Friday, June 29, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 7



             
             Kamusta po muli sa lahat? ^_^

             Ayan, hala!! Una sa lahat po, magsosorry po muna ako sa lahat dahil alam ko (NANAMAN!!) ang tagal bago nanaman ako nakapagpost. Sobrang sorry dahil super busy ako nitong huling araw.. Power hectic po talaga ang sched kaya pagpasensyahan nyo na po..

             Pangalawa po,    Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee,  Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy,  ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)

             Pangatlo, Kung mapapansin nyo po ay nagrereply po ako sa mga comments nyo po. Kaya pwede nyo din po ako makausap sa comment box. Or again, pwede nyo po ako i-add sa fb account ko po. dizzy18ocho@yahoo.com. :) konting favor nga lang po, pag add nyo po ay paki send lang ako ng message po. Thanks.

            Oh sya!! Eto na, ang daldal ko nanaman na!! 

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.

Sunday, June 24, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 6



Kamusta po sa lahat? ^_^

Una, pasensya na po sa lahat kung ang tagal ng post nanaman. Dapat sana ay ipopost ko ito nung isang araw pa kaso naman po ay ako po ay nilagnat. Kaya pagpasensyahan nyo na pong muli.. :)

Pangalawa, gusto ko lang din po i-promoteang story ng isang kapwa manunulat at kaibigan na si Heaven at ang kanyang akda na "First Time: Jake". Read nyo po ha :)

Pangatlo, Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee,  Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,el Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)

Ayan, di ko na patatagalin ha.. Salamat po ulit sa mga tumatangkilik nito :)) Isang malaking kiss!! MMWWAAHH!! :)

COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.

Tuesday, June 19, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 5



             Kamusta po sa lahat? ^_^

             As usual, opening remarks muna. Una po, gusto ko magpasalamat sa mga nag add sakin sa facebook. You can still add me po, pakiusap lang po ang msg nyo after adding me, para macategorize ko po.. ahehehehe.. Maliit na kahilingan lang naman po.

            Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee,  Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,el Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)

            Hindi ko na po patatagalin.. Enjoy enjoy na lang po! ^_^

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.

Saturday, June 16, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 4



Hello po sa lahat!! Kamusta? ^_^

Bilang panimula, gusto ko po magsorry sa lahat dahil ang tagal nasundan.. Promise, hahanapan ko po ng time talaga magpost! Kaya sana po maintindihan nyo po ako. Super busy lang po sa work.

Pangalawa, kung mapapansin po ng karamihan ay sumasagot po ako sa mga comments talaga, pero this time, di ako nakareply dahil po nga sa pagiging abala ko po sa trabaho.. Sana po ay maintindihan nyo. Meron din po akong natanggap na message asking for my fb acct po, ibibigay ko po muli ang email add ko po para kung may katanungan po kayo ay madali nyo akong macontact! ^_^ Ngunit po request ko din po sana na magmessage po kayo sa akin after adding me. Konting intro lang po :) Salamat po :)

dizzy18ocho@yahoo.com

Ngayon naman po ay gusto kong pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee,  at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)

Di ko na po patatagalin. ENjoy na lang po!! ^_^

COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED
<hr color="grey" align="center" width="100%">


Saturday, June 9, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 3



Kamusta po sa inyong lahat? ^_^

Una po sa lahat, ay gusto ko uli magsorry sa lahat kung di ako nakakapagpost agad. Sinusubukan ko naman po magpost as soon as I can kaso nga lang po ay marami din po akong ginagawa. Kaya po sana ay pagpasensyahan nyo.

Pangalawa, ako po ay lubos na nagpapasalamat sa mga positive feedbacks po ninyo. So far, wala pa naman nagagalit. Hehehe.. Pero inspirasyon po sa akin ang mga feedbacks nyo.

Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging 
andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng 
cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki-
-,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, 
iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from 
clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh 
(Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price 
arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, 
ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, 
Lei, arvie04 at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at 
silent readers po. :)

Di ko na po pahahabain!! Enjoy na lang po uli!! :)

COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.



Wednesday, June 6, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 2





Kamusta po muli sa lahat? ^_^

Unang una ay gusto ko humingi ng sorry. Alam ko po na nagsabi ako na dapat kahapon ko ito ipopost, ngunit something came up kaya po hindi ako nakapagpost. Pagpasensyahan nyo na po.

Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous 19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, MM, Jhaycie at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)

Hindi ko na po patatagalin pa! Enjoy na lang po!

COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!


Monday, June 4, 2012

Exchange of Hearts 2


Lahat nang lihim ay nabubunyag, lahat nang butas ay natatakpan, lahat nang humihinto ay dapat pa ring bumiyahe...


Chapter 2: Biyahe

12:00MN

“Looks like our plan has worked, Madame” sabi nang isang matipunong lalaki na naka suit na bisita din noong gabing iyon. Kausap niya ang isang babaeng naka red gown na may hawak na champagne glass.

“Wag kang kampante sa ngayon Lucio, hanggat hindi pa natin nakikita ang labi nang Carlsen Montenegro na yan” sabi nito nang pabalang. “Pero wala na siya sa ngayon at ako na ang magiging reyna nang Montenegro Group of Companies” sabi niya na may kasamang malakas na tawa.

[Carlsen]

9:20AM

Nagising nalang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto, walang suot pang itaas at iba na ang suot pang ibaba. Inalala ko ang nangyari sa akin bago ako humantong sa ganitong kalagayan. May sumabog noon sa party, tumakbo kami nang nagligtas nang buhay ko, at tumalon sa ilog. Tumayo ako sa hinihigaan at lumabas nang kwarto, at saka bumaba sa sala nang bahay. Parang walang tao, wala siguro yung nagligtas sa akin.

Pumunta na lang ako nang kusina par makainom ang tubig, uhaw na uhaw na ako nang mga panahong ito. Kumukuha ako nang tubig sa dispenser nang makita ko ang mga litrato sa may refrigerator. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

“Ako to ah”

“kelan nangyari to?”

“Hindi ko kilala ang mga ito”

Tanong na paulitulit na bumagabag sa sarili ko, hindi ko sukat matandaan kung kelan nangyari ang mga litratong iyon.

“oh gising ka na pala?” may nagsalita sa likod ko na isang pamilyar na boses.

Nang lumingon ako hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, isang taong kamukha ko. Para kaming binyak na bato.

“It can’t be” sabi ko.

“di nga rin kapanipaniwala eh, pero lets face the fact na magkapareho tayo nang itsura.” He said.

“but how can this be? I don’t recall having a Brother or even having a Twin?” I insited.

“Hindi ko rin alam, at ang alam ko sa ngayon hindi natin pwedeng ipagkaila na magkapatid tayo, hindi ko alam kung papano o ano ang nangyari pero alam ko magkapatid tayo”

Bumagabag din ito sa sarili ko hinding hindi makapaniwala sa nakikita o naririnig ko, isa ba itong masamang panaginip o isang ilusyon na pwedeng takasan. Nang maalala ko si mommy.

“Can I borrow your Phone?” I said.

“Tatawagan mo ba mommy mo? Nasa Ospital siya ngayon.”

“What? Anong nangyari sa kanya?”

“Inatake sa puso nang nalaman niyang namatay ka na…” makikita ko sa mukha niya ang pagkadismaya na hindi ko maintindihan.

“E narito ako oh buhay na buhay ano bang pinagsasabi mo” galit kong kontradiksyon sa paratang niya.

“Alam mo naman siguro na may tumangkang pumatay sayo? Kaya pinalabas nila na patay ka na nga, may sunog silang katawan na iprinisenta kay mama mo. Nalaman ko sa kaibigan ko na nagtatrabaho noong gabi nang pagsabog e inatake ang mama mo sa puso at nagpasya sina tita Elenor mo na dalhin siya sa amerika para ipagamot pagkatapos nang libing mo sa makalawa”

Nanlumo ako sa narinig at napa-upo sa sofa nila, “Ilang araw na ba akong tulog?” tanong ko na patuloy ang tingin sa kawalan.

“Tatlong araw na, kung hindi ka pa nga nagigising kanina eh dadalhin na sana kita sa Ospital!” sabi nang lalaking kamukha ko. Pumunta siya sa kusina at may inihain. Habang ako ay nasa sofa parin at hindi umiimik. Binalikan niya ako sa may sala at pinatong yung pagkain sa harap ko.

“Kumain ka na muna tatlong araw ka nang hindi kumakain kailangan mo pa naman nang resistensya” tiningnan ko lang siya at nginitian. Nang inabot niya ang kamay niya “Lance… Lance Mercado.” Nagpakilala siya sa akin at naramdaman ko ang matinding lukso nang dugo, hindi ko maipagkakaila na magkapatid kaming dalawa.

10:00am

-Montenegro Group of Companies, Board Room-

Lahat nang board of trustees nang companya ay nandoon para sa isang board meeting na ipinatawag ni Criselda.

“As we all know, Carlsen was the only heir of my abducted brother, Felix, and with his loss the company and all its assets have a fallen pilar. And Luisa is now suffering in Major Depression dahil sa nangyari, so as the immediate relative, I am willing to take over my nephew as the president and CEO of Montenegro Companies.”
Sabi ni Criselda na parang nanalo sa Lotto ang ngiti at hindi naluksa sa pagkamatay nang pamangkin.

“Hold your horses Criselda, hindi ganoon kadali yang pinagsasabi mo” pag interrupt ni Mr. Trinidad. Tumayo ito at nagpatuloy nang pagsasalita. “As we all know ako ang Major stockholder nang companying ito, I now own 40% of the company, and I as head of the board of trustees do not want you as CEO of this company…” Nagpaikotikot siya sa loob nang board room at makikita mo sa mukha ni Criselda ang galit at poot. “… you are not fit for the position, and anyone from the board who agrees with me please raise your hands” at agad na nagtaas nang kamay ang halos lahat nang tao doon, at mas namula sa galit si Criselda.

Bigla namang nagbukas ang pintuan nang boardroom “Ah, at dumating na ang bagong hahalili sa yumao nating presidente… Criselda I want you to meet mi Unico Hijo Kurt Oliver Trinidad” at napatingin ang lahat sa matipunong lalaki na pumasok sa pintuan nang kwarto, pormadong-pormado ito nara matching tux and pants na talagang nagpatikas pa nang kanyang dating, medyo chinito ang kanyang mata pero di nahahalata dahil sa kanyang glasses na sinusuot. Aminado ang lahat na nandoon na gwapo at malakas ang dating nang batang iyon maliban kay “… Criselda, siya ang papalit kay Carlsen habang nagpapagaling si Luisa, at yun ang desisyon ko, sino ang sumasang-ayon sa akin?” at lahat nang kamay sa board room ay nagsitaasan. Di na nakayanan ni Criselda ang mga nangyayari at umalis nang board room nang walang paalam.

[Lance]

07:00pm

“Marami pala tayong pagkatulad, tol! Pero bakit parang ang seryoso mo?” ngayon lang kami nagkilala nang kakambal ko pero parang matagal na panahon kaming magkasama, ang pinagkaiba lang siya namuhay nang marangya samantalang ako naman ay namuhay sa kahirapan.
“Lance, gusto pa kitang makilala nang lubos at gusto kong malaman kung bakit tayo nagkalayo… mapapahiram mo ba ako nang pera?” tanong niya sa akin.

“aanhin mo ang pera tol?”

“Isa lang ang lugar na ligtas tayong dalawa sa Villa Montenegro, kailangan kong makausap si Yaya Glorya.” At parang dismayado ang mukha niya sa kanyang binanggit.

Tinabihan ko siya at inakbayan, “Wag kang mag-alala pupuntahan natin ang Villa Montenegro sa lalong madaling panahon” ngumiti siya sa akin at ako naman ay napayakap sa akin.

Umalis kami nang bahay noong mga Oras na iyon.

10:00 pm

“Hindi ako papayag na isang baguhang enhinyero ang papalit sa pwestong matagal ko nang inaasam!” galit na sigaw ni Criselda habang binabato ang wine glass na hawak niya.

“Wag kang mag alala Criselda, matutulungan kitang kunin muli ang pwesto, magtiwala ka lang sa akin” sabi anng isang lalaking nakaupo sa lkikod nang desk nang kuya Felix niya sa Mansyon.

“Kelan? Ngayon na nakahanap na ako nang paakakataon dahil namatay ang bastardo kong pamangkin ngayon pa mawawala sa kamay ko ahng kapangyarihan?”

“Huminahon ka, may plano na ako!”

“Ano? Baka bulilyaso na naman ulit yan?”

“Ibabagsak natin ang Montenegro Group of Companies, habang unti-unti nating nanakawin ang pera nito, at kung bagsak na gagawin ka din nilang CEO at hahatid natin ulit ito sa Global market, oh diba. It’s just like hitting two birds with one stone”

“hahahahaha, brilliant idea, maasahan talaga kita” at tinawa lang nito ang nararamdaman buong gabi.

Lingid sa kaalaman ni Criselda ay bumabyahe na papuntang Villa Montenegro ang nooy inaakala niyang patay na pamangkin.

8:30 am
[Lance]

Last trip nung bus papuntang Isabela ang sinakyan namin kagabi at umaga na nang dumating kami sa Villa Montenegro. Pumasok kami sa ibang lagusan, isang kweba na tanging mga Montenegro lang ang may alam.

“Ito yung Escape tunnel na ginawa nang ama ko noon kasama nung bestfriend niya, tinuruan niya ako kung paano makalabas at paano makapasok nang walang may nakakaalam.”

Ilang butas pa ang pinasok namin at nakapasok kami sa isang kwarto na parang bahay ko na kalaki. Dumaan kami sa sahig nito.

“Dito ka lang muna at hahanapin ko si Yaya Glorya. Nang lumabas si Calrsen nang kwarto papunta nang kabilang kwarto si Yaya Glorya na may dalang tray nang Juice, nang makita niya si Carlsen ay nabitawan niya ang tray at napanganga sa nakita.

“Ya, ako to si Carlsen!” sabi niya at agad namang napayakap si Yaya Glorya kay Carlsen. “Nako Hijo salamat sa Diyos at buhay ka, salamat sa puong maykapal at hindi ikaw yung inaakala naming patay na.”

“May nagligtas po nang buhay ko at gusto ko po siyang ipakilala sa inyo” at dinala niya si Yaya Glorya sa kwarto.

Nakaupo ako noon nang makita ako nang matandang babae ay napa nganga lang ito na parang nakakita nang multo, matagal din kaming nagtitigan nang tumayo ako dahil hindi na ako mapakali sa titig niya.

“Yaya, ito po pala si…”

“CLARENCE!”


_Abangan_

Friday, June 1, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 1

            Magandang araw po sa lahat!! Kamusta po kayo? ^_^

            Taso puso ko pong ihinahatid sa inyo ang ikalawang yugto ng "Minahal ni Bestfriend". Kung matatandaan nyo po ay nasabi ko po sa Introduction ang magiging malaking pagbabago sa ikalawang yugto. Sana po ay maibigan nyo pa rin po ito. At ang tanging layunin ko lang po ay makapag inspire at "maka-touch" ng buhay kahit po sa simpleng paraan na ito.

            Hindi na po ako masyado magpapahaba ng remarks. Enjoy na lang po kayo!! ^_^

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED


            Hindi naman ako humihiling ng kahit ano pang higit sa meron ako ngayon. Masaya na ako sa estado ng buhay ko sa ngayon. Mababaw lang naman akong tao. I don’t like to complicate things. Hindi dahil sa takot ako masaktan, kundi dahil ayaw ko lang ng kahit anong makakagulo sa buhay ko. For me, I ‘m living a perfect life, or atleast for me it’s perfect. Or is it really?

            Ako si Ryan, Ryan Pabalan. 16 years old. Nasa 4th year highschool sa isang private school. Actually, di naman kami mayaman kahit pa nasa private school ako. Ginapang lang talaga ako ng aking mga magulang dahil gusto nilang maging maganda ang aking kinabukasan. Hindi ko naman sila binigo dahil laging matataas ang grades ko sa school. Isa nga ako sa mga sumusungkit para sa valedictorian para sa graduation.

            Sa unang tingin ay ordinaryong teenager lang din ako. Moreno, 5’7 ang taas, medyo may hubog ang katawan dahil na rin sa sanay ako sa mga gawaing bahay at mga mabibigat na trabaho. Twing summer vacation kasi nagtratrabaho ako kung saan saan. Nasubukan ko ng maging boy sa tindahan sa palengke, magboy sa talyer at maging delivery boy ng tubig. Sabi ko nga, kapos kami sa pera at ayaw ko namang pahirapan ang aking mga magulang.

            “Ryan! Ang aga mo namang dumating! Dinaig mo pa ko!”, sabi ng bestfriend kong si Larc.

            Hays, sya nga pala si Larc. Ang Captain ng basketball team ng highschool. Matangkad, maputi, maganda ang katawan dahil sa sports, medyo baduy nga lang manamit pero bawing bawi naman ng kagwapuhan at kakisigan nya. Sya ang crush ng bayan dito sa school. Pero ehem! Hindi dahil varsity sya ay dahil dun lang sya sikat. Matalino din sya at aktibo sa iba pang activities sa school. Napaka sociable pang tao. Mr.Popular ng aming school. Maraming nagkakagusto, mapababae man o lalake.

            “Aba! Ikaw kaya ang nagsabi na agahan ko! At tsaka may test mamaya sa Physics! Alam mo namang pag may test tayo ay mas maaga akong pumapasok para makapagreview pa ulit ako bago magsimula ang klase!”, pagsagot ko sakanya.

            “Nako! Wala namang aagaw ng pagiging valedictorian mo noh! Ikaw na!”, pagbibiro nya.

            “Edi pasa ko sayo para ikaw naman! Dami mong alam eh!”, pagbibiro kong sagot.

            “Ikaw talaga! Oh, pano butihing bestfriend ng taon ko, maiwan muna kita at simula na ang training.”, pagpaalam nya sabay gulo sa buhok ko.

            “Papansin talaga noh! Aalis na lang manggugulo pa ng buhok!”, inis kong sabi habang inaayos ang buhok ko. Nakita ko namang nginitian nya lang ako sabay lakad palayo.

            Hays nanaman. Ang mga ngiting yun. Nakita ko nanaman. Wala na! Kumpleto na araw ko. Sa totoo lang, matagal na akong inlove sa bestfriend ko. Though, hindi ko sinasabi at wala din akong balak sabihin. Sabi ko nga kanina, ayaw ko ng kumplikadong buhay. Hindi dahil sa takot akong masaktan kundi ayaw kong magulo ang buhay ko. Kuntento na ako na ako ang bestfriend nya. Ano pa bang hihilingin ko? Mabait sya sa akin, at proud sya na bestfriend nya ako. Pero teka, pangunahan ko na kayo, ha. Inlove ako sa bestfriend ko at opo, lalake sya at lalake ako. Pero di ako feminine na silahis ha. Nagkaroon din ako ng girlfriend noon. Pano ko ba sasabihin? Hhmm.. Ok, ganto. Oo, mahal ko nga si Larc ng higit pa sa isang kaibigan, pero nilinyahan ko na noon pa. Hanggang bestfriend lang kami. Tapos. At pag nagkakagirlfriend naman ako, seryoso din ako sa girlfriend ko. Hindi panakip butas lang para kay Larc. Parang kumbaga, pantasya ko lang si Larc.

            Nakatingin lang ako sa libro ko habang nakikinig sa mga dribble ng bola habang nagppractice sila Larc at ang kanyang team ng basketball. Ewan ko ba, kung ang iba ay gusto ng tahimik pag nagaaral, para sakin, dun ako nakakahanap ng concentration sa pagaaral. Pero siguro, inpirasyon na rin.

            Sa gitna ng pagrereview ko ay bigla namang bumalik sa ala-ala ko ang unang araw na nagkakilala kami ni Larc. Mga bata pa kami noon. Magkaklase kami noon. Grade 1 pa lang kaming parehas. Patpatin at lampa sya noon kaya tampuhan sya ng asar at kantyaw noon. Lagi yang hindi isinasali sa mga larong luksong baka, tamaang tao at mataya taya dahil tingin sakanya ay lampa nga. Pero ako naman ang lageng pumipilit na isali sya.


Grade 1
            “Huwag na yan isali si Larc! Lampa lampa naman yan! Matatalo lang tayo pag sinali pa natin yan!”, sabi ng kalaro naming si Dexter minsang naglalaro kami tuwing break namin sa school. Ibang section si Dexter pero madalas namin ito kalaro pag break. Nakita ko naman si Larc na biglang nalungkot kaya lumapit ako.

            “Sige Dexter, sa team na lang namin sya.”, sambit ko.

            “Bahala ka. Matatalo lang namin kayo.”, pagpapaalala ni Dexter.

            “Okay lang yun. Kaya ni Larc yan! Diba, Larc?”, ngiti kong sabi kay Larc. Biglaan namang nawala ang lungkot sa mukha nya.

            Aaminin ko. Talagang lampa talaga noon si Larc. At lagi kaming talo sa twing isinasali namin sya sa team namin sa kahit anong laro. Pero dahil kaibigan ko sya ay di ko sya basta maiwan.


Hanggang sa naging close na nga kaming dalawa. Buong elementary kami ay lage syang inaasar asar at nilalayuan. Pero nung naghigh school na kami  ay sinubukan nyang pumasok sa basketball team. Nung una ay pinagtatawanan sya dahil ang payat nya pa noon at mukha pang hikain. Pero sinuportahan ko sya kaya naman hindi sya nawalan ng loob.

Highschool 1st Year


            “Bes, magttry out ako sa basketball team.”, nahihiyang sabi ni Larc sa akin minsang kumakain kami habang break.

            “Oh! Edi ayos! Eh bat parang malungkot ka?”

            “Kasi baka pagtawanan nanaman ako katulad nung elementary lang tayo. Baka kahit man lang sa try out ay di ako makuha.”

            “Ano ka ba! Huwag mo nga isipin yan! Kaya nga kita laging sinasali sa team namin noon kasi malakas ang bilib ko sayo! Ikaw lang naman tong walang bilib sa sarili mo, eh! Kaya mo yan!:, ngiti kong sabi.

            “Eh pano kung pagtawanan nanaman din ako? Paano pag di ko naman pala talaga kaya at pinipilit ko lang? Paano kung-“

            “Eh paano kaya kung subukan mo muna?! Ang dami mong dada eh! Kaya mo yan! Sasamahan kita sa try out mo para pag nanghihina loob mo, ako magpapalakas ng loob mo!”

            “Sige. Gagalingan ko para sayo.”

            “Huwag. Dapat para sa sarili mo.”

            Dumating ang araw ng try out at nanonood nga ako. Marami talagang magagaling kesa sakanya. At ang iba ay pinagtatawanan sya kapag nakatalikod ito. At sa twing nakikita nyang tinatawanan sya ay sumisimangot sya. Tanda na pinanghihinaan sya ng loob. Pero lage akong sumisigaw na kaya mo yan! Larc, kaya mo yan! At bahagyang ngingiti ito. Hanggang sa natapos ang try out at kinausap na sila ni coach. Nakita kong tumungo lang sya, hindi ata nakuha. Hanggang sa natapos ang tryout ay hindi sya tumitingin sakin.

            Nalungkot ako dahil alam kong hindi sya nakuha. Lalo ko pang nakumpirma ng lumapit sya sa akin na nakayuko at biglang tingin at sumenyas na hindi sya nakuha.

            Ngunit habang nagaayos na kami ng gamit nya..

            “Mr. Larc Casanova. You may not be the best player we had today. Pero sayo ko nakita ang determinsayon na gusto mo talaga sumali. I was hesitant at first pero I think pagbibigyan kita. Pero kung gusto mo talaga sumali sa team ay kailangan mong mag ensayo ng maige. See you next week.”, matigas ng sabi ng coach. Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Larc.

            Nakita ko naman ang biglaang tingin sakin ni Larc at pakawala ng isang malaking ngiti. He was really happy.

Simula noon ay nagkaroon na ng bilib sa sarili si Larc at talaga namang pinagigihan nya ang pagensayo. Uminom sya ng vitamins para pampalakas ng katawan at pinagbutihan nya ang pagttraining nya. At syempre, napakasaya ko para sakanya.

At ngayon, sino bang mag aakala na ang dating lampayatot ay ang captain na ng basketball team namin. At ang dating inaasar asar ay ngayong tinitilian at hinahangaan ng karamihan. Pero ang pinakamasayang part nun ay hindi sya nagbago sakin at proud syang bestfriend nya ako.

            Pagtapos ng training nila ay nag agahan muna kami ni Larc sa canteen ng school namin at sabay na pumasok sa klase namin. Magkahiwalay kami ng section since sa Varsity section sya.

            “Good Morning Ryan! Kinakabahan ako sa test natin ngayon.”, biglaan bati ng kaibigan kong si Karen na sya namang kinagulat ko. Close din ako kay Karen dahil isa sya sa mga naging unang kaibigan namin ni Larc nung 1st year high school pa lang kami. Medyo weird sya dahil minsan para syang may sayad magsalita. Sya rin ang binansagang “Sisa”

            “Huwag ka mag alala. Mas kinakabahan ako dahil ikaw agad ang nakita ko. Pambihira to. Makapang gulat lang.”

            “Ito naman. Sorry naman.”

            “Okay class. Before we start our class,  ibibgay ko sa inyo ang permit para sa retreat natin bago magtapos ang taon. Since graduating na kayo. Magiging magandang experience ito pa ra sa inyong lahat.”, sabi ng teacher namin sabay abot ng mga papel sa amin. Nang mabasa ko ang sulat para sa parents ay medyo nalungkot naman ako ng bahagya.

            “Wow! Overnight ang retreat natin! Naku! Exciting to!”, excited na sabi ni Sisa.

            “Oo nga eh.”, tugon ko na may tipid na ngiti.

            “Oh, eh bat parang malungkot ka?”

            “Huh? Hindi ah. Inaantok lang. Maaga kasi akong nagising.”





            “Bes! Oh, kamusta ang test? Malamang sisiw nanaman sayo! Sabihin mo naman kung ano itetest.”, sabi ni Larc habang kumakain kami ng lunch.

            “Ok lang naman. Madali lang naman. Multiple choice lang naman eh. Kaya mo yun.”

            “Ahh. Teka, bat parang malungkot ka? May problema ba? At teka, may retreat pala tayo. Nako, mukhang masaya yun! Huling outing kasama ng tropa.”

            “Hindi ako sasama eh…”

            “Huh? Bakit?! Sayang naman! Last bonding na to kasama tayong lahat. Sama ka na.”

            “Ano ka ba? Eh parehas naman tayo ng papasukan sa college. Kaya ok lang yun. Isang outing lang naman yun eh.”

            “Kahit na, noh! Sumama ka na.”

            “Huwag na. Kumuha ka na lang ng maraming pictures para makita ko.”

            “Ano bang problema? Bat ayaw mo sumama?”, paguusisang tanong ni Larc.

            “Larc, alam mo naman, diba. Retreat. Overnight. Sa malayo.”

            “Oo, alam ko. Nagbabasa ako ng letter noh. Marunong ako magbasa.”

“Wala. Basta. Enjoy enjoy na lang.

“Edi di  na din ako sasama!”, aroganteng sagot ni Larc.

“Sira! Sumama ka! Pano ko makikita yung mga pictures kung di ka sasama! Sayang naman! Sigurado magiging masaya yun.”

“Eh masaya naman pala eh! Eh bat di ka pa kasi sumama?!”, pagkukumbinsi ni Larc.

Natahimik lang ako at di sumagot. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at di sumagot. Nakita ko naman sya na tumigil sa pagkain at tumitig lang sakin. As in titig. Lagi nya yang ginagawa sa twing alam nyang may sinisikreto ako at di sinasabi. Sinubukan kong di pansinin pero nakatitig lang talaga sya.

“Tumigil ka nga. Para kang baliw dyan.”

Pero nakatitig lang sya.

“Wala nga.”

Pero nakatitig pa rin sya.

“Larc, wala nga.”

Pero tumitig lang sya at hindi gumagalaw o kumibo.

“Ok! Suko na ko! Gusto ko sumama pero hindi pwede! Ok! Masaya ka na?!”

Pero hindi pa rin nya inalis ang pagtitig. Nakakainis pagmasdan dahil nakatitig lang talaga sya na walang expresyon sa mukha.

“Larc, alam mo naman na pag ganyan. May bayad. Ayaw ko namang bigyan ng problema sila Mama kung saan nanaman kukuha ng pambayad dyan!”

“Ayun! Yun lang pala problema mo, eh. Edi ako nalang magbab-“

“Larc tumigil ka. Masyado ka na maraming natulong sakin.”

Pero bigla nanaman syang bumalik sa pagkakatitig sakin.

“Larc Garcia Casanova, tumigil ka! Hindi.”

Wala pa rin syang sagot at nakatitig lang.

“No!”

No reaction.

“NO!!!”

Wala pa ring imik.

“Bahala ka nga.”

Nakatitig pa rin.

“Okay, pero babayaran kita sa summer. Pag nag summer job na ulit ako.”

“YES!!! Edi sumama ka din!”

“Ang kulit mo din kasi, noh?! Basta babayaran kita sa summer.”

“Bleh. Alam mo namang di ko din tatanggapin yun,, noh!”

“Ewan ko sayo. Ang kulit mo!”

“Ito naman. Edi wag! Bahala ka nga dyan!”

“Oh, bat ka galit?”

“Wala.”, sarkastiko nyang sagot.

“Oo na. Sige na. Sasama na nga, diba. Wag ka na magalit dyan.”

Pero di nya ko pinansin. Hmmmmm.. Makulit ka, ha. Kaya bumawi naman ako. Ako naman ang tumitig sakanya na may blangkong mukha.

“Hindi tatalab yan sakin.”

Tumitig lang ako.

“Manigas ka dyan.”

Hindi ako natinag.

“Kung ayaw mo sumama, edi wag.”

Pero tumitig pa rin ako.

“You’re creeping me out.”

No reaction. Pero sa loob loob ko gusto ko na matawa. FOCUS!

“Fine! Ikaw naman kasi. Gusto ka lang makasama eh!”, galit na sabi nya. Ngumiti naman ako ng pagkalaki laki. Nakita ko naman sya na bahagyang sumimangot.

“Oh, bat ikaw naman ang malungkot ngayon? Nanalo ka na nga diba? Sasama na ako.”, alala kong sabi.

“Gusto ko lang naman makasama ka kasi, eh. Syempre bestfriend kita. At simula bata palang tayo kasama na kita. Ayoko lang mamis ang isang mahalagang event sa buhay natin na di ka kasama. Ayoko magpicture lang at ipakita sayo. Gusto ko kasama kita sa mga pictures nay un.”, seryoso nyang sabi. Napangiti lang naman ako.

“So kailangan nagdadrama? Sasama na nga, diba?”

“Seryoso ako.”

“Alam ko.”, ngiti kong sabi. Napangiti lang din sya.

“Alam nyo, kung di ko lang kayo kaibigan, talagang iisipin kong hindi lang kayo magbestfriend eh! Para kayong mag jowa kung titingnan mo sa malayo eh!”, sabay singit ni Sisa.

“At alam mo, kung di ka sana epal, naging kami na. Ang dami mong alam eh. Umupo ka na nga at kumain. Daldal nitong babaeng to!”, pagbibiro kong sagot.

“Ay ang taray! Hindi pa magjowa, buntis ka na agad?”, birong tugon ni Sisa.

“Hindi. Pero rereglahin ako sayo. Kumain ka na lang.”, pagbibiro ko.

“Ano ka ba Karen! Alam mo namang bestfriend ko na tong si Ryan simula bata palang kami. Para na nga kaming tunay na magkapatid nyan eh. Kaya sweet talaga kami sa isat isa.”, singit bigla ni Larc.

“Oo nga. We just have each other’s back.”

“Ay?! Ang daming sinabi?! Defensive… Talaga lang, ha.! Hindi alam ang biro? Kaloka.”, sabay tawanan naming tatlo. Pagtapos naming kumain tatlo ay nauna muna umalis si Larc at naiwan kami ni Sisa sa lamesa.

“Nako friend, wala ka lang sa friend zone, kapatid pa ang tingin sayo. Kaloka.”, biglang sambit ni Sisa.

“Ano ka ba. Eh bestfriend ko naman talaga sya at kapatid lang talaga din ang turing ko sakanya.”, pagdedepensa ko.

“Nako friend, malilinlang nyo lahat ng tao dito sa school pwera ako. Hindi kita super power bestfriend simula bata, pero since 1st year tayo, kilala na kita at alam kong inlababo ka dyan kay Larc, noh.”, natahimik lang ako. Actually alam naman nya at nasabi ko na din. Kaso lagi kong sinasabi sakanya na hindi pwede dahil bestfriend ko sya at ayaw ko ng masira yun dahil sa pangsarili kong kagustuhan lang.

“Sisa, bestfriend ko sya…”, medyo malungkot kong sabi. Tiningnan nya lang ako sabay bigay ng tipid na ngiti.

“Alam ko. Pero don’t you think it’s about time para sabihin mo na sakanya yang nararamdaman mo? In a way, nagiging unfair ka kaya. Syempre hindi lang bestfriend ang tingin mo sakanya ng di nya alam.”, sagot ni SIsa.

“Wala naman siguro masama sa ginagawa ko. Ayaw ko lang maging selfish. Ayaw ko ipagpalit ang pagkakaibigan naming para sa sarili kong pangkaligayahan.”

“Eh pano. What if lang ha. Paano pala if he feels the same way for you? At naghihintayan lang pala kayo?”

“Larc? Kilala mo naman sya. He’s cool with gay friends pero hindi sya ganun. Napakababaero pa nun.”

“Nakoooooo. Hindi na yan ang batayan ng pagkalalake ngayon, noh.”





“San k na? Lapit na matapos training.”, ang natanggap kong text habang naghihintay kay Larc. Sabay kasi kaming umuuwi kaya pag may training sya ay tumatambay muna ako kasama ng iba kong mga kaibigan sa malapit na internet shop na isa ding cafĂ© shop.

“Dito ako sa may shop kasama sila Alex.”, reply ko.

“Sila nanaman kasama mo?”

“Oo. Andito lang kami shop. Wala magawa eh.”

“Ok. Ill be there in 15 mins.”

Si Alex, mas matanda sya ng isang taon sa akin dahil late syang nag aral. Hindi naman talaga mahina sa school si Alex, medyo may reputasyon lang to sa school na medyo maloko. Kaya karamihan ay tingin sakanya ay bad influence. Pero ang totoo, kahit astigin ang dating nya, ay napakasensitive nito at maalahanin. Natatakpan lang ng bad boy image nya.

“Oh, nagtext na sundo mo?”, sabay sulpot ng isang boses. Si Alex.

“Maka-sundo naman to. Si Larc yun.”, tugon ko.

“Edi sundo mo nga. Ewan ko ba dyan sa besttfriend mo, bat ba ang init ng dugo sakin.”

“Ikaw talaga. Hindi naman.”

“Anong hindi? Eh allergic nga ata sakin yun.”

“Akala mo lang yun. Mabait naman yun, topakin lang minsan yung bestfriend kong yun.”

“Oo, di tulad mo. Ang bait bait mo. Kahit sa lokong tulad ko.”

“Ayan tayo dre eh! Nagdrama tayo eh! Hahaha!”

“Totoo naman,eh! Ikaw lang nagtyagang kilalalanin ako. Akala nila astig astig ako at bad influence. Alm mo-“

“Oh, tama na ang drama. Hayaan mo na lang sila. Wlaa namang maitutulong sayo yung mga ganun”, ngiting tugon ko.

Maya maya ay dumating na din si Larc.

“Dre, andyan na si Larc.”, pagtawag sakin ni Alex.

“Uy bes. Andyan ka na pala.”, ngiting sabi k okay Larc.

“Dre, kamusta?”, pagbati ni Alex kay Larc. Pero tinitigan lang ni Larc si Alex.

“Ah, sige mauna na kami, ha. Kita kita na lang ulit bukas!”, masaya kong tugon.

At nagpaalam na nga ako kaila Alex at sa ibang tropa. Halata naman ang pagkainis at wala sa mood ni Larc abang nasa daan kami pauwi.

“Mukhang nawiwili ka kasama sila Alex, ha.”, biglang sambit ni Larc.

“Wala namang masama, diba?”

“Ryan, alam mo ang reputasyon ng taong yun. Mamaya mahawa ka pa sa pagkaloko nun.”
“Larc, hindi naman talaga ganun si Alex. Mabait naman yung tao, bakit ba ang init ng dugo mo sakanya? Wala namang ginagawa sayo yung tao, ah.”

“Sayo, mabait. Pero sa iba? Alam mo namang bully sa school yan si Alex! Ang hilig nyang pagtripan yung mga mahihina sa school.”

“Pinagtritripan? Larc, kaibigan naman nya yung mga yun at biruan lang yun. Kung talagang ayaw nung mga taong yun ang ginagawa nya, edi sana nilayuan na sya nung mga yun, diba?”

“Kaibigan ba ang tawag sa ganun? Pagtritripan mo sa harap ng maraming tao? Paano kung ikaw ang pagtripan naman nun?”

“Teka, ano ba talagang problema mo? Inaaway mo ba ko?”

“Hindi. Basta layuan mo yung taong yun!”, galit nyang sabi. Bigla naman akong tumigil sa paglalakad.

“No.”, matigas kong sabi.

“Anong no?!”, galit na tugon nya.

“I said no! Hindi ako iiwas sa isang tao ng dahil lang sa mga sinasabi sakanya ng ibang tao.”

“At ano gusto mo? Sabihin nila na ganun ka din? Baka nakakalimutan mo ang kasabihan na ‘Tell me who your friends are, and I’ll tell you who you are.”

“Oo, alam ko. Pero having friends like him doesn’t really define who I am.At bakit mo ba ako inaaway?”

“Don’t you get it?! I hate bullies! I’ve been bullied all my life at alam mo yan! Kaya ayoko sa mga taong tulad nya.”

“Kaya kailangan ayaw ko na rin sa mga taong tulad nya? You were once weak pero you managed to be strong. What if deep inside pala eh weak din sya? And just needs to be understood?”

“So ngayon pinagtatanggol mo pa sya? What if ikaw ang pagtripan nya? What if hindi pala sya tulad ng inaakala mo?!”, galit nyang sabi.

“Eh what if kaibiganin mo kaya muna sya?”

“NO! Mamili ka, friendship natin?! O sya?!!”, galit na sabi nya.

“Bat kailangan ko mamimili? Bestfriend kita, kaibigan ko sya.”

“Kaya nga. Bestfriend mo ko kaya making ka sakin!”, pagsigaw nya. Natigilan ako bigla.

“Oo. At bestfriend mo din ako. Kaya sana pakinggan mo din ako.”, sabay lihis ng daan. Ayoko ng argument pa. Ayoko ng mas kumplikaduin ang mga bagay bagay. Galit sya at mainit na ang ulo ko. Ayaw kong may masabi na hindi maganda dahil galit ako. Pero humabol sya at hinablot ako sa balikat.

“Teka lang.”, mahinahon nyang sabi.

“Ano?!”, galit kong sabi. Tumahimik sya at nagpakawala ng malalim na hininga.

“Ayoko lang isang araw, sa sobrang wili mo sakanila, malayo ka sakin.”

Itutuloy...