tawa “parang nakakakita ang ng lumalakad na delubyo.” pahabol pa ni Micco.

“Ganuon pala?” nakataas ang kilay na sinabi ni Jhell sabay pingot kay Micco.

“Aray” birong sabi ni Micco.

“Micco” madiing tawag kay Micco mula sa labas.

“Patay na!” mahinang usal ni Micco.

“Ayan na ang guardian devil mo” sabi ni Jhell “change character na, bilis.” komento pa ni Jhell.

At nakapasok na nga sa loob ang may-ari ng tinig na ito.

“Bakit Kuya Glenn?” nakayuko at malungkot na sabi ni Micco. “sige maawa ka sa akin, tingnan ko lang kung pagagalitan mo pa ako” – sigaw ng isip ni Micco.

Pagtingin ni Micco ay agad niyang nakita ang matiim na tingin ni Glenn sa kanya. “Patay na! Lagot kang Micco ka” sabi niya sa sarili “wa epek, pacute na lang kaya ako para kumalma si kuya Glenn?” habol na komento pa ng kaniyang utak.

Palibasa ay bunso sa lahat ng magpipinsan sa side ng tatay kaya naman alagang-alaga ng kanyang mga pinsang sila Kuya Glenn, Ate Jhell at Ate LJ.

“Ikaw na bata ka” sabi ni Glenn “kahit kailan ka, pinapairal mo pagiging tanga mo” sabi pa ni Glenn “lakas nang loob mong maghamon ng away. Bakit marunong kang sumuntok?”tanong nito kay Micco.

“Hindi” sagot ni Micco “andiyan ka naman para sumuntok weh” sagot ni Micco.

“Loko” sigaw sa kanya ni Glenn.

“Naku kuya Glenn, kahit galit ka cute ka pa rin at ang gwapo mo pa rin” sabi ni Micco sa sarili “yummy ka pa din, kahit magpinsan tayo papatulan kita.” sabi ni Micco sa sarili na naging sanhi para mapangiti siya nang lihim.

“Anong nginingiti-ngiti mo d’yan?” tanong sa kanya ni Glenn.

“Wala po” sagot ni Micco “kasi iniisip ko po na pinagtanggol mo ko dun sa mokong na iyon” palusot ni Micco.

Nagbago namang bigla ang aura ni Glenn. “Ikaw na bata ka bente ka na, isip bata ka pa din. Sa susunod, huwag ka ng makikipag-away kahit kanino.” saad ni Glenn.

“Opo” isang maamong tupa na ang salita si Micco.

At lumabas na si Glenn sa bahay nila Micco. “Kuya Glenn, nasan na ung kiss ko?” sabi ng utak ni Micco.

“Huh” isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ni Jhell – “best actor ka talaga pinsan” sabi ni Jhell “sige na pinsan, uwi na ako, alam mo na chichismis pa ako kila LJ.” paalam ni Jhell kay Micco.

“Ikaw talaga pinsan, kahit kelan ka” nakangiting paalam ni Micco.

“Angelica is my name and chismis is my game” sabi ni Jhell habang palabas ng bahay sabay kaway kay Micco.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Dumating na ang araw nang pag-alis ni Micco papuntang Italy. Inihatid siya ng pamilya niya sa airport, kasama ang tatlo niyang pinsang sila Glenn, Jhell at LJ.

“Micco” paalam ng nanay niya “mag-email ka madalas ah” bilin nito “saka tuwing gabi mag-online ka, chat tayo sa ym at facebook” pahabol pa nito.

“Si nanay naman, kala mo marunong magfacebook at ym” birong sagot ni Micco na pinipigilang mapaluha.

“Bro” sabi ng isa sa mga ate niya “ingat ka dun.”

“Sure” sagot ni Micco.

“Pinsan, pag may umaway sa’yo dun sabihin mo agad sa akin, uupakan ko kaagad” paalam ni Glenn.

“Bakit may pamasahe ka papunta?” birong tanong ni Micco na pinipilit gawing masaya ang lahat.

“Micco, sorry sa mga kasalanan ko sa’yo, sa mga kinasangkutan mong panganib, sa mga gulong ginawa ko” itutuloy pa sana ni Jhell ang sasabihin pero –

“Ano ako? Mamamatay na?” sabi niya sa dito “Ikaw talaga ate Jhell, baka pagbalik ko ang chismis na pinaglalamayan na ako” kasunod ang mahinang tawa.

“Micco” putol na sabi ni Lj “tinatawag na ata iyong flight mo” singit ni LJ.

“Oo nga ‘no” sang-ayon ni Micco “sige po, alis na ako” paalam nito sa mga iiwanan sa Pilipinas.

Ilang sandali nga at narinig na nila ang eroplano, sigurado silang kasama na duon si Micco at umalis na ang mga naghatid sa kanya. Bumalik na ng San Tadeo para ituloy ang buhay at hintayin si Micco na magawa na ang pangarap sa buhay.

Forbidden Kiss - C2

2 of 20
-------------------------
annexb.wordpress.com
iam.emildelosreyes@yahoo.com
-------------------------
Forbidden Kiss
Chapter 2
Lipad ni Adrian
-------------------------

“Manong, sarado po ninyo agad ang gate pagkalabas ko” utos ni Adrian sa security guard nila.

Carlos Adriano Silvestre Guillemas o Adrian, pangalang bininyag sa isang taong nukunukan ng yabang, suplado at saksakan ng taas ang tingin sa sarili. Anak ng public official at businesswoman. Pangatlo sa apat na magkakapatid at panganay naman na lalaki. Dalawampu’t limang taong gulang at kasalukuyang nagmamay-ari ng isang fine dining restaurant at limang travel agency. Successful na negosyante at dahil sa isang trahedya, naging masama ang tingin niya sa mundo.

“Tito” bati nang mga pamangkin ni Adrian “mag-iingat ka tito” pagkasabi nito ay humalik ang mga ito kay Adrian.

“Papakabait kayo” bilin ni Adrian sa mga ito.

“Yes tito” sabay-sabay na sagot ng mga pamangkin ni Adrian.

Pagkasabi nito ay sumakay na si Adrian sa kotse niya at pinaandar ito. “Manong ung gate!” utos ulit ni Adrian “salamat po.”

Si Adrian na ang tumayong tatay sa mga pamangkin niya pagkatapos ang trahedya na nangyari sa kanyang mga kapatid. Pabalik na ang mga kapatid niya ng Maynila galing bakasyon nang harangin ang sinasakyan nilang kotse. Pinagnakawan at binaril silang lima – ang dalawa niyang ate at ang mga asawa nila pati ang bunso niyang kapatid. Malapit na ang eleksyon nang maganap iyon, sa hinala nila ay pulitika ang totoong motibo, inuulan na kasi sila ng mga death threat para wag tumakbo ang kanyang ama sa pagkagobernador, dahil dito, sigurado silang hindi ito simpleng pagnanakaw lang. Oo, masakit man pero unti-unti niyang natatanggap na wala na sila at ang hustisya? Nabuo na ang paniniwala ni Adrian: Hustisya? Oo, walang pinapanigan ang hustisya. Kaya nga nakapiring ang mata nito. Dahil nga sa nakapiring at kadalasan ay bulag pa nga daw, hindi na nila makita kung sino ang tunay na may kasalanan. Nagtya-tyaga sa pakapa-kapa at gabay ang anino ninuman. Manong alisin ang piring at tumimbang ng tama.

Biglang nag-ring ang cellphone ni Adrian –

“Hello Pa” sabi ni Adrian.

“Nasaan ka ba ngayon?” tanong ng Papa ni Adrian.

“Papunta po ako ng San Tadeo” sabi ni Adrian.

“Manliligaw ka na naman?” wika ng papa ni Adrian “umuwi ka kaagad at pumunta ka sa opisina”

“Yes Pa!” malungkot na sagot ni Adrian sabay pindot sa end call.

Iyon naman ang Papa ni Adrian, lagi at lagi siya kung ipatawag nito sa opisina. Lagi at lagi siya kung papuntahin sa kapitolyo para sa kung anu-anong bagay – kahit na sa Maynila nakatira si Adrian ay pilit pa din siyang pinapauwi nang San Carlos para lang i-train daw na maging pulitiko – sa gawaing pangkapitolyo. Pati nga lovelife ni Adrian ay kanya nang napabayaan, higit pa at ayaw niyang biguin ang ama sa kung ano ang nais nito para sa kanya.

Hindi naman kasi kami masyadong close nitong suplado na’to, sa pagkakaalam ko, nakakalimang girlfriends pa lang siya, at limang taon ang pinakamatagal. Kawawa nga si Adrian, kasi minahal niya nang sobra-sobra pero niloloko na pala siya. Sa ngayon ay may bagong tinatarget ang gwapo, mayaman, antipatiko at mayabang na si Adrian. Ito nga ang pupuntahan niya ngayon, at kahit hindi niya alam kung saan ito nakatira, basta desidido siyang hanapin at makita ito.

Pagkalabas ng NLEX ay agad na nagtanong si Adrian. “Bata saan ang San Tadeo?”

“San Tadeo na ito” sagot ng batang pinagtanungan niya.

“Saan ang Poblacion?” tanong ulit ni Adrian.

“Poblacion po ba?” sagot ng bata “diretsuhin n’yo lang po iyan at may makikita na kayong palatandaan na Poblacion na, pagkulay yellow na ang mga poste” sagot ulit ng bata.

“Salamat” pagkasabi nito ay pinaandar na ni Adrian ang kotse. Hindi nga naglaon ay narating na niya ang binigay na palatandaan ng bata. Nakikita na niya ang mga kulay dilaw na poste. Pinaharurot niya ang kanyang kotse at sa isang iglap –

“Putcha” bigla niyang preno.

“Sorry” sigaw ng nagbibisikleta na tuloy sa pagpipidal.

Lumabas si Adrian ng kotse at sumigaw “Fuck you!” – “bwisit na iyon, muntikan pa akong mapagastos ng hindi oras” sabi niya sa sarili.

“Sorry” sigaw ulit ng nagbibisikleta at saka nag-iwan ng ngiti.

“Tarantadong iyon” wika niya ulit sa sarili – “Stupid! Idiot” muli niyang sigaw dito – “ngingiti-ngiti pa kala mo naman kay gwapo. Bakla siguro iyon” dugtong pa ng isip ni Adrian.

Muli siyang sumakay ng kotse – “he is not worthy for anything” sabi ni Adrian sa sarili.

Wow! Kabigla iyong expression niya para sa isang pinalaki ng isang koserbatibong pamilya – bawal magmura, magsabi ng hindi magaganda. Dahil sobrang higpit sa kanilang na bahay daig pa si Ms. Minchin, sa labas lang niya nagagawang ipakita lahat ng kagaguhan at katarantaduhan niya sa buhay. Kung tutuusin, mabait ito pagkaharap ang mga magulang, subalit may sungay pag nakalabas na. Animo’y isang aso na mabait sa amo, subalit saksakan ng tapang sa mga hindi kilala

Maya-maya pa ay muli siyang huminto ay nagtanong sa mga nakaparadang tricyle – “Manong saan po dito nakatira ang mga Pascual?” tanong ni Adrian.

“Ahh! Kila pareng Toto ba?” tanong ng mamang pinagtanungan niya.

Hindi man sigurado ay – “Opo” sabay na napakamot ito ng ulo at mahinang “yata.”

“Diretsuhin mo iyang kanto na iyan, pagkatapos kumaliwa ka, pagkadating mo sa may patubig, lumiko ka ulit, diretsuhin mo na iyong bukid na iyon at anduon na ang hinahanap mo” pagbibigay direksyon ng mama.

“Salamat po” nagpanggap si Adrian na naintidihan niya si manong – “hindi bali, magtatanong na lang ulit ako” sabi niya ulit sa sarili.

Marahan siyang nagmamaneho nang makita niyang may nagbibisikletang tumumba sa may pinitak. Binilisan niya ang takbo ng kotse para tulungan ito at iyon nga ang nangyari, nakita niyang pilit itong tumatayo. Hindi niya masyadong makita ang mukha dahil sa putik na nasa mukha nito ngunit pamilyar ang lalaki sa tingin niya.

“Salamat” wika ng lalaki na bigla namang natulala.

Umakyat sa ulo ang dugo ni Adrian nang makilala kung sino itong tinulungan niya – “Tatanga-tanga ka kasi” mariing wika ni Adrian “di ba ikaw ung kanina?” tanong pa niya dito.

“Aba!” sabi ng lalaking tinulungan niya “tutulong ka na lang din, nagagalit ka pa” dugtong pa ng lalaki.

Lalong uminit ang dugo ni Adrian sa ginawang pagsagot ng lalaki – “Tanga ka naman kasi” bigla niyang sagot.

“Mabuti nang maging tanga kesa naman maging magaspang ang ugali na kagaya mo” depensa nig lalaki sa sarili. “Bakit close ba tayo para gumanyan ka?” pahabol pa nito “feeling close” mahina nitong usal.

“Ikaw na nga lang ang tinutulungan, ikaw pa ang gumaganyan” sabi naman ni Adrian na biglang natauhang hindi nga pala niya kilala ito at kung anu-ano ang pinagsasabi niya.

“Kasi kung lumait ka kala mo close tayo” sabay sakay ng lalaki sa bike at nagpedal ulit “salamat na lang ulit” pahabol nitong sigaw kay Adrian.

“Matumba ka ulit sana” ganting sigaw ng lalaki.

Pagkasabi ni Adrian nito ay agad naman siyang sumakay sa kotse at muling pinaandar.

Bakit ba galit na galit si Adrian sa tatanga-tangang lalaki na’to? Pinakakinaiinisan kasi niya ang mga taong patanga-tanga. Suplado man at mayabang, hindi naman talaga madaling uminit ang kanyang ulo, may mga piling tao lang talagang kahit sa unang kita palang ay kinaiinisan na.

Pahabol, huwag na huwag ninyong huhusgahan si Adrian base sa ginawa niya sa tangang lalaking iyon. Maiintindihan ninyo din sa susunod pang mga kabanata. Kalimutan na natin siya at kwento ito ni Adrian, hanapin na lang natin ang bahay ng liligawan niya.

Muling bumaba si Adrian at nagtanong – “Miss” tawag niya sa babae “saan po ang bahay ng mga Pascual?” tanong niya sa babae ng lingunin siya nito.

“Sinong Pascual ba ang hinahanap mo?” tanong ng babae.

“Kila LJ Pascual po” sagot niya, ngunit imbes na sagutin ay –

“Bakit ano ang kailangan mo kay LJ?” sabi ng babae “umamin ka?” tanong pa ulit nito.

Tila nahiya naman si Adrian – “kaibigan lang po” sagot nito.

“Umamin ka” sabi ulit ng babae na walang preno sa pagsasalita “manliligaw ka ano?” diretsang tanong nito.

Napakamot na lang sa ulo si Adrian at – “opo, sana.”

Tila kinilig ang babae – “si pinsan talaga, laging mayayaman ang natutuhog, matatabang isda ang nahuhuli” sabi nito.

“Duon un sa kabilang bahay.” sabi nito sabay turo sa katabing bahay.

Nagulat na lang si Adrian nang marinig niya ang babae – “may bagong boyfriend na si LJ nasa bahay nila ngayon” sigaw nito at nang lingunin niya ay nakita niya itong tumatakbo.

“Patay” tanging sambit ni Adrian at tinuloy na ang pagpunta sa bahay na itinuro sa kanya.

Ano na kaya ang mangyayari kay Adrian? Hala! Sige na nga, abangan na lang at sana sa next chapter huwag nang maging trying hard ang humor.

Forbidden Kiss - C1

1 of 20
annexb.wordpress.com
iam.emildelosreyes@yahoo.com
--------------------------------
salamat kay mama d at ginawa niya akong author/contributor sa fall in love with dalisay.
--------------------------------

Forbidden Kiss
Chapter 1
Pangarap ni Micco

--------------------------------

Ang sarap talagang mamisikleta tuwing sabado nang umaga. Sa bawat pagpidal mo ay pahuni-huni ka pa habang iniikot ang buong baranggay. Sarap langhapin ng sariwang hanging nasa paligid mo, ang ginintuang bukid tuwing anihan, ang huni ng mga ibon, at ang ingay ng mga batang patakbo-takbo at naglalaro sa daan. Ayos na sana ang umaga ni Micco, subalit makikita na naman niya ang halimaw niyang pinsan, inutusan kasi siya ng nanay niyang bumili sa tindahan ng mga ito na tatlong kanto pa ang layo mula sa kanila.

Si Micco o si Michael Ceasar Caleon delas Nieves, ang lalaking may tatlong ang lahi: Kastila, Intsik at Pilipino. Galing sa isang masayang pamilya. Sa side ng tatay ni Micco ay isang saksakan ng plastic na lahi, este isang magandang makisamang lahi. Bitterness – sa totoo lang bitter si Micco sa mga tyahin niya na nuknukan ng babait. Sa side naman ng nanay ni Micco ay lahi ng mayayabang, ay mali, mayayaman pala. Ang kanyang mga lolo at mga lola naman ay sobrang mababait, maalalahanin at malalambing – tanging kay Micco lang ganito ang mga ito, siya kasi ang bunso ng kanilang mga bunso. Kaya nga lagi na lang siyang pinag-iinitan ng mga pinsan niyang inggitero at inggitera. Laging hinuhubuan nuong siya ay bata pa. Maglaway sila hanggang gusto nila, mainggit sila hanggang kaya nila – linyang tumatak na sa isip ni Micco.

Dalawampung-taong gulang, bagong graduate sa kolehiyo at higit sa lahat ay sisimulan na ni Micco ang pagtupad sa kanyang mga pangarap. Isa lang naman ang pangarap niya buhay, ang maging performer. Sa katunayan, malapit na ang kanyang lipad papuntang Italy, kinakabahan na dahil tatlong araw na lang at aalis na siya at iiwan na ang minamahal niyang probinsya.

“Micco” tawag kay Micco nang tyahin niya “dahan-dahan lang sa pagpipidal, baka mabangga ka.” sigaw sa kanya nito.

“Opo” sagot ni Micco “salamat po.” nakangiting wika pa nito.

Iyan si Shawie, este si Tita Eka pala, tinatawag na Shawie kasi siya lang naman ang nag-iisang megastar ng lahi nila Micco. Linggo-linggo, iba-iba at nadadagdagan ang kaaway niyan. Pati nga ang nanay at tatay ni Micco inaway na din nito, buti nga nagkabati pa, sayang, sana hindi na, isang sumpa pa ang naging pagkakabati ng mga ito. Matagal na ngang isinusuka ni Micco ang tita Shawie niya. Asawa iyan ng kapatid ng tatay ni Micco, ung kapitan ng barangay nila na under de saya, kaya si Tita Shawie ang talagang kapitana. Reyna yan ng buong baranggay, hindi pwedeng makakalamang ka, kasi siguradong aawayin ka – insecure kasi. Sa katotohanan, matagal ng crush ni Micco ang Ate Melissa niya, ung bunsong anak nila Shawie.

Kalimutan muna si Tita Shawie, kwento muna ni Micco ang atupagin natin. Ang nanay niya ay titser, titser sa eskwelahang pag-aari naman ng pamilya nito. Humble kasi ang nanay ni Micco kaya ayaw niya na tawaging administrator. Sikat sa buong bayan dahil karamihan ay naging estudyante niya. Ang tatay naman ni Micco ay isang pulitiko, mana sa lolo niya. Tatlong eleksyon nang tumatakbong mayor pero laging talo – babaero kasi. Haciendero at pagmamay-ari niya ang pangatlo sa pinakamalaking lupang agraryo sa buong San Tadeo.

“Ahhh” pamaya-maya ay sigaw ni Micco sabay pihit pakaliwa sa manibela ng bisikleta niya, diretso pa din ang takbo sabay sigaw ng “Sorry.”

Sabay hinto ng kotse at baba ang drayber. “Fuck you!” sigaw nito.

“Kinikilig ako” sabi ng utak ni Micco “Fuck me daw” – “Fuck you too!” ang gusto niya sanang isagot – “Sorry” ulit niyang sigaw sabay tingin sa lalaki at isang ngiti.

“Stupid! Idiot” pahabol na mura pa ng drayber kay Micco na halata ang lalong pagkainis sa kanya.

“Cute ka sana” sabi ni Micco sa sarili “kaso magaspang ugali mo” dugtong pa nito “pero pwede ka na, yummy ka naman tingnan” kasunod nun ang mahinang tawa na ikinatumba niya sa bisikleta.

“Hoy Micco” bati kay Micco nang pinsan niya “para kang abnormal” sabay tulong sa kanya para tumayo.

“Kay agang karma” sabi ni Micco sa sarili “salamat kuya Glenn” sabi ni Micco “kaya kita mahal” dugtong naman ng isip niya. Pagkatayo ay pinagpatuloy na niya ang pagbibisikleta.

Iyan naman si Kuya Glenn, para kay Micco ay pangatlo ang Kuya Glenn niya sa pinakayummy niyang mga pinsan sa side ng ama. Oo na, alam ko may tanong ka – tama silahis si Micco, bisexual, bading, bakla, bayot o kung ano man ang gusto ninyong itawag, pero secret lang natin iyon, ako na narrator at si Micco lang ang nakakaalam nun.

May tatlong kapatid si Micco, puro mga babae at mas matatanda ito sa kanya, pero walo silang magkakapatid. Magulo ba ang Math? Eto ang dahilan: Apat silang pare-pareho nang nanay at tatay, at walo naman silang pare-pareho lang ng tatay. Tama! Apat ang kapatid nila sa labas na mas matatanda din kay Micco – puro sila lalaki at kagaya daw ni Micco, mga gwapo din. – By request, kwento naman ito ni Micco kaya dapat gwapo siya, pagbigyan na lang natin. Stop muna ang echos, malapit nang huminto si Micco sa pagbisikleta kasi malapit na siya sa tindahan ng halimaw.

Biglang hininto ni Micco ang bisikleta at bumaba sa tindahan.

“Pagbilan po” tawag ni Micco “pabili” lalong lakas pa ng sigaw niya dito.

“Anong bibilin mo?” tanong sa kanya ng nakasimangot na tindera.

“Ate pabili po ng asukal at toothpaste, ung pepsodent” sabi ni Micco sa tindera.

“Ilang kilong asukal saka anung colgate? Ung pepsodent ba?” tanong nito.

“Isang kilo lang po na asukal. Opo pepsodent po na colgate” sagot ni Micco – “ayos un, generic name na ang colgate” buyo ng utak ni Micco na nagpipigil sa pagtawa “pagbigyan na, makiride na lang tayo, colgate na pepsodent.”

“Eto na” sabay abot sa kay Micco at inabot din naman nito ang bayad. Dagling sumakay sa bisikleta niya si Micco at pumidal ulit para makauwi na.

Iyon naman ang pinsan niyang si Ate Trish. Maganda, seksi at... Matalino? Basta maganda yun. Mabait? Seksi talaga, perfect curves. Tawa ka naman diyan, punchline kaya ‘yun. Madaming naiinis dun, bukod kasi sa katarayan at kasungitan, bulaklak din ng San Tadeo iyon, bulaklak ng bayan nila Micco. Kung kani-kanino kasi kumakabit at pumapatol. Wala naman tayong pakialam sa kanya dahil hindi niya kwento ito. Ituloy na ang narration ng buhay ni Micco.

Lovelife? Zero lovelife si Micco ngayon, pero nagkaroon ng girlfriend nung grade 4 at isa nung third year high school. Dalawa lang naman, pero kailan ba niya narealize na silahis pala siya? Nuong college iyon. super yummy kasi mga kaklase niyang lalaki, ‘tas sabay-sabay pa silang maliligo after ng P.E. aba, bigla na lang nagladlad ang Micco – tumataas si junior niya.

Habang nagpipidal si Micco ay “Ahhhh” biglang niyang sigaw nahulog sa pinitak. Napuno nang putik ang puting-puti niyang damit at ang bike niyang bagong linis ay dumagan na halos sa kanya.

“Tilapiang bilasa naman” usal ni Micco habang pinipilit na tumayo.

Mainam na lang at may huminto sa tapat niya para tulungan siya. Agad naman niyang inabot ang mga palad nito at hindi nga naglaon ay naitayo na siya at naiahon mula sa pinitak.

“Salamat” sabi niya dito. Pagtingin niya ay bigla na lamang siyang natulala dahil sa pamilyar nitong anyo.

“Tatanga-tanga ka kasi” anas ng lalaki na madiin ang boses “Di ba ikaw ung kanina?” tanong pa nito “tanga ka nga talaga” sabi pa din ng lalaki.

“Aba!” sangga ni Micco “tutulong ka na lang din, nagagalit ka pa” sabi ni Micco.

“Tanga ka naman kasi” sabi ng lalaki.

“Mabuti nang maging tanga kesa naman maging magaspang ang ugali na kagaya mo” depensa ni Micco. “Bakit close ba tayo para gumanyan ka?” pahabol pa niya “feeling close” mahina niyang usal.

“Ikaw na nga lang ang tinutulungan, ikaw pa ang gumaganyan” sabi naman ng lalaki.

“Kasi kung lumait ka kala mo close tayo” sabay sakay ni Micco sa bike at pedal ulit “salamat na lang ulit” pahabol niyang sigaw dito.

“Matumba ka ulit sana” ganting sigaw ng lalaki.

“Akala mo kung sino” sabi ni Micco habang nagpipidal pauwi.

“Kung gaano kagwapo ganun naman kapangit ang ugali” anas pa niya.

Natural, pagdating sa bahay inulan siya nang pangaral mula sa ina. Pero sa bandang huli, labas at pasok lang sa tenga niya. Naglinis nang katawan sa pinakamabilis na paraan at muling bumili nang asukal at colgate na pepsodent. Isang mabilis na byahe lang ang ginawa ni Micco at hindi pa nagtatagal ay nasa bahay na ulit siya.

“Micco” tawag sa kanya ng pinsan niya “bilisan mo at pumarini ka.”

“Ano po iyon Ate Jhell?” tanong niya agad sa pinsan “may problema po ba?” kasunod niyang tanong.

“Si LJ, si LJ” natatarantang sabi nito

“May masamang nangyari po ba kay Ate LJ?” tanong pa ni Micco na agad kinabahan.

“Si LJ may manliligaw.” sagot sa kanya ng pinsan.

“Tilapiang bilasa ni San Andres” wika ni Micco sabay palatak “iyon lang pala, akala ko emergency.”

“Bilis puntahan natin” sabi ng Ate Jhell niya sabay hatak sa kanya.

Iyan si Ate Jhell ni Micco, kung tutuusin siya na ang pinakamalapit kay Micco sa lahat ng pinsan niya. Siya naman ang Cristy Fermin ng baranggay. Chismosa, lahat ng balita sa kanya galing, at ang sikreto, di uso iyon sa kanya, wala siyang konsepto ng sikreto. Ang balitang simple, pag siya na ang nagkwento, sobra ang adlib. Matalas din ang dila, walang preno ang bibig at kayang magsalita nang 10 words per second.

“Kelan kaya nababawasan ang pagkachismosa ni Ate Jhell?” sa isip-isip ni Micco habang hatak pa din siya nito papunta kila LJ.


--------------------------------

Saturday, January 1, 2011

Nelatch

By: Jayson
FB: www.jaysoncbucable@aim.com
Blog: www.jaysoncnu.blogspot.com
==========================
Ang kwento pong ito ay hango sa totoong pangyayari na naikwento sa akin ng isang kaibigan. Pinalitan ko lang po ang mga pangalan ng mga tauhan. Hindi po nito hangad na manira, Minsan kailangan po nating makita ang negatibong bahagi ng ating lipunan upang makita natin ang ating posisyon at kahalagahan sa minimithi nating pagbabago. Enjoy and thanks for your constant support!
==========================

Alas onse na ng gabi, bit-bit ni Jed ang isang DVD na binili niya galing sa night market. Ang night market ay parang baklaran version ng Colon street sa Cebu tuwing December. Marami ang namimili dito dahil sa mura lang ang mga bilihin. Si Jed ay nakabili ng isang DVD sa halagang beynte pesos lang, napagpasyahan niyang bumili din ng rosas sa may freedom park. Naglakad lamang siya dahil sa malapit lang naman ito mula sa Colon street. Naglalakad siya sa kalsada ng mapansin niya ang isang grupo ng kabataan na nakatambay sa may kanto ng isang sikat na unibersidad. Nasa katorse hanggang dese otso anyos ang edad ng mga batang ito. Karamihan ay nakasoot ng damit na pang rapper or hip hop dancer. May itsora naman ang mga batang ito at di rin naman mukhang rugby boys ngunit sa panahon ngayon ay marami ng holdaper kaya medyo mag aalangan ang sino man na lumapit o di kaya ay magtanong sa kanila. Binilisan ni Jed ang paglakad at ng makita niya ang isang babae na nagtitinda ng prutas sa gilid ng unibersidad agad siyang huminto at nag nanatili lang dun nagbabaka sakaling makaligtas sa mga masasama ang loob. Sa pangamba niyang maholdap ay napagpasyahan nalang niya na umuwi at mag abang ng taxi. Ilang saglit lang may napansin siyang isang binatilyo; nakaputi ng t-shirt at naka short ng maong, naglalakad ito patungo sa kinatatayuan niya, kinabahan siya, ganito din kasi ang eksina nung naholdap siya sa may labas ng Robinsons mall. Dumaan ang binatilyo sa harapan niya, hindi naman tumingin sa kanya ngunit narinig niyang sinambit nito ang katagang “Nelatch”. Di niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon kaya di nalang niya pinansin. Nakalagpas na sa kanya ang binatilyo at sinundan naman niya ito ng malagkit na tingin. Lumingon ang binatilyo at nagkasalubong ang kanilang mga mata.

“Sir, nelatch? “ sabi ng binatilyo na nakatingin kay Jed. Sa pagkakataong iyon, alam na ni Jed na siya ang kausap ng binatilyo. Tumingin lang si Jed sa binatilyo at bakas sa kanyang mukha ang pagkalito at ang kilay niya ay nagkasalubong na para bang nagtatanong “ano?”

Bumalik ang binatilyo at sa puntong iyon huminto sa tapat ni Jed “Sir, neltach po?” tanong ng binatilyo.

“Ha? Anong nelatch?” isang tanong ang isinagot ni jed sa tanong ng binatilyo.

Ngumiti ang binatilyo “Sir bago po kayo dito?”

“Oo, bibili lang sana ako ng rosas dyan sa may freedom park.” Sagot ni Jed.

“Gusto niyo po ng nelatch?” tanong ulit ng binatilyo.

“Pasensya na ha, di kasi kita maintindihan eh. Ano ba yung nelatch?” pagbalik ni jed sa tanong ng binatilyo.

“serbis po sir, kahit anong trip niyo. 100 lang po” sagot ng binatilyo sabay bitaw ng isang pilyong ngiti.

Di makasagot si Jed sa narinig, na shock kung baga. Ikaw ba naman ang makarinig ng ganoon galing sa isang cute na binatilyo.

“So ano po sir? Gusto niyo?” tanong ulit ng binatilyo.

“Huh, sure ka?” gulat na sagot ni Jed sa tanong ng binatilyo.

“Opo sir, marami kami dito. Kung di nyo pa nasubukan eh subukan niyo po, sigurado akong magugustuhan niyo kasi magaling ako.” Pang akit ng binatilyo. “May motel dyan sa may kanto sengkwenta lang” dagdag pa nito.

Biglang nalibugan si Jed at bakas ang pagtigas ng alaga niya sa soot nitong shorts. Ngunit, sumagi sa kanyang isip ang mga naririnig sa balita na mga baklang pinapatay sa loob ng motel o di kaya yung hinoholdap. Sa panahon ngayon di mo na alam kung sino ang pwede pagkatiwalaan.

“Salamat, di na siguro.” Sabi ni Jed na medyo nanginginig ang tinig sabay para sa taxi na papalapit. Nang huminto ang taxi, dali-dali siyang sumakay “Nong sa Brgy. San Roque po tayo.” Sabi niya sa driver.
Nang nasa taxi na siya, iniisip pa rin niya ang binatilyo. Gwapo ito, nasa desye siete anyos, matangkad, puti at singkit ang mata. Di niya mawari kung paano naging ganun ang trabaho ng binatilyo. Noon lang din niya narinig ang salitang nelatch na ang ibig sabihin pala ay serbis.

“Nong, alam niyo po ba kung ano ang nelatch?” tanong ni Jed sa driver.

“Ah yung nelatch ba? Yun ang tawag sa kabataang tumatambay diyan sa corner ng Bormeo street. Nag aalok sila ng serbis sa mga bakla. Sila mismo ang mag roromansa at chuchupa sayo. Marami ngang bakla at silahis ang pumupunta diyan tuwing sabado at linggo.” Sagot naman ng driver “Bakit inalok ka ba nung binatilyo?” dagdag pa nito.

“Ah sabi po niya nelatch, kaso di ko po maintindihan eh.” Sagot naman ni Jed.
“Hahaha, ganun talaga dun. Kapag natunugan nila ang kulay mo ay lalapitan ka talaga!” patawang sabi ng driver.

Lalo namang nanigas ang alaga ni Jed sa sinabi ng driver at tumahimik na lamang siya. Malapit na sila sa may cathedral “Nong, paki para po. Bababa na po ako” sabi ni Jed. Pagkababa niya may nakita siyang tricycle at pinara ito “Dong, sa may Boromeo street tayo.” Sabi niya sa batang driver ng tricycle de padyak. Kumakabog ang kanyang dib-dib sa kaba ngunit parang sasabog na rin ang alaga niya at gusto nang kumawala sa brief nito. Nang malapit na sila sa kanto ng Boromeo ay pinatigil na niya ang tricycle. Naglakad siya patungo sa gate ng unibersidad nang nilapitan siya ng isang binatilyo. Hindi ito ang bintalyong lumapit sa kanya kanina, Moreno ang isang ito, matangkad din at mas matipuno ang katawan. Halata na nagbabanat ito ng buto.

“Nelatch...nelatch..” sambit ng binatilyo na para bang nagtitinda ng karne sa may palengke habang papalapit ito kay Jed.

Kinabahan si Jed, ngunit mas matindi ang libog na nadarama nito. Kinilatis niya ang binata na sa tingin niya ay nasa dese nwebe anyos na. “Anong pangalan mo?” tanong ni Jed.

“RR po sir.” Sagot naman ng binata.

“Ilang taon ka na?” tanong ulit ni Jed.

“dese nwebe na po.” Sagot ulit ng binata.

Pumara ng taxi si Jed “Nong sa may SOGO hotel po tayo.” Sumakay si Jed at tiningnan ang binata “RR halika na.” Anyaya niya. Tahimik lang sila hanggang sa makarating sa hotel.

“Magkano ulit ang bayad sayo?” tanong ni Jed bago pa sila pumasok sa hotel. Libog na libog na siya.

“150 po.” Sagot ng binata. Mas mahal ang isang to, pero okay na kasi gwapo naman ito at saka affordable lang din naman ang 150.00.

“okay.” Tugon naman ni Jed.

Pumasok silang dawala sa loob ng SOGO hotel...

(Ang susunod na eksina ay medyo masilan kaya its only available upon request. If gusto niyo pong mabasa ang torrid scene na ito ay maari po lamang na i- rate nyo po ang star rating sa blog ko


Pagkatapos po ay mag send po ng email sa akin sa king_sky92@yahoo.com. Please indicate in your email if you are a follower of my blog at kung naka rate na po kayo. I will get back to you with the torrid scene ng kwentong ito. I appreciate your constant support. Happy New Year!