Thursday, June 30, 2011

The Letters 1

NOTE: Collaboration po namin ito ng aking friend na si Dhenxo Lopez. Nawa po'y inyo iyong maibigan. :)

Our blog:
Unbroken's blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



This is the first part. Ako po ang nagsulat nito.
-Unbroken-

Quick Note:I dedicate this novel sa mga nagbasa ng Terrified. Kahit ilan lang kayo. Haha. Salamat ng marami!







March 16,2009


Kupal kong diary/journal/spring notebook,


Fuck. Ang sakit ng ulo ko. I just had one hot steamy sex with someone I met sa isang bar sa Malate. Goodness Gracious,he was so big. But I must admit that I had a very good time. I just so love sex. I just so love hooking up and flirting with guys sa bars. I think that this is really my thing. Who knows? True love might meet me there.


Okay. So ang sakit nga ng ulo ko diba? Grabe yun,alam mo yung feeling na lasing na lasing ako tapos i'll have a good sex? Chemical Fun! Just heaven. Ang sarap. Pero pag gising mo,disaster!


I'm thinking of not going to work today. Tinatamad ako. Ang sakit pa ng ulo ko eh. Wag nalang kaya akong pumasok? Nadedemonyo na naman akong gumimik ngayong gabi.


Ewan ko ba kung bakit ako nagkaganito. Dati naman okay ako nung nasa Isabela pa ako. Masaya at simple ang buhay,di ko alam ang paginom at pagyoyosi. Clean-living ika nga. Pero masaya naman ako sa Maynila. Though napakalaki nga lang talaga ng pinagiba ko nang mapadpad ako dito.


Nung una ayaw ko sumama sa Maynila,nung nagtagal na,napapayag ako ng tita ko. Pangako nya kasi sakin na pagaaralin nya ako ng Nursing dito sa Maynila. Well.tinupad naman nya,yung nga lang naobliga na rin akong huminto dahil kulang na sa pera. Sayang nga at mga Duty nalang ang kulang ko.


Naobliga din ako magtrabaho. Awa naman ng Diyos,napasok ako sa bilang isang ESL teacher. Madali lang ang trabaho,Petiks kung petiks,kahit papaano naman ay okay ang sahod. Di ko lang maintindihan kung bakit parang nawawala ako sa landas? I mean bakit parang nagiging makamundo ako? I feel so lost. Nangungulila ako sa pagmamahal. I just need someone to tame the devil in me.


* * *



So ayun,nalabanan ng mabuting ako ang masamang ako. Pumasok ako ngayon sa trabaho.


Same typical office set-up. Ang daming cubicles kung saan nandun ang stations naming mga teachers. Isang computer per teacher. May headset,phone etc. We have to call our students then have classes with them. 10 minutes per class so hindi na din naman masama. IN fact,napakaentertaining nga ng mga trabaho.


Okay naman ang mga tao sa office. Mababait naman silang lahat,isa pa wala namang kaso sa kanila kahit bakla ako,so keri lang. People in the office knows that I'm gay,wala naman akong tinago. Syempre may mga nanghinayang,pero natanggap din naman nila ako.


“Chris,may mga bagong trainee oh.” sabi sa akin ng isa kong kasama.


“Really? Naku,hayaan mo sila. Magtrabaho nalang tayo.” sabi ko.


“Okay. Arti mo.” pabirong sabi nito.


“Gaga. Hayaan mo na,di naman natin ikakayaman ang mga bagong trainee. Buti sana kung may malalandi dyan.” pabiro kong sagot.


“Te,malay mo naman no. Don't lose hope.” sabi nito.


“Gaga.”


Narinig ko nalang na pinapakilala ng TL ko ang bagong member isa-isa. Hindi ko masyadong pinansin kasi makikilala ko rin naman sya pag turn ko na syang makilala eh. So ayun na nga.


“Bakla.” tawag ni Ate Joy sa akin na seatmate ko.


“Yes Straight?” sabi ko.


“Moreno yung bago. May nunal.” nanchichismis na sabi nito sa akin.


“Ayy talaga? Hayaan mo sya.” sabi ko,sounding so aloof.


“Echusera. Kagandahan?” nangiinis nitong sabi.


“Ewan ko sayo.”


Patuloy ako sa pagtatype. Hinantay ko nalang na lumapit sa akin ang aming TL o Team Leader na si TL Mary. Ilang segundo pa,nakita ko na syang nakabungisngis with her braces. Nasa likod na nga nya ang Trainee.


“Uhhmmm. Teacher Chris.” tawag nito bilang pagkuha ng atensyon ko.


“Yes TL?” nagigiliw-giliwan kong sabi.


“Uhhmm.” sabi nito sabay hawi ng buhok papunta sa kanyang tenga.


“Uhmm,we have a new member for the team.” dugtong nito.


Nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Nagaantay akong ipagpatuloy nya ang pagpapakilala sa amin ng bagong empleyado. Bakit parang natetense ang TL ko? Mukha ba akong masungit?


“Uhhhm,Yes. Uhhm. Yes. This is Teacher George.” sabi ni TL sa akin.


Ngumiti ito bilang respeto. Muling bumanat si TL.


“Ahhh Teacher Chris,he'll be sitting here.” sabay turo sa bakanteng upuan sa kanan ko.


“Ahh okay. Sure sure.” sabi ko rito sabay ngiti.


“Nice meeting you Chris.” sabi ni George sa akin.



Tila huminto ang mundo ko ng masilayan ko ng husto si George. Di ko alam pero parang he made an impact sa akin. Di naman sya kagwapuhan,sakto lang. Tama nga si Ate Joy,moreno nga sya at may nunal. Sakto lang talaga sya. Pero I can't take my eyes off of him. Weird.


Inaalyze ko ang mukha nya.


“Teacher Chris?” sabi ni TL.


“Uhh yes? “


Nakita kong nakaumang ang kamay ni George,imposing a handshake. Nagulat ako. I took his hand and we did a firm handshake. Ngumiti ako sa kanya. Ganun din sya sa akin. Hindi ko alam,pero parang may something. May Spark,parang Meralco.


“Teacher Chris,are you okay? Namumula ka.” concerned na sabi ni TL.


I instantly checked myself in the mirror and see myself blushing. I felt an iota of mortification within me. Nakakahiya. Kinikilig ba ako?


“I'm okay TL. Thanks.” sagot kong pagiwas sa panunuksong nangangamoy.


“Okay. Teacher Chris,iiwan ko muna dyan sa tabi mo si Teacher George. Kindly assist him if he has questions ha? Be kind.” sabi ni TL.


“Yes TL.”


Ayun na nga. Tumabi na sa akin si George. Bakit parang iba ang pakiramdam ko? Nahihiya ako sa kanya. Alam mo yun? Nakakainis. Para akong teenager na kinikilig twing nakakatabi ang campus crush. Di to maganda.


“Bakla namumula ka oh?” pangiinis ni Ate Joy sa akin.


“Ako? Namumula? Hindi ah! Nakakainis ka Ate Joy!”


I looked at the mirror again. Dumbfounded,Yeah. I'm blushing.


This is just not right.


Laters,
Chris.

Tuesday, June 28, 2011

DAGLAT presents: SEE LAU III

Here pipz! ang pinakahuling libro ng SEE LAU!

Sana po ay maibigan ninyo ang huling bahagi sa buhay nila Martin, Fierro at Cris.

Sa susunod pong handog ng Daglat ay sana samahan natin sina

Harold, Gabby, Kenneth at Sean sa kanilang pakikipagsapalaran

at sariling pakikibaka sa buhay. TEE LA OK: Ang Unang Umaga.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa mga comments po ninyo, so, ngayon pa lang po ako magbabasa ng comments eh.. hehehe..

May reply po akong ilalagay sa last part ng book II. :-)

Pero wastedpup! Iba ka! Hahaha..

Master KUYA BX and Kuya Jayson

Mama D and Kuya Zach!


emray08! bawal ka na sa page na'to! Mula sa SEE LAU part 5 hanggang book3! Bawal ka na magbasa!


Ang thumbnail po natin sa see lau ay hindi angkop sa naging ending kaya onting pasensya na lang po.

----------------------------------------------------------------------------------------

(Sir Dane Aquino, our character for Martin)


SEE LAU: Ang Ikatlong Aklat



Unang Bahagi: /oo-nang/ - /ba-ha-gee/

Isa – Dalawa – Tatlo – Apat

“Mart, Congrats pare! Ilang oras na lang!” maligayang bati kay Martin ng isa niyang bagong kaibigan.

“Oo nga eh! Kinakabahan na ako ng sobra.” sagot naman ng binata.

“Iba ka na talaga pare!” bati ulit nito sabay tapik sa likod ni Martin.

Isang matipid na ngiti lang ang itinugon ni Martin sa bating iyon ng kaibigan niya. Pagkaalis nito ay nahulog sa isang malalim na pag-iisip ang binata. “Anim na taon na din pala!” wika niya kasunod ang isang malalim na buntong-hininga. Inilingon niya ang mga mata sa dakong walang tinutunton at muling nabalik sa kanyang alaala ang anim na taong nakaraan.

“Martin!” sabi ng lalaking kanina pa nakabuntot sa nag-iisang binata sabay hawak sa likod nito.

“Cris.” sagot ni Martin saka napayakap sa binata. “Bakit ganuon?” tanong pa niya saka unti-unting dumaloy ang luha sa kanyang mga mata.

Hinigpitan ni Cris ang yakap sa binata at inalo ito. Hindi man niya batid ang hirap na dala ay alam niyang kailangan ni Martin ng isang kaibigan.

“Akala ko ayos na ang lahat, pero bakit biglang ganito ang nangyari?” tanong pa ni Martin sa binata. “Akala ko si Kuya Perry na ang soulmate ko, pero bakit iba na ang nangyari?” tanong pa ulit nito.

“Martin! Ssshh” pang-aalo pa ulit ni Cris. “May mga bagay lang talaga na akala mo iyon na pero hindi pa pala.” tila pagpapayo pa nito.

“Pero Sir Cris! Napakasakit!” sabi pa nito. “Mahal ko si Kuya Perry at kaya ko siyang ipaglaban, pero kung iisipin kong may isang bata ang masisira ang pamilya dahil sa akin, nanghihina ako!” sumbong pa ni Martin.

“What do you mean?” tila naging interesado ang binata sa sumbong ni Martin.

“Sir Cris! Nakabuntis si Kuya Perry at bestfriend ko pa! Ang sakit, kasi akala ko may direksyong maganda itong pesteng pagmamahalan namin pero bakit ba bigla na lang nagkaganito.” sumbong pa ulit ni Martin.

“Sige Martin! Iiyak mo lang yan. Ilabas mo lang lahat ng sama ng loob mo.” Lalong higpit pa na yakap ang ibinigay ni Cris.

Maya-maya pa at tumahan na si Martin, pahikbi-hikbi ngunit makikita mo na kahit papaano ay may paggaan sa pakiramdam.

“Ahh Martin!” si Cris ulit sa pagbasag sa katahimikan.

“Bakit Sir Cris?” tanong ni Martin.

Isang malalim na bunting-hininga bago muling nagsalita. “Sumama ka sa akin, gagantihan natin si Fierro.” saad ni Cris saka tumingin ng diretso sa mga mata ni Martin.

“Wait lang ah!” nag-aalangang tugon ni Martin. “Nahihirapang mag-process ang utak ko eh. Pakilinaw.” sabi pa ng binata.

“Sumama ka sa akin! Pagtulungan natin si Fierro. Ibalik mo sa kanya ang lahat ng sakit na pinadama niya sa’yo ngayon. I mean, gumanti ka, pahirapan mo siya, pagbayarin mo siya.” paglilinaw ni Cris.

Napangiti naman si Martin sa suhestiyon na iyon ni Cris. “Maganda sana, kaso…” biting sabi ni Martin.

“Kaso ano? Hindi mo kaya kasi mahal mo si Fierro? Kasi hindi mo kayang makitang nahihirapan si Fierro? Kasi naaawa ka sa bestfriend mo? Kasi may inosenteng madadamay? Kasi ano Martin?” tanong Cris. “Martin! Sinaktan ka nila! Ginago ka, winalanghiya ka, tinarantado ka.” mabibigat pa nitong paratang.

“Pero hindi tamang gumanti ako. Oo, nagkamali sila pero ginusto ba nila iyon? Hindi ako martir pero alam ko namang hindi ako makakamove-on kapag gumanti ako. Hindi din naman siguradong sasaya ako kung gaganti ako. Alam mo iyon? Lalo ko lang pahihirapan ang buhay ko kung gaganti ako at ako na mismo ang nagtanggal ng karapatang sumaya ako kung gaganti ako at magtatago ng sama ng loob. Hindi ako magiging Masaya kung dito sa puso ko may itinatagong paghihiganti.” paliwanag ni Martin.

“Ano yun Martin? Hahayaan mo na lang iyon?” tanong ni Cris.

“Oo! Basta sana maging masaya sila, kasi ako pipilitin kong maging masaya.” sabi ni Martin.

“Papaano ka magiging masaya Martin! Sabihin mo nga?” tanong ni Cris.

“Magiging masaya ako kung hahayaan ko silang maging masaya at tatanggapin kong magiging masaya sila.” sagot ni Martin. “Gets mo ba?” tanong pa nito.

“Bahala ka na nga.” sagot ni Cris.

“Hindi ko ala kung ano ang kwento sa inyo ni Fierro, pero sa tingin ko ay talagang malalim. Sana kung anuman iyang away na iyan, kalimutan mo na lang at hayaan mong manahimik ang buhay ninyo. Walang maidudulot na matino iyan, kung puro pagganti na lang ang naiisip mo.” tila pagpapayo ni Martin.

“Martin! Ewan ko na lang sa’yo.” hindi makapaniwalang sabi ni Cris. “Pero sana tanggapin mo naman ang pagmamahal ko sa’yo.” sabi pa ulit ni Cris. “Mahal na mahal kita! Simula nung una kitang makilala hanggang ngayon. Gusto kitang mayakap ulit, alagaan at protektahan. Kahit na ilang taon na ang lumipas Martin, ikaw lang talaga ang may kakayahang patibukin at palambutin ako.” sabi pa ni Cris.

Nanatiling tahimik si Martin na sa wari ba ay pinipilit unawain kung ano ang nais sabihin ni Cris.

“I know, naguguluhan ka.” simula ulit ni Cris. “Remember Topher?” tanong ni Cris. “Iyong batang mahilig bumato sa’yo ng bayabas?” tanong ulit ng binata.

“So, I suppose ikaw si Topher.” may kung ano sa tinig ni Martin na nagpipilit maging masaya.

“You got it right!” sabi ni Cris.

“Yeah, alam ko, kasi itatanong mo ba kung naaalala ko iyon kung hindi ikaw iyon!” sagot ni Martin na may pilit na pilit na ngiti.

“Pwede naman! Ako iyong pinsan ni Topher o kaya kapatid.” may ganting ngiti na sabi ni Cris.

Kahit gaano kaganda ang ngiti ni Cris ay tila nananariwa pa din ang pait sa puso ni Martin.

“Bakit, nakilala ko ba iyong pinsan mo o kapatid?” may pagkasarkastikong sagot ni Martin na halatang pinipilit umarte para lang mapagaan ang sitwasyon niya.

“Martin, huwag mo nang piliting magpanggap.” sabi ulit ni Cris saka hinaplos ng kamay niya ang mga luha ni Martin sa pisngi. “Hayaan mo akong tulungan kang makamove-on. Hayaan mo akong tulungan kang makalimot, hayaan mo akong pumalit kay Fierro sa puso mo.” pakiusap ni Cris.

“Sorry Sir Cris!” sagot ni Martin. “Pero hindi pa ako handing umibig ulit. Walang makakapalit sa puwang na iiwan ni Fierro sa puso ko.” saad ni Martin saka tiningnan sa mga mata si Cris.

Pakiramdam ni Cris ay sinampal siya ng isang milyong tigpipiso sa sinabing iyon ni Martin.

“Ayokong kumuha ng panakip butas Cris! Ayokong maging panakip butas ka, kasi alam kong may mas magandang buhay na naghihintay sa’yo. Alam kong hindi ako ang talagang mahal mo, natali ka lang sa alaala nang nakaraan. Natali ka lang sa alaala natin dati.” paliwanag pa ni Martin. “Dahil ang totoo, hindi mo ako kayang mahalin dahil hindi pa nababakante ang puso mo sa galit, poot at paghihiganti. Una mo munang palayain iyon bago mo masabing nagmamahal ka at mahal mo nga ako.” sabi pa ng binata. “Kung sasabihin kong mahal kita at maging tayo nga, lalong imposibleng maging maayos ang relasyon ninyo ni Fierro.”

“Bakit ba Martin kakaiba ka?” komento ni Cris. “Alam ko kung gaano kita kamahal pero iba ka! Iba kang mag-isip, iba kang bumanat, iba ka sa lahat!” dagdag pa ng binata. “Pero sigurado akong mahal kita. Oo, natali ako sa alaala ng nakaraan dahil sa tuwing maaalala ko iyon, lumulundag ang puso ko. Alam mo bang inalis mo ang kalungkutan ko? Sa tuwing napipikon ka, pakiramdam ko mahal mo ako kaya ka napikon. Sa tuwing kakausapin kita dati, sa tuwing tatawagin mo ang pangalan ko, sa tuwing makakasama kita! Ang daming magagandang bagay ang pinagsamahan natin Martin! Bakit ba hindi mo masabing mahal mo na din ako?” naluluhang saad ni Cris.

“Naguguluhan ka lang Cris! Naguguluhan ka lang!” sabi ni Martin. “Pero sana Cris! Pilitin mo at pag-aralan mong magpatawad. Patawarin mo na si Fierro, palayain mo na iyang galit sa puso mo, palayain mo na iyang bitterness na nararamdaman mo.” sabi pa nito.

“Martin! Hindi ko alam, pero kakaiba ka talaga.” komentong paulit-ulit ni Cris. “Imbes na magalit ka kay Fierro at Danielle, sinisimulan mo nang magpatawad at mas iniisip mo pa din ang kapakanan ni Fierro kaysa sa sarili mo at pilit mong inilalapit ang loob ko sa kanya.”

“Siyempre! Ako kasi ang bida sa kwentong ito kaya dapat magbait-baitan ako.” may pilit na pagpapatawa kay Martin kahit na sa kalooban niya ay may sakit.

“Sige! Pipilitin kong palayain na ang galit sa puso ko! Para mapatunayan ko sa’yong mahal talaga kita.” sagot ni Cris saka niyakap si Martin.

Ikalawang Bahagi: /ee-ka-la-wang/ - /ba-ha-gee/

I – II – III – IV

“Saan na ang punta mo n’yan?” tanong ni Cris kay Martni. “Tara, ihatid na kita pag-uwi.” aya pa ng binata dito.

“Uuwi? Ako? Handan a ba akong makita si Kuya Perry? Handan a ba ulit ang puso kong higit na masaktan?” bulong ni Martin sa sarili.

“Hoy!” sabi ni Cris saka kaunting inusog sa pagkakaupo si Martin. “Tinatanong kita.” masuyo pa nitong sabi.

“Ah, eh Sir Cris!” may pigil na luhang napalingon sa likuran si Martin. “Bili muna tayong squidball.” pakiusap pa ng binata.

“Sige ba!” may simpatikong ngiting turan ni Cris saka lumapit sa di kalayuang nagtitinda ng squidball. “Sige na tumuhog ka na!” sabi pa ni Cris saka muling nilingon si Martin. “Martin?” hanap niya sa binata.

Samantalang si Martin naman –

“Ah, eh Sir Cris” sabi ni Martin “Ayoko pang umuwi! Ayokong makita ako ni nanay na ganito! Ayoko munang makita si Kuya Perry.” may pigil na mga luhang saad ni Martin sa sarili saka lumingon sa likod. Nakakita siya ng nagtitinda ng fishball kaya naman – “Bili muna tayong squidball.” pakiusap niya dito.

“Sige ba!” malugod na sang-ayon ni Cris.

Kumaripas ng takbo si Martin nang makalayo si Cris sa kanya. Ayaw muna ni Martin na balikan ang mundo niya. Nais niyang humulagpos muna sa katotohanang pilit niyang kinakalimutan.

“Martin!” malakas na malakas na sigaw ni Cris sa paghahanap kay Martin.

Habang si Martin naman ay nagkukubli sa mga aninong kasabay niyang gising pa sa mga oras na iyon.

“Aray!” angal ng lalaking nakabangga ni Martin habang tumatakbo.

“Sorry!” paumanhin ni Martin.

“Ayos lang Martin!” sagot ng lalaki.

“Sir Zach?!” pangingilala ni Martin nang mabosesan ang lalaki.

“Yeah! Ako nga.” tugon ng lalaki sa dilim sabay tayo at abot kay Martin ng isang kamay nito.

“Salamat po Sir!” pasasalamat ni Martin na pilit tinatago ang sakit.

“Bakit ba biglan kang nawala sa pageant?” tanong naman ni Zach.

“Ah, eh kasi Sir…” hindi malaman ni Martin kung papaanong sasagutin ang tanong na iyon. “Wala naman kasi akong pag-asang manalo.” mga kataga ng katangahang nasabi ni Martin.

“Wala nga ba o may tinatakasan ka?” tanong ni Zach. “Ikaw ang Ginoong Lakambini, pero dahil umalis ka, ibinigay sa iba ang title.” dugtong pa ng binata.

“Deserving naman malamang iyong nanalo kaysa sa akin.” sagot ni Martin na pilit iniiwasan maungkat ang kalagayan niya ngayon.

“Anyways, alam mo bang hinahanap ka ni Fierro?” sabi ulit ni Zach. “Alalang-alala ang mokong.” sabi pa ng binata.

Natigilang bigla si Martin sa narinig na pangalan. Muli at unti-unti ay nararamdaman niya ang pagsakit ng kalooban.

“Bakit ka natigilan?” painosenteng tanong ni Zach kahit batid niya ang itinatago ni Martin. Hindi man nakikita ni Zach nang malinaw ang anyo ni Martin ay dama niya ang sakit na dala-dala nito. Alam ni Zach ang nangyari at inoobserbahan lang niya kung papaano magbibigay reaksyon si Martin.

“Sir Zach!” muling tumulo ang luha sa kanyang tuyot na tuyot na mga mata.

“Bakit?” pang-aalo ni Zach saka niyakap si Martin.

“Sir Zach! Bakit ba ganito na lang ang nangyayari sa akin?” tanong pa ng binata.

“Ano bang nangyayari ang sinasabi mo?” tanong ni Zach. “Handa akong makinig sa’yo! Sige magkwento ka lang.” sabi pa ng binata.

At nagkwento nga si Martin, mula sa simula hanggang sa katapusan ng kwento.

“Honestly Martin, alam ko na iyang kwento na yan. Nauna nang magsabi sa akin si Fierro at kanina pa din kita hinahanap.” simula ni Zach matapos ang kwentong iyon ni Martin. “Huwag ka naman sanang mag-isip na walang patutunguhan ang relasyong Adan at Adan, sabihin na lang nating nagkamali lang si Fierro at hindi niya sinasadya ang nagawa niya. Sa bandang huli naman, nasa iyo ang desisyon. Ikaw, kung ano sa tingin mo ang tama at mula sa tamang mapipili mo, kahit gaano kasakit na sabi mo nga, matuto kang lumigaya. Hindi naman pwede kasing habang panahon kang magmumukmok d’yan. Walang mangyayari sa buhay mo kung iisipin mong end na. Start lang ‘yan ng new chapter sa buhay mo.” tila sermon ni Zach kay Martin.

“Pero Sir Zach! Kahit sa papaanong paraan ko isipin, may isang bagay na hindi kayang ibigay si Adan kay Adan. At dahil nga hindi ko maibigay iyon kay Kuya Perry, kaya ako ngayon nandito.” sabi ni Martin.

“Alam mo bang mahal na mahal ka ni Fierro?” sabi ulit ni Zach. “Iyon lang na bagay na iyon ay sapat na para patunayang si Adan at si Adan ay pwedeng magsama. Kaya lang masyadong nadala si Fierro, hindi naman natin pwedeng isisi lahat kay Fierro iyon dahil may pangangailangan din siya ng mga oras na iyon.” sabi ulit ni Zach.

“Oo Sir Zach! May pangangailangan siyang hindi ko kayang ibigay.” sagot ni Martin.

“Hay Martin!” sabi ni Zach saka niyakap si Martin. “Pakawalan mo na lang ulit ang puso mo at hayaang lumipad. Maging malaya ka para makilala mo pa ang anyo ng daigdig at mundo. Hindi mo kailangan na magpagapos sa tanikala ng nakaraan at lalong hindi mo kailangang magpakahirap sa nakaraan. There are so much in life na para sa’yo.”

“Sir Zach!” lalong higpit na yakap ang ginawa ni Martin kay Zach.

Ilang sandali pa at inaya na ni Zach si Martin na umuwi.

“Tara, sa bahay ka namin muna tumuloy.” aya pa ni Zach kay Martin. “Itetext ko na si Fierro na huwag nang mag-alala.” sabi pa ng binata.

“Please Sir Zach! Huwag!” pigil ni Martin kay Zach.

“Pero paano ang nanay mo?” tanong ni Zach kay Martin.

“Si nanay na lang ang tatawagan ko. Pero ayoko munang malaman ni Kuya Perry kung nasaan ako.” pakiusap pa ulit ni Martin.

“Okay, ikaw ang bahala.” sang-ayon ni Zach.

Sa bahay nila Martin naman ay puno ng mga pulis at kamag-anak –

“Sorry nanay!” sa wakas ay nagkalakas ng loob si Fierro na kausapin ang nanay ni Martin matapos nitong ikwento ang nangyari sa kanila ni Danielle at posibleng nangyari at ginawa ni Martin.

Isang sampal ang ginawad ng ginang kay Fierro saka napaluha.

Niyakap na lamang ni Fierro ang ginang at inunawa ang nararamdaman nito. “Patawarin po ninyo ako nanay!” paumanhin ni Fierro. “Hindi ko po sinsadya.” at napaluha na din ang binata.

Maya-maya pa at nag-ring ang cellphone ng ginang –

“Hello!” sabi ng ginang.

“Nay!” masayang bati ni Martin mula sa kabilang linya.

“Martin!” sumayang sagot nito sa anak na tumuwag sa atensyon ni Fierro. Agad na nilapitan ni Fierro ang ginang.

“Nasaan ka ba anak?” tanong ng ginang sa anak.

“Basta nanay, hindi po muna ako uuwi, pero sana maging panatag ka na d’yan! Maayos po ako dito.” sabi pa ni Martin sa ina. “Uuwi din po ako bukas.” sabi pa nito.

“Anak! Pupuntahan kita, nasaan ka ba?” pamimilit ng matanda kay Martin.

“Nasa mabuting kaibigan po ako at siya na ang bahalang mag-alaga muna sa akin.” pilit pinapasayang sabi ni Martin.

“Sige anak! Hindi na kita pipilitin, naiintindihan naman kita.” sabi pa ng matanda.

“Salamat nanay!” pagkasabi niyon ay pinindot na niya ang end call.

“Nay, nasaan na daw po si Martin?” tanong agad ni Fierro.

“Sa mabuting kaibigan daw.” may galak na sagot ng matanda subalit dama mo pa din ang kalungkutan.

“Kilala po ba ninyo? Pupuntahan ko po, susunduin ko na po siya.” masayang suhestiyon ni Fierro.

“Huwag muna ngayon Fierro.” sagot ng matanda. “Hindi ko alam kung kaya kitang patawarin dahil sa ginawa mo kay Martin! Tanging ang panahon na lang ang makakapagsabi kung mapapatawad kita. Pero isang bagay lang ang hihilingin ko sa iyo, para na kitang anak at pati si Danielle ay itinuring ko ng anak. Magiging Masaya ako kung pakakasalan mo si Danielle. Ayokong lumaki ang anak niyang hiwalay ang nanay at tatay niya.” pakiusap pa ng ginang kay Fierro. “Pero hindi ko maipapangako kung mapapaatawad kita.” paglilinaw pa ng matanda.

Tanging tango na lamang ang naging tugon ni Fierro dito.

Ikatlong Bahagi: /ee-kat-long/ - /ba-ha-gee/

I – II – III – IV

“Martin, nandito na tayo!” sabi ni Zach kay Martin. “Bababa ka na ba?” tanong pa ng binata.

“Hindi pa ako handing makita si Kuya Perry.” malungkot na saad ni Martin.

“Papaano ka makakamove-on kung hanggang ngayon takot ka pa ring harapin si Fierro?” tanong ni Zach kay Martin.

“Mas madali kong malilimutan si Kuya Perry kung hindi ko muna siya makikita. Alam mo iyon na mas ayos sa akin na may space muna para mas maging maayos ang pag-iisip ko.” lahad pa ni Martin.

“Bahala ka Martin! Pero tandaan mo, hindi mo habang-buhay na pwedeng iwasan si Fierro.” sabi ni Zach saka hinaplos ang mukha ng binata.

“Salamat Sir Zach.” pasasalamat ni Martin.

“Sige, saan tayo pupunta ngayon?” tanong ni Zach kay Martin.

“Dito lang!” sabi ni Martin.

Isang malalim na buntong-hininga lang ang sinagot ni Zach na nangangahulugan ng pagsang-ayon.

“Sige na, pumasok ka na ngayon, bababa na ako dito.” sabi pa ni Martin.

“Hindi, dito lang ako. Nakapagpaalam ako sa head namin na aabsent ako ngayon.” tutol ni Zach.

“Nakakahiya naman sa’yo.” sabi ni Martin kay Zach.

“Hindi iyon!” sagot ni Zach. “Basta dapat cheer up ka na! Para naman masulit ang absent ko.” nakangiting sabi pa ni Zach.

“Ikaw talaga!” napangiting tugon ni Martin.

“Ayan! Kita mo, nakakaganda ng mood pag ngumingiti ka!” sabi pa ni Zach.

“Nambobola ka naman eh!” sagot ni Martin na unti-unting natututunang muling ngumiti.

“Hindi ka naman bilog para maging bola.” pambawi ni Zach.

“Hay! Ewan ko sa’yo.” sagot na lang ni Martin. “Siguro kung nauna kang dumating sa buhay ko, malamang ikaw na ang minamahal ko.” bulong pa ni Martin sa sarili.

Maya-maya pa at –

“Boss kanina pa kayo d’yan ah!” katok ni Jayson sa kotse ni Zach. “Pinapatanong ng may-ari ng bahay kung sino daw kailangan ninyo?” sabi pa nito.

“Zach! Palipatin mo sa kabilang window!” sabi ni Martin kay Zach.

Dahan-dahan namang ibinaba ni Zach ang salamin ng kotse iyong sapat lang para marinig ng kausap niya ang sasabihin niya. “Boss! Pasensiya na, pinapasabi ng kasama ko, lipat ka daw sa kabilang bintana.” sabi ni Zach saka muling itinaas ang salamin.

“Jayson!” nakangiting simulang bati ni Martin kay Jayson.

“Martin!” nakangiting sagot ni Jayson.

“Pasok ka muna!” sabi pa ng binata saka binuksan ang pinto ng kotse.

“Tatawagin ko lang si Sir Fierro. Sasabihin kpo nandito ka na! Siguradong matutuwa iyon.” sabi pa ni Jayson.

“Huwag Jayson!” awat ni Martin.

“Bakit?” tanong ni Jayson.

“Basta, pumasok ka muna sa loob.” sabi pa ni Martin.

Sa loob ng kotse –

“Kailan ka pa nasa bahay?” simulang tanong ni Martin.

“Kagabi pa, d’yan na nga din ako natulog eh.” sagot ni Jayson.

“Kamusta na si nanay?” tanong ni Martin.

“Ano pa nga ba, eh di hindi nakatulog kagabi. Laging bumabangon at hinahanap ka.” sabi ni Jayson. “Pakita ka na kasi sa nanay mo.” pilit pa ni Jayson.

“Si Kuya Perry?” tanong ni Martin.

“Hindi din nakatulog kagabi. Hindi din mapakali, hinihintay na baka magtext ka o kaya tumawag sa kanya.” sabi ni Jayson.

Nanatiling tahimik si Martin –

“Alam mo bang sinundan kita kagabi?” simula ulit ni Jayson. “Alam ko kung ano ang nangyari sa’yo hanggang sa kung saan ka natulog. Hindi ko na lang sinabi kay Sir Fierro kung nasaan ka kasi alam ko kailangan mo ng konting space.” pagkukwento ni Jayson.

Napatingin na lang si Martin kay Jayson na tila ba hindi makapaniwala.

“Nabasa ko kung ano ang sinulat mo sa pader, at alam mo, hindi ako sang-ayon sa sinabi mo. Oo, nagkamali si Sir Fierro, pero huwag mo sanang lahatin na wala talagang pag-asa ang same sex relationship.” sabi ni Jayson.

“Alam ko na iyan Jayson!” sagot naman ni Martin na may ngiti.

“Alam na niya iyan kasi nasabi ko na sa kanya kagabi.” singit naman ni Zach.

“Alam mo na naman pala eh! Harapin mo na si Sir Fierro para mas madaling gumaan ang pakiramdam mo.” sabi pa ni Jayson.

Tumingin si Martin kay Zach na tila ba humihingi ng tulong. Sinagot naman ng tango ni Zach si Martin.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Martin saka tumango kay Jayson.

Napangiti naman sina Zach at Jayson sa naging tugon na iyon ni Martin.

Sa loob ng bahay –

“Martin!” sabi ng nanay ni Martin saka tinakbo ito at niyakap.

Natulala si Fierro, hindi niya alam kung ano ang unang gagawin. Nais niyang yakapin si Martin ngunit nag-aalangan siyang baka galit ito sa kanya. Gusto niya ito halikan pero natatakot siyang hindi ito gumanti sa halik niya. Takot siya na baka galit sa kanya ang minamahal.

“Sorry po nanay!” paumanhin ni Martin.

“Anak!” pahagulgol na sabi ng matanda. “Ayos ka lang ba?” tanong pa nito saka hinawakan ng kanyang kamay ang mga pisngi ng binata.

“Ayos lang po ako.” sagot ni Martin.

Agad na hinanap ni Martin si Fierro at kanya naman itong binigyan ng isang ngiti.

Natuwa ang nangangambang puso ni Fierro at agad niyang tinakbo ang mahal na kasintahan.

“Sorry Martin! Sorry!” paghingi nang paumahin ni Fierro kay Martin.

“Nothing to worry.” sagot ni Martin saka mahigpit na gumanti ng yakap kay Fierro.

“Hayaan mo na akong mag-explain.” sabi ni Fierro. “Hindi ko naman gusto iyong nangyari. That time, I need someone to talk to and Dan was there to help me out. Kaso, there’s something strange, an urge kaya nangyari iyon. Sorry Martin! Hindi ko naman gusto iyong nangyari.” punung-puno ng pagsisising sabi ni Fierro.

“Ayos na yun!” sagot ni Martin.

“Please say na napatawad mo na ako para gumaan naman kahit kaunti ang loob ko.” pagsusumamo ni Fierro.

“Hindi ako haharap sa’yo kung hindi pa kita napapatawad. At hindi ko kayang humarap sa’yo kung may galit pa din ako sa’yo.” sabi ni Martin. “I understand! And you’re forgiven!” sabi pa ni Martin.

“Martin!” sabi ni Fierro saka niyakap ng mahigpit si Martin.

“Pero please promise me!” sabi ni Martin.

“Ano iyon?” tanong ni Fierro.

Pinalakas ni Martin ang loob at diretsong tumingin sa mga mata ni Fierro. “Pakasalan mo si Danielle.” pakiusap ni Martin kasunod ang isang lihim na luhang mula sa kanyang puso.

Nadurog ang puso ni Fierro sa pakiusap na iyon ni Martin. Ayaw niyang malayo kay Martin at ayaw niyang hiwalayan ito ngunit ang kasintahan na mismo niya ang humihingi ng pabor para maghiwalay sila.

“Martin!” sabi ni Fierro saka kahit labag sa loob ay tumango.

Naghihiyaw sa sakit ang kalooban ni Martin sa tango na buhat kay Fierro. Iyon ang gusto niyang sagot subalit ang kirot, hapdi at sakit at mas higit pa sa inaasahan. Ang tango na iyon ay nagsasabing tapos na ang yugto sa buhay nila bilang sila.

“Salamat!” tanging nasabi ni Martin.

“Pero please, huwag kang lalayo sa akin!” bulong ni Fierro kay Martin.

“You will always be my Kuya Perry! The most colorful and happiest part of my life are those days shared with you.” sagot ni Martin.

Walang anu-ano ay hinalikan ni Fierro sa mga labi si Martin.

“You’re number one!” sabi ni Fierro saka tinuro ang kaliwang dibdib niya.

“Salamat! Please be a good father to your child and good husband to Danielle.” pakiusap ulit ni Martin.

“I will.” sagot ni Fierro. “And I will always love you.” habol pa nito.

Napangiti na lang si Martin sa sinabing iyon ni Fierro.

Ikaapat na Bahagi: /ee-ka-a-pat/ /na/ - /ba-ha-gee/

I – II – III – IV

Dumating na ang araw ng kasal nila Fierro at Danielle. Isang desisyon ang ginawa ng dalawa na sa tingin nila ay magpapayos sa kanilang buhay. Napapayag ni Fierro ang nanay ni Martin para maging ninang sa kanilang kasal. Sa Martin, kahit na anung pilit ay ayaw maging bestman sa kasal. Naging maayos pa din ang samahan nila Danielle at Martin, pero dahil sa nangyari ay naiilang si Danielle pag kaharap si Martin. May nararamdaman siyang guilt dahil sa nagawa sa bestfriend niya.

“I promise to be the best man in your life, best father I can be to our children and your greatest man ever.” pagwawakas ni Fierro sa marriage vow niyang ginawa para kay Danielle.

“Fierro! Ngayon pa lang, palayain mo na ang puso mo sa akin dahil ako, nakahulagpos na ako sa’yo.” sabi ni Martin habang nagkukubli sa isang sulok ng simbahan. “Maging Masaya ka sana, dahil ako, natututunan ko nang muling ngumiti at tumawa.” sabi pa ni Martin saka lumakad palabas at palayo ng simbahan.

Hindi naging mailap sa mga mata ni Fierro ang pag-alis na iyon ni Martin. Alam niyang kanina pa nakakubli ang tunay na mahal. “Martin! Kung sana hindi ako nagkamali, ikaw sana ang kasama ko sa harap ng altar na’to.” sabi ni Fierro sa sarili.

At ito na ang pinakahuling beses na nakita ni Fierro si Martin.

Makalipas ang isang buwan –

“Anak, sigurado ka na ba sa papasukin mo?” tanong ng nanay ni Martin sa kanya.

“Opo naman nay! Hindi po ba’t ito talaga ang gusto niyong gawin ko?” nakangiting sabi ni Martin.

“Pero anak baka napipilitan ka lang o naguguluhan dahil sa nangyari.” sabi pa ng ginang.

“Hindi po nanay.” tutol ni Martin.

“Pero di ba dapat next year ka na lang umalis?” tanong pa ng ginang.

“Pinayagan po ako ng admin na pumasok na ako kahit two months late na ako. Maganda naman daw po kasi iyong exam result ko saka may background na din naman daw po ako at kaya ko daw pong makahabol.” sabi pa ni Martin.

“Ikaw anak, bahala ka. Basta mag-iingat ka dun.” nakangiting sabi ng matanda kay Martin.

Makalipas ang anim na taon, heto na ang naging bunga ng usapang iyon ng mag-ina. Ito na ang naging dulot sa pagkakamali ng nakaraan na pilit itinatama.

Tumayo si Martin mula sa pagkakaupo at saka pumunta sa lobby.

“Congrats bro!” bati ng bantay sa lobby. “After six years! Ito na ang pinaka-aantay mo.” sabi pa nito.

“Salamat pare!” sagot ni Martin.

“Anung dahilan at napadpad ka sa lobby? Hindi ba dapat at nasa conference ka na?” usisa pa nito.

“Makikitawag lang sana ako. Tatawagan ko sana si nanay sa bahay.” pakiusap pa ng binata.

“Sure!” sagot ng lalaki. “For sure excited na din si mama mo.” nakangiti pa nitong turan.

“Malamang iyon!” nakatawang tugon ni Martin saka nag-dial sa telepono.

“Nanay!” masiglang bati ni Martin sa ina sa kabilang linya.

“Martin! Paalis na kami ni Gelo!” sagot naman ng matanda.

“Bawal ang late nanay!” paalala pa ni Martin.

“Sabi mo eh! Basta maaga kami, swear!” sagot naman ng ginang.

“Sabi mo yan nanay ah!” paninigurado ni Martin.

“Kumain ka na muna ng madami.” paalala pa ng ginang.

“Opo, mamaya po after ng conference.” sabi ni Martin.

“Siya! Sige na, at naabala mo na kami ni Gelo.” sagot ng ina ni Martin.

“Nanay! Si kuya Martin po ba iyan?” tanong ni Gelo sa ina.

“Oo Gelo si Kuya Martin mo nga.” sagot ng ginang at dinig ni Martin ang usapan sa kabilang linya.

“Pakausap po.” sabi ni Gelo.

“Kuya Martin! Kamusta ka na?” tanong ni Gelo sa kapatid.

“Asus! At nangamusta ang pangit na bata.” sabi ni Martin.

“Kung pangit ako ano tawag mo sa’yo.” ganting pang-aasar ni Gelo.

“Lokong bata ka! Tandaan mo mas gwapo pa din ako sa’yo.” pang-aasar ni Martin.

“Lagot ka sa kain mamaya Kuya! Guguluhin kita mamaya.” pagbabanta pa ni Gelo na tila may nais sabihin.

“Subukan mo, mata mo lang ang walang latay!” tugon ni Martin.

“Kung magagawa mo!” sabi ni Gelo. “Basta kuya! Ihanda mo na lang ang sariliu mo!” sabi ni Gelo saka tumawa.

“Loko mo!” sagot ni Martin.

“Kayo talagang dalawa kayo! Kung mag-asaran!” bati nang nanay nila sa kanila.

“Si kuya Martin po kasi pikon!” pang-aalaska ni Gelo na diniinan ang salitang pikon.

“At ako pa ang pikon.” kontra ni Martin.

“Siya Gelo! Magbihis ka na at nang makaalis na tayo.” sabi ng ginang.

“Sige po nanay!” maamong tupang tugon ni Gelo.

“Sige po nanay!” paalam ni Martin.

“Sige anak!” sabi ng matanda saka binaba ang telepono.

Samantalang pagkapasok ni Gelo sa kwarto –

“Hello!” sabi ni Gelo sa kausap sa kabilang linya.

“O Gelo, napatawag ka.” sagot ng nasa kabilang linya.,

“Kuya Fierro, gusto mo bang balikan si Kuya Martin?” tanong ni Gelo sa kausap na si Fierro pala.

“Bakit mo naitanong?” tila naging mabilis ang pagtibok ng puso ni Fierro.

“Kung gusto mo, dapat bago magtanghali nandito ka na sa address na sasabihin ko.” sabi ni Gelo saka sinabi ang address saka pinindot ang end call.

Samatalang –

“Hello Gelo!” habol pa sana ni Fierro kay Gelo.

“Six years! Gusto pa kayang ituloy ni Martin ang naudlot naming pagmamahalan?” tanong ni Fierro sa sarili. “Paano kung hindi na? hindi! Paano ko malalaman kung hindi ko siya pupuntahan.” buo ang loob na sabi ni Maritn.

“Two years na naman patay si Danielle kaya wala na siyang dapat pang idahilan.” napapangiting sabi ni Fierro saka inayos ang sarili.

“Martin!” tawag ni Fierro sa anak. “Gusto mo bang sumama kay daddy?” tanong ni Fierro sa anak.

“Saan po tayo pupunta?” tanong ni Martin.

“Basta!” sagot ni Fierro.

“Sige po daddy!” sagot ni Martin.

Ikalimang Bahagi: /ee-ka-lee-mang/ - /ba-ha-gee/

I – II – III – IV

“Akala ko talaga nanay malalate kayo.” sabi ni Martin pagkadating ng ina.

“Sabi ko naman di ba sa’yo, maaga kami.” sabi pa ng matanda. “Akala ko talaga pangarap na lang na makita kita sa ganitong okasyon.” sabi pa nito.

“Nanay!” napangiting sabi ni Martin. “Ito na nagkatotoo na! Papakasal na ako.” tugon ni Martin.

“Ikaw na bata ka!” malambing na sabi ng ginang saka niyakap si Martin.

“Si Gelo po?” tanong pa ng binata.

“Kasama ng pinsan mo, ipinark lang iyong kotse.” sagot ng ina niya.

“Makukutusan ko talaga iyong bata na yun.” sabi ni Martin.

“Kayong dalawa, para kayong mga aso’t pusa.” sabi ng matanda.

“Ayos na iyon nanay kaysa naman sa hindi kami nagpapansinan.” nakangiting sagot ni Martin.

“Kuya Martin!” sabi ni Gelo saka niyakap ang kuya niya.

“Andito na pala si kulit!” sagot ni Martin. “Balita ko puso sakit ng ulo daw ang ibinigay mo kay nanay ah?” tanong pa ng binata dito.

“Sinong nagbalita sa’yo nun? Sinungaling iyon.” sabi pa ng binatang si Gelo.

“Halina na po kayo sa loob.” aya kila Martin ng isa sa mga kasamahan niya.

“Pasok na daw kayo nay!” sabi ni Martin.

“Oo na!” sagot naman ng matanda.

“Humanda ka mamaya kuya!” nakangising pagbabanta ni Gelo sa kapatid.

“At ano naman ang balak mong loko ka?” tanong ni Martin saka ginulo ang buhok ng kapatid niya.

“Ano na lang ang nakakaalm nun.” sagot ni Gelo at nag-iwan ng malaking pala-isipan kayMartin ang sinabi ng kapatid.

Dumating na ang oras na hinhintay ni Martin at nasa kalagitnaan na ng seremonya para siya ay ordinahan bilang isang pari –

“Nay, labas lang po ako.” paalam ni Gelo sa ina.

“Sige hijo! Bilisan mo at baka hindi maabutan na sinusuotan ng abito ang kuya MArtin mo.” paalala pa ng ina.

“Sige po nay!” sagot naman ni Gelo.

Pagkalabas -

“Kuya Fierro! Akala ko hindi ka pupunta!” simula ni Gelo.

“Nasaan ang Kuya Martin mo?” tanong ni Fierro.

“Nasa loob po! Malapint ng suutan ng abito.” sagot pa ni Gelo.

“Bakit mo ba ginagawa to?” tanong ni Fierro imbes na pumasok sa loob.

“Gusto ko lang na makita kayong dalawa na Masaya. Kasi alam ko, may regrets pa sa puso ninyo buhat ng mangyari ang lahat lahat six years na ang nakalilipas.” sabi pa ni Gelo.

“Paano mo naman nasabi eh kay bata-bata mo pa nun?” tanong ni Fierro.

“Alam mo, walang bata-bata, kasi kahit bata may isip na kaya naiintindihan ko kung ano nangyari.” sabi ni Gelo.

“Pero iba ang pagkaka-intindi mo sa pagkakaintindi ng matatanda.” kontra ni Fierro.

“Siguro nga tama ka, pero mas gusto ko lang na malaman ni Kuya Martin kung saan ba siya mas sasaya kaya kita tinawagan. Kita ko naman nag-effort ka para sa kanya kaya nandito and siya na lang ang bahalang mamili kung saang buhay niya gusto.” sabi ulit ni Gelo.

“Tuso kang bata ka!” sabi ni Fierro saka ginulo ang buhok ni Gelo.

“Bilisan mo na at baka mahuli ka pa!” sabi ni Gelo.

“Walang huli-huli basta love ang usapan.” kontra naman ni Fierro.

“Iwan ko muna si Martin sa’yo! Pupuntahan ko lang si Martin dun!” sabi ulit ni Fierro.

“Sige kuya Fierro.” sang-ayon ni Gelo.

Sa kalagitnaan ng seremonya –

“Ikaw Martin Matthew” sabi ng paring mag-oordina kay Martin habang sa katabi nito ay may ilang seminarista naman may hawak sa abitong isusuot kay Martin “ay tinatawagan ng Diyos upang kanyang maging tagapag-lingkod at bahagi nito ay ang paggagawad sa’yo ng abito na magpapatunay na ikaw ay isa nang ganap na pari at haligi ng simbahang katolika.” sabi pa ng pari saka kinuha ang abito at itinaas para isuot kay Martin. Si Martin naman ay idinipa ang mga kamay na nagpapahayag ng pagtanggap.

“Martin!” isang malakas na sigaw ang narinig.

Napalingon ang lahat sa sigaw na iyon samantalang si Martin naman ay biglang bumilis ang tibok ng puso para sa isang hindi inaasahang pangyayari. Pamilyar sa kanya ang tinig na iyon subalit ayaw niyang isiping si Fierro nga talaga iyon. Maingat at dahan-dahan niyang inilinogn ang ulo at sa paglingon niya ay nakalapit na sa kanya ang humihingal pang si Fierro.

“Kuya Perry.” gulat na takot na wika ni Martin.

“Sumama ka sa akin!” sabi ni Fierro na nakangiti saka hinawakan sa kamay si Martin.

“Father! Babalik po ako!” sabi ni Martin na tila sinasabing huwag na silang sundan.

“Kung makakabalik ka pa!” sabi ni Fierro sa sarili.

Sa labas –

“I love you Martin!” pangungusap ng pagmamahal ni Fierro.

“Kuya!” hindi makapaniwalang sabi ni Martin na muli ay kaharap niya ang taong minsang nagpatibok sa kanyang puso.

“Please say you love me too!” sabi ni Fierro.

“I love you too pero…” biting wika ni Martin dahil naging mabilis ang kilos ni Fierro at hinalikan siya nito.

“That is enough!” sabi pa ni Fierro.

Pumatak ang luha sa mga mata ni Martin – “pero kuya…” muling putol dahil sa pagsasalita ni Fierro.

“Please, ibalik natin ang dati. Magsama ulit tayo, kasama si nanay, si Gelo at ang anak nating si Martin.” sabi pa ni Fierro.

“Hindi na pwede kuya!” sabi ni Martin. “Hindi na pwede ang dati. Ito na ang buhay ko, ito na ang gusto kong kahantungan ko. Intindihin mo sana ako.” sabi ni Martin.

“Martin.” sabi ni Fierro.

“Isipin mo na lang ang anak mo kuya! Oo, wala na nga si Danielle pero ano na lang ang sasabihin niya pag tinanong, nasaan ang mama mo? Ano ang isasagot niya? Wala na po akong mama kasi dalawa papa ko. Pati ang anak mo madadamay sa kasalanang relasyong mayroon tayo. Pati siya mahuhusgahan ng mga tao. Isipin mo na lang kuya, kakayanin ba ng anak mo ang ganuon?” paglilinaw ni Martin saka tumalikod.

“Mahal na mahal kita Martin!” sabi ni Fierro saka hinawakan sa braso si Martin.

“Sorry kuya! Ito na ang mundo ko.” sabi ni Martin na buong pait at sakit. Muli ay nagbabalik sa kanya ang pagmamahal kay Fierro ngunit tila sinusubok ng panahon ang katatagan niya. Mas pinili niya ang bagong buhay kaysa sa dati dahil sa ilang bagay na nagpapagulo sa kanyang isipan.

“Huwag Martin!” pigil ni Fierro saka niyakap si Martin. Ang mga kipkip na luha ay dumaloy sa kanyang mga mata at kasabay niyon ay ang pagbuhos ng ulan.

“If you really do, you can wait me for five years.” sabi ni Martin saka bumitiw sa yakap ni Fierro at umiiyak na tumakbo palayo.

“I will Martin!” sabi ni Fierro.

“Sorry Kuya Fierro! Sana sa loob ng limang taon ay makakita ka ng taong para talaga sa’yo.” bulong ni Martin sa sarili.

Malapit na si Martin sa pintuan nang chapel nang maramdaman niya ang panghihina ng mga tuhod. Biglang napaluhod ang binata at saka hinawakan ang dibdib. Naramdaman niya ang paninikip niyon at ang hirap sa paghinga. Unti-unti ay nawalan ng hangin ang binata at iyon ay naging sanhi para sa isang masaklap na kapalaran.

Ang ulan – isang natural na kalagayan ng panahon na nagpapakita ng kalungkutan. Ang bawat patak nito ay wari bang musika ng pakikiramay at ang malagaslas na patak ay may ritmong sumasabay sa damahin. Ang ulan – natural na kalagayang bumabawas sa tingkad ng araw at nag-aalis ng nakakasilaw nitong liwanag.

Silaw (dazzle) - /see–lau/: isang kalagayang nagpapakita nang pagkahumaling sa liwanag; pagkalito ng mga mata sa isang tanawing nakikita na sanhi ng liwanag o nakakabulag na liwanag. Mga huni ng damdaming sa simula ay masaya ngunit sa pagdating ng panahon ay mababago ang lahat at puputulin ng isang malakas na ulan.

Ang pag-ibig ay nakakasilaw lalo na kung hindi mo titingnan ng mas malapitan o susuriin ng mas maigi. Nakakabulag ito ng puso dahil sa nakakaigayang pakiramdam. Ang sobrang pagkasilaw ay nangangahulugan nang mas nasasayahan ang puso sa nararamdaman. Ngunit anumang sobra ay delikado na maaring tumupok sa puso. Hanggang maaga ay dapat nang itama kung anuman ang kamalian at solusyunan ang mga bagay na dapat matapos. Matutong humulagpos sa nakakasilaw na damdamin at baka sa bandang huli ay mas madaming tao ang maapektuhan at masaktan.

SEE – LAU: Ang tunay na pag-ibig ay nakikita hindi kung papaano ka nito binulag. Ito ay kung papaano ka babangon mula sa pagkasilaw at isinasaalang-alang ang kabutihan ng nakararami.