FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Mabilis
na nakauwi si FR sa kanilang bahay. He got home worried with what
happened. Hindi nya alam ang nararamdaman nya. He wants Daniel to
realize that he's right when he told him he's a brat. On the
contrary, nakakaramdam sya ng matinding sadness nang makita nyang
umiyak si Daniel.
He put his bag sa kanyang upuan at
mabilis syang nagpalit ng pantulog. Patuloy na nagfaflashback sa
kanya ang mga nangyari ngayong araw na ito. Ang pagkikita nila ni
Daniel, ang pagpasok nya sa theater, ang biglaang midnight snack nila
ni Daniel sa McDo, ang mga away at sigawan nila. Siya ay
napabuntong-hininga.
Mabilis syang humiga matapos punasan
ang basang mukha dala ng kanyang paghihilamos. Nagpagulong-gulong sya
sa kama dahil kahit sobrang pagod na ang kanyang katawan at isip,
hindi pa rin sya makatulog.
He looked at his phone and saw missed
calls. Tinignan nya kung sino, hindi nga sya nagkamali, si Daniel.
Napangiwi sya sa hindi malamang dahilan. Nakita din nya ang mga
messages. Lahat ng text messages ay galing pa rin dito.
“FR, I'm sorry.”
“FR, Nasaan ka na? I'll send you
home. Babawi ako.”
“FR?”
“FR, reply ka naman. Di ako
makakatulog ng di tayo nagkakabati.”
“FR? Pag di ka magrereply ngayon,
gagawan ko ng paraan para makita kita kahit di ko alam ang bahay mo.
Wag mo kong susubukan.”
Napabuntong-hininga si FR. Biglang
pumasok sa isip nya ang kanyang nobyang si Cindy. Hindi nya alam pero
naisip nya na kaya nyang iwanan si Cindy para kay Daniel. Bakit
pumasok sa isip nya, hindi din nya alam. Hindi nya alam, pero parang
droga ang dating ni Daniel sa kanya. His eyes, his lips, his face,
could it get any better? Napangiti sya. Ilang segundo pa, bigla syang
natulala. Hindi alam ni FR ang nangyayari sa kanya.
Hindi na sya nagreply kay Daniel.
Pumikit sya pinilit na magconcentrate matulog.
He succeeded. Kinain na ng dilim ang
kanyang katawang lupa.
Mabilis
na pinaharurot ni Daniel ang kanyang kotse nang makitang sumakay na
nga ng bus si FR. Nanlumo syang bigla. Alam nyang may pagkasutil sya
pero hindi nya matanggap na brat sya. Para sa kanya, hindi sya brat.
At hindi nya matatanggap na brat sya.
I'm not a brat.
Nagbuntong-hininga
sya. Aminado syang mali nga sya sa pagsigaw kay FR pero alam naman ni
FR na ayaw nya na tingin sa kanya ay brat. Mabilis nyang dinaanan ang
norteng parte ng EDSA. Wala pang 30 minutes ay nakarating na sya sa
pad na binili ng kanyang magulang sa Gilmore.
He looked at his
unit. Kakabili lang nito months ago. He makes sure na laging
napapalinis ang kanyang unit once a week. Ayaw nya ng mabaho. Ayaw
nya din ng makalat at madiwara sa gamit. Feeling so low dahil sa
nangyari, ibinagsak nya nalang ang kanyang patang katawan sa navy
blue na sofa set. He covered his face with his hands. Seconds after,
sya ay nagbuntong-hininga.
He grabbed his
phone at tinext nya si FR.
Nairita sya dahil
hindi man lang sumasagot ni FR. Naisipan nyang tawagan ito, but to
his dismay, wala ding sagot.
He flooded FR's
inbox by sending a lot of messages. FR never answered, even his phone
calls. Daniel felt despair. He has to make it up with him. He has to.
Kung hindi, hindi nalang nya alam.
Dinampot nya ang
remote control ng kanyang TV at ibinukas ito. Wala syang mapanuod na
matino. Pinanuod nalang nya sa HBO ang Mean Girls na ilang beses
narin naman nya napanuod. He laughed at some parts of the movie pero
he's still bothered with what happened sa kanila ni FR. Sya ay
nagbuntong-hininga.
Naramdaman ni
Daniel ang pagbigat ng kaniyang talukap. Maya-maya pa, sya ay
nakatulog.
Maingay
ang klase noong araw na iyon dahil sa isang debate patungkol sa isang
paksa sa klase ni Mrs. Trinidad. It's their Philosophy class at
pagibig ang kanilang paksa. Mrs.Trinidad asked the kids if they are
still willing to take a risk with someone kahit alam nilang iiwan din
sila nito. The students divided themselves at magkakampi sila ngayon
sa kanilang debate.
“Franco.”
“Yes
Ma'am.” nagulat na sabi ni FR sa kanyang propesora
“Umpisahan
mo.”
“Ang?”
nagtatakang tanong nito
“Gaga.
Yung topic. Umpisahan mo na ng discussion.” sabat nito kay FR
“Hmm.”
FR cleared his throat
“For
me, I would surely take a risk kahit na alam kong iiwanan din ako.”
His professor
smiled.
“Would
you mind elaborating why Mr.Gamboa?”
FR took a deep
breath.
“Go
FR!” pabulong na sabi nito sa kanya
“Manahimik
ka nga Pixel.”
“Chusera.”
“Mr.Gamboa,
I'm waiting.” naiinip na sabat ng kanyang propesora
“Ahh.
So-sorry. Let's put it this way. I have always believed that
relationships are transitory.”
“Transitory?”
his professor butt-in.
“Yep.
Relationships are transitory, they are all good, but not the
permanent one.”
“I
see.” nakangiting sabi ng kanyang propesora
“Having
said that, whenever we enter a relationship, we should be open-minded
enough to know or even anticipate it's end. Kahit anong gawin natin,
kahit gaano pa man natin pigilan, lahat ng bagay, kahit gaano pa ito
kaganda, may katapusan. Ang mahalaga ay natuto tayo. At iapply natin
ang mga bagay na natutunan natin sa relasyon na yon sa mga dadating
pa sa atin.”
His professor
looked impressed with his answer.
“How
about the other team? Paano nyo tatapatan ang sinabi ni Mr.Gamboa?”
One of his
classmates stood up.
“Staying
in a relationship na inaanticipate mo ang end is just a plain
hypocrisy.”
Pixel smiled with
what she has heard.
“Bakit
ka pa papasok sa isang relasyon na alam mo din naman na masasaktan
ka? Who doesn't long for someone to hold and knows how to love you
without being told? Who doesn't long for someone who would offer us
unconditional love and someone who would assure us a lifetime of
happiness?”
The professor
nodded.
“Anyone
from the other group who wants to butt-in?”
“Pixel.
Ikaw na. Dali.”
“Nagiisip
pa ako FR, wait lang.”
“Ma'am
si Patricia Elise daw po.”
The professor
smiled.
“Yes,
Patricia, anything to add?”
Napangisi si FR.
Namutla si Pixel.
“Uhhhmmm.”
“Yes
Patricia?”
“Can
I call a friend? Ang hirap naman ma'am.”
Tawanan ang buong
klase.
Pasimpleng kinurot
ni Pixel si FR sa likod.
“Araaay!”
“Yes
Mr.Gamboa?” pagpuna ng kanilang professor
“Po?”
“I
heard you're saying something?”
“Na-nothing
ma'am.”
“Okay.
It's your turn now Patricia.”
“Oh
my God. Okay.”
Pixel took a deep
breath.
“Para
sa bayan to.”
“May
I ask something to the one who said that it's plain hypocrisy to be
with someone who's about to say goodbye?”
That member of the
team stood up.
“Yes,
Pat. Ano yun?”
“Bakit
mo nasabi yon? I mean bakit mo nasabi na hypocrisy?”
“Kasi alam nating masasaktan lang tayo.”
“Kasi alam nating masasaktan lang tayo.”
“Must
I assume that you are actually afraid of getting hurt?” balik ni
Pixel
“Who
wants pain by the way?” sagot nito.
“So
you are afraid?”
“Yes.”
Mahinang sagot nito.
Pixel looked at the
other team.
“Let
me quote a Spanish proverb. It says “A life lived with fear is a
life half-lived.”
The professor
smiled.
“What
does that have to do with the discussion, Patricia?”
“If
lagi tayong matatakot na sumubok, hindi tayo magiging masaya.”
Napatango si FR.
“Masyadong
shallow kung sasabihin natin na natatakot tayong magcommit or hindi
na tayo makikipagcommit kasi alam nating iiwanan lang tayo. Paano
kung yung taong yun pala yung magtuturo sa atin ng mga bagay na hindi
natin malalaman sa ibang tao? Paano kung yun pala yung taong
magbibigay tunay na kahulugan at magmamaximize ng existence natin
dito sa mundo? Paano kung sya pala? Dahil sa takot, we won't be able
to experience and learn. The one that got away.”
The class remained
silent. She saw some of them murmuring.
“Goodbyes
are essential. Pain is essential too. Kahit naman sa isang relasyon
na matagal na, I'm pretty sure that there would be a certain point in
a relationship na magkakasakitan sila eh, it's on how you understand
and forgive. It's on how you love. It's on how you give the
unconditional love that each one of us deserves. So to say that
committing to someone who's about to leave is not hypocrisy at all,
those people, who believe that, are.”
Pixel beamed a
triumphant smile.
“Pak
na pak!” usal nito na kinatawa ng mga kaklase maging ng propesora.
She sat down.
“Saan
mo napulot yun Pixel?” FR teased her
“Nabasa
ko sa LRT kanina tangi.”
They both giggled.
Natapos ang klase
at naging mas makabuluhan pa ang kanilang discussion. Halatang
impressed ang kanilang professor sa debateng naganap. The moment
their professor waved goodbye, mabilis nagtayuan ang mga estudyante
at mabilis na lumabas ng silid para umuwi.
Sabay na naglalakad
pababa ng building sila Pixel at FR.
“Kamusta
kayo ni Cindy?”
“Okay
naman ata.”
“Ata?
Bakit? May iba ba?” balik ni Pixel
The question caught
FR off-guard.
“Wa-wala.
Adik ka Pixel.”
“Hmmmmm.”
He looked at her.
“Ano
na namang iniisip mo Pixel?”
“Wala.
Basta.”
“Ano
naman yung basta Patricia?”
“Pixel
nga. Ang jologs ng Patricia.”
“Sya,sya.
Ano nga Pixel?”
“Sino
yung kasama mo kagabi sa McDo MCU kagabi?”
Nagulantang si FR
sa narinig. Nanlaki ang kanyang mata at namutla.
“Pa-paano
mo nalaman?”
“Gwapo
pakshet. In fairness.”
“H-ha?”
natatarantang tanong ni FR.
“Sino
nga yun? Ireto mo nga ako sa barkada mo na yun FR. Gago ka kasi,
iiwan-iwanan mo pa ako. Kaya ihanap mo ko.”
Nagpawis ang noo ni
FR. Tila ba sya's madudumi. Paano nalaman ni Pixel? Paano nya nakita?
“I-isang
kaibigan.”
“Single
ba yun?”
“Hi-hindi.
May GF. 3-taon na sila.”
Mabilis nilang
narating ang ground floor. Kinuha ni FR ang kanyang panyo at
pinunasan ang namuong malamig na pawis sa kanyang noo.
“Ha?
Paano na kami? Gawan mo kami ng paraan FR!” panguurat ni Pixel
Tahimik si FR.
“Te-teka
nga FR. Kanina ka pa tahimik. Natetense ka ba?”
“Ha?
Hi-hindi ah.” pagkukubli nito
“Dali
na kasi gawan mo ng paraan!”
Niyugyog ni Pixel
si FR sa gitna ng hallway.
“FR!”
“Dali
na kasi!”
Nagulat si FR.
Nasaktan sa pagyugyog sa kanya ng kanyang best friend.
“Pixel
masakit!”
Huminto si Pixel.
May tinignan mula sa lamayo. Napatigil si FR.
“Achieve!
Ang gwapo naman nitong otokong to. Laman-tyan din.”
Napakunot ng noo si
FR.
“Sino
ang tinutukoy mo Pixel?”
“Ayun
oh! Yung kasama mo kagabi sa McDo.” sabi ni Pixel sabay ngiti ng
nakakaloko
Dahan-dahang
nilingon ni FR ang lalaki. Nanlaki ang kanyang mata.
Daniel was there.
Standing.
Wearing that same
smile.
I T U T U L O Y. .
. .